CHAPTER 10

1.5K 55 2
                                    

CHAPTER 10

Julia’s

Nagising ako sa isang mabangong amoy na nagmumula sa labas ng aking kwarto, I smiled instantly at gusto ko na halos takbuhin ang kusina dahil sa bango ng luto na iyon, my all time favourite adobo is in the house- teka, magisa lang ako ah.

I hurriedly but also with careful movement walk to the kitchen, halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa nabungaran ko roon, may naka half naked na lalaking may malaking pasa sa tagiliran ang busy sa paghahalo ng kung ano sa may , I looked at his complete frame at hindi na kailangang magtanong kung sino ito, napapabuntong hininga na lamang ako at tila na disappoint sa nadatnan, why is he here? Hindi man lang ba siya nahihiya or nakokonsensya na naririto pa siya sa lugar ko?

“Ano pang ginagawa mo rito?” I make my voice cold as ice na bahagyang ikinagulat pa nito at mabilis akong nilingon, natatarantang nagpabalik balik ito ng tingin saakin at sa niluluto bago nito mabilis na kinuha ang tshirt nito na suot pa nito kagabi, may bahid pa ng dugo doon at mukhang hindi naman nito nilaundry iyon.

“Aum, n-nagluto ako saglit” anito, he faced me with his longing look ngunit iniwasan ko lamang ito ng tingin, bumuntong hininga na lamang ako atsaka siya tinitigan

“umalis ka na Lucian” muling nagbukas sara ang bibig nito at gusto pa sanang magsalita ngunit hindi na nito itinuloy pa ang balak at tahimik na lamang na tumango tango, naglakad ito at saglit na tumingin saakin at saaking impis paring sinapupunan, he smiled at bit at nakita ko ang bahagyang pagangat ng kamay nito, aaktong hahawakan iyon but he stop mid way at tumingin saakin ng malungkot

“C-call me if you need anything” aniya atsaka naglakad na palabas ng Unit, muli akong humugot ng buntong hininga atsaka hindi alam kung anong susunod na gagawin dahil nawalan ata ako ng lakas. He just fucking take my liveliness away.

A week had passed. At masasabi kong sobrang dami, as in sobrang daming nangyayaring kababalaghan sa buhay ko, isa na roon ang pag release ng form ko sa contract na hindi pa tapos at hindi pa ako dapat tumitigil sa trabaho dahil may kasunduan but one day Callah informed me na magpahinga na lamang ako and just take care of my Julia liit, and also I have this annoying neighbour na halos tambayan ang labas ng unit ko, kagaya na lamang ngayon na tinititigan ko siya through a screen sa labas ng unit ko at nagbabalak na kumatok ngunit nagdadalawang isip pa ata. Napairap na lamang ako sa ere at pinindot ang open button, kita ko ang panlalaki ng mata niya nang mabungaran ako

“H-hi” anito, mabilis niyang inabot saakin ang basket na may lamang ibat ibang klase ng mangga, actually I just shared something on my facebook account na ‘im craving for this’ at ngayon nga ay nandito agad ang 20 minutes ago ko lang pinost na sinasabi kong pinag c-cravan ko.

“Here” itinaas pa nito ang dala dala atsaka alanganing ngumiti saakin na ikinangiwi ko

“Hindi ako nanghingi ng ganiyan sayo” mataray kong sambit na ikinangiwi nito at napakamot pa sa sariling batok, he looks cute doing- shit!!

“A-ah okay, aum, you know you can chat me, pag may cravings ka, or, or just call me. I will give anything you like and need” anito, nagtaas lamang ako ng kilay sa kaniya bago ko niluwagan ang bukas sa pinto,

“Sa kitchen table lang tapos umalis ka na sa pinto ko, mukha kang timang” bahagya itong ngumiti saakin ngunit nang Makita sigurong seryoso ako ay mabilis nitong binitbit ang basket atsaka iyon dinala sa may kitchen, mabilis rin naman itong nakalabas agad kaya isinara ko na ang pinto ngunit nakikita ko paring nakatayo siya roon at tinititigan parin ang pinto. Damn.

I was eating some pineapples on my sofa at nakahiga lamang doon na nanonood ng TV nang pakiramdam ko naghahanap ata ako ng adobo, ayokong magluto, masakit ang braso ko na hindi ko maintindihan, medyo nararamdaman ko din ang pagiging tamad ko lately na halos pati ang paglilipat ng channel sa tv ay kinatatamaran ko na. Naiiling iling na lamang ako at patuloy na kumain ngunit hindi ko talaga mapigilang maglaway sa adobo. Ano ba yan baby, pahihirapan mo ata ako ah.

And like Jimmy Neutron with his brain blast ay nakaisip agad ako ng isang magandang idea, Feeling ko napaka sama ko pag ginawa ko ito pero feeling ko mabait pa nga ako pag ginawa ko ito eh. I reached out my phone on my pocket at mabilis na hinanap ang pangalan ni Lucian roon, I typed a message at pinagiisipan ko kung isesend ko ba o si Eury or Callah nalang ang tatawagan ko, but they are both busy. Tsk. Pahihirapan natin ang ama mo anak.

To: Lucian Yutengco
Cook adobo, Im craving for that food, now.

Sinend ko iyon at halos wala pa atang tatlompung Segundo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng Unit ko at nagmamadali itong pumasok sa kitchen, nahagip ko pa nga itong nagsusuot pa ng damit at kakaligo lang ata dahil basa pa ang buhok. Bad Julia. But on the other hand, Pahihirapan ko nalang siya. Yes oh yes Julia Mariake, make him suffer.

I reached for my phone again at muling nagtype ng message.

To: Lucian Yutengco
Im starving.

Halos matawa muli ako dahil hindi Segundo ang lumipas nang marinig ko ang pagmamadali nito. I heard my ringtone at agad kong binuksan ang message nito

From: Lucian Yutengco
Five minutes, I’ll serve it here on the table.

Pigil ang tawang muli akong sumubo ng pinya at hinayaan na lamang ang oras na lumipas, I felt my phone rang at muli ko iyong inabot, narinig ko ang pagbukas muli ng pinto ng unit ko bago iyon sumara, siguro umalis na siya

From: Lucian Yutengco
Eat well. I made some healthy snacks also, its on your fridge.

From: Lucian yutengco
Drink your vitamins.

From: Lucian yutengco
Eat well again.

From: Lucian Yutengco
Eat well, pakabusog.

From: Lucian Yutengco
Just text me if you need anything.

From: Lucian Yutengco
Eat well.

Napailing iling na lamang muli ako atsaka tamad na nagpuntang kusina, halos maglaway ako sa nakikitang umuusok usok pa na ulam. God, mukhang masarap. Buti nalang may one call away na akong tagaluto. I lightly tapped my tummy at kumuha ng ilang litrato sa pagkain at pati na rin saaking tiyan. I posted a good shot on my Insta bago ko hinarap ang plato ko.

“Pahirapan natin ang Daddy mo Baby” natatawa na lamang ako sa kalokohang ginagawa atsaka ako sumubo na ng pagkain, atlast, I found my peace.

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now