Chapter 3: The Victim 2.0

42 5 3
                                    

Pi's POV

"So yea.. 6 months ago, I was in a 7 years relationship with someone, until I told him na I'm a rape victim." manginig-nginig na sabi ko pa. I've already claimed it. Hindi na ko iiyak. Pero bakit ngayon nagpipigil nanaman ako?

Hindi ko akalaing isa ako sa mga iiyak habang ini-interview ni Chuck. He is my friend since College days. Funny one and at the same time, intelligent, that's why we always argued over matter causing me to cry.

Onti palang ang nakakaalam neto, not even my family. Ganito ko iniingatan ang sikretong sasabihin ko ngayon sa lahat ng tao dito sa FM. Pati si Chuck alam kong hindi rin mapalagay at alam kong kina-kapa nya ang galaw ko tuwing magsasalita ako.

But I know..

I have to do this.

Para sa akin.

"63" FM called me, it is my time to answer.

"I believe na we really loved each other. Bakit naman hindi? Tumagal kami ng 7 years and we were Campus couple who other students mostly get jealous of. Spending time together is what we always do, like of course, what couples normally do. What I enjoy most is when we talk about things about ourselves. Ganun ako ka-interesado sa buhay nya. Feeling ko kasi dapat araw-araw kong i-try na kilalanin sya ng lubos. Naniniwala ako na kapag mahal mo ang tao, hindi ka dapat mapagod o magsawang may malaman na bago sa kanya. Kaya naman, halos lahat na ng bagay tungkol sa aming dalawa ay napagusapan na namin. Includes all our secrets. That's what he thought. Akala nya alam nya na ang lahat sa akin. 7 years kaming nagsama and 10 months ago, he finally proposed to me. That night, I can't believe kasi akala ko dati hindi ako worthy maging asawa ng kahit sino. Pero mahal nya talaga ako. Gusto nya akong pakasalan. Wiping all my joyous tears, I said yes. A very very sweet love story kung sakaling isa-salin sa libro. We were engaged and started planning the wedding. Actually dapat next year ng January, ikakasal na kami. Of course ngayon, I am truly aware that there is no car racer who can compete with life to drive someone crazy."

No one is chatting. They are all focused sa kung ano pang sasabihin kong susunod. Ganito lagi ang members ng "63" FM. They sense when not to talk. Pati ang mga bagong members kasama na, si Athena ay hindi rin nag cha-chat. Ganun din si Chuck na ngayon ay nakapatay ang microphone.

Hawak ko ngayon ang singsing na ibinigay sa akin ng taong minsan ko na minahal. Nilalamig ako hindi dahil sa aircon, kung hindi sa pag tayo ng balahibo ko tuwing naalala ko ang sumpang nangyari sa akin.

"6 months ago, anniversary namin, simula noong nag propose sya sa akin, mas pinaghahandaan ko na ang dates namin. We went sa mall to celebrate the day sa isang simple dinner date. As usual, he picked me up sa bahay. Wearing my best dress, it was red. Red lipstick din ang gamit ko and not so flashy make up. During the drive, hinhawakan nya ang kamay ko minsan minsan na talagang ikinasa-saya ko. He was such a lovable guy." Napatigil nalang ako bigla.

"WAS" wala na.

"Akala ko it will be one of our sweet nights. One of the best anniversary tutal ayun na ang huling anniversary namin before the wedding. After the meal, we decided to walk sa garden ng mall. We took a break and sat somewhere kung saan nasa ilalim kami ng malaking puno. Tanaw namin ang magagarbong ilaw na pakulo ng Mall." kaya ko to. Alam kong patigil tigil ako sa pag kwento ngunit nakakatuwang walang nagrereklamo sa chat ngayon. Ganito pala ang feeling ng Guest sa program. Alam nilang malungkot ka kaya malungkot din sila. Pag kailangan mong huminga, kailangan din nila.

"Then when I decided to open up a topic. A topic I didn't thought na ibro-brought up ko sa ibang tao willingly." My voice started shaking. I am holding my tears back. Hindi ko na kaya.

63Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon