CHAPTER 29

997 37 1
                                    

 "Hija, ipinatatawag kana ni Luccerus, kakain na raw" ngumiti agad ako rito atsaka pinatay ang blower na hawak, I looked at the mirror once again bago muling inayos ang buhok, Nanay Helen smiled at me atsaka niya ako inakay nang marating ko ang pinto, alagang alaga ang mga katiwala saakin rito sa bahay ni Luccerus, dalawang linggo palang noong makalipat kami rito ay naging maluwag na agad ang pakiramdam ko,

"Ay kalaki na pala ng tiyan mo Hija, nagpacheck up ka na ba?" I smiled at nanay helen bago ako kumapit sa may hamba, ang kabilang braso ko naman ay akay akay ni nanay, shes making sure na bawat hakbang ko ay maayos at hindi matatapilok, actually mababa lang naman ang baitang noon, mga 10 hakbang lang siguro, praning lang ang mga tao rito gaya ng may ari

"Oho nay, Lalaki po ito" sagot ko na ikingiti niya, I smiled also at muling hinimas ang sinapupunan, malaki nga ang tiyan ko dahil mag wawalong buwan palang ay para na iyon puputok anytime, kaya talaga medyo hirap rin ako

"Ay talaga namang maganda ang magiging itsura nireng totoy kapag lumake" natawa ako sa accent nitong batangenya, parehas na parehas kasi ng kay mamang,

"Hey" mabilis na sumalubong saamin si Luccerus na cute na cute sa suot suot nitong apron na pink, natawa ako sa itsura nito at humawaka sa braso niya, mabilis nitong ipinulupot ang braso sa bewang ko at dahan dahan akong inalalayan papunta sa may lamesa

"Naku dapat na talagang madaliin ang kwarto niyo rito sa baba, para hindi na paroot paganoon iyang misis mo Luccerus" ani ni Nanay Helen na siyang humalili na kay Luccerus sa kanina nitong paglalagay ng ulam sa lamesa, Luccerus kissed my forehead bago niya ako ipinaghila ng upuan, I settled myself slowly on the chair.

"Oo nga nay eh, magpapatulong na ako agad kay Hugo para madaliin ang kwarto" ani ni Luccerus at siya na ang naglagay ng pagkain sa may harap ko, nagsandok siya roon ng maraming kanin at ulam na ikinatawa ko

"Baliw kaing balyena nanaman ang hain mo, busog ako sa kinain kanina" tumingin lang ito saakin bago ngumuso at tinigilan ang pagtatakal sa pagkain

"Nga pala Luccerus may padala nanaman kanin—"

"Oo nay ako na bahala" napatigil ako sa pagsubo ng kinakain nang mabilis na putulin ni Luccerus ang sinasabi ni Nanay Helen, I looked at him at nagtataka sa inasta, pero mukhang wala lang naman iyon sa kaniya na patuloy parin sa pagsubo ng kinakain

Padala? Anong padala? Mangga ba? Galing kila mamang? Kakahatid lang ng kuya rito nung isang araw ah.

"Anong padala?" tanong ko, He stopped eating bago sumulyap saakin ngunit ngumiti lang siya at umiling

"Some papers and stuffs" anito, saglit akong tumitig sa kaniya atasaka tumango tango na lamang at pinagpatuloy ang pagkain. After the meal ay sinamahan ako ni Luccerus na mag ayos muli ng mga gamit dahil napadali nila ni Hugo na kumpunihin ang kwarto sa baba, para raw hindi na ako aakyat at bababa dahil delikado na nga rin, I looked at them atsaka inabot sa kaniya ang mga box, ngunit mabilis nitong hinuli ang kamay ko at tinanggal iyon sa box na hahawakan ko sana

"Bawal magbuhat, you sit there and just relax" anito at itinuro ang kama, napanguso ako sa kaniya at lumakad papunta roon ngunit may natabig na kumpol na mga papel dahilan para kumalat iyon, I looked at those dahil hindi pamilyar saakin ang mga papeles

"Ibababa ko lang to Mariake" he walked out na dala dala ang mga box kaya dahan dahan kong ibinaba ang sarili para mapulot ang mga papel na nagkalat.

Halos matigilan ako sa napaka raming kopya ng divorce papers na naroon, lahat iyon ay may pirma ni Luccerus at ang isang parte naman ay wala. The name on the left part was just simply a name without any trace of sign, ang ilan pangang papel ay punit at sira. Halos mapasinghap ako sa nakita, with shaky hand, I reached for the paper near me at mabilis iyong binasa

"Heidi Lujares- Yutengco?" I felt something on my chest panged, halos mapahawak ako sa dibdib sa sikip noon, he is married?

"Mariake, Mamang is on.... the... phone" tulala lamang ako sa papel na tinititigan at tila walang narinig na hindi ito pinansin, I heard his footsteps at mabilis nitong sinikop ang pisngi ko at ikinulong ito sa kaniyang mga kamay, mariin itong pumikit at ipinagdikit ang aming noo bago niya ako niyakap ng mahigpit

"no, love.. listen" anito at mas hinigpitan parin ang yakap, pinipilit ko namang pakalmahin ang sarili dahil halos kumakabog ang dibdib ko sa lakas, I felt numb all of a sudden, tila sarado ang tenga ko at ayaw makinig sa sinasabi niya, bawat buka ng bibig niya ay hindi ko naiintindihan, wala akong naririnig.

"Mariake, no, no, please" anito, I felt myself being weak at hindi na napigilan ang paghikbi bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now