CHAPTER 25

1K 47 0
                                    


CHAPTER 25

“Shower lang ako ah” anito pagkarating na pagkarating namin sa unit ko, I smiled at him at agad akong tumango sa kaniya, he kissed my forehead bago ako niyakap at siya na mismo ang nagsara ng pintuan. Dadalawin niya raw muna ang Unit niya dahil baka nabubulok nat wala namang tumitira dahil palagi na siyang dito sa Unit ko natutulog. I smiled bago ako dumeretso sa sofa to atleast magpahinga saglit, I removed his jacket at sumandal na lamang sa headrest at pumikit. Hassle pala ang long drive. I sighed once again at napagdesisyonang pupunta na lamang sana sa kwarto ko nang marinig ko ang pag tunog ng doorbell.

Tumingin ako sa pinto ng nagtataka, Luccerus would just come in dahil may spare key siya na kelan ko lang nalaman, he admitted that he brought this fucking Condominium para lamang makuha niya ang spare key ng Unit ko at halos mawindang ako sa rason niya, napailing na lamang ako sa ala alang iyon at muling sinilip ang pinto dahil may nag doorbell nanaman. Dahan dahan kong tinungo ang daan papunta roon at halos mapanganga sa nakikitang bulto sa labas.

“Oh my gosh” naiusal ko nalamang at napatakip sa bibig, muli itong pumindot sa doorbell, sandali akong umusal ng panalangin na sanay dumating na si Luccerus at dahan dahang binuksan ang pinto.

I gulped a lump on my throat at tinitigan ang kadarating lamang na senyora, she stepped highly on my doorstep at siya pa ang nauna na pumasok sa loob, naalala ko nanaman ang huli naming paguusap, I was humiliated by her infront of many people.

“A-ano pong—“ hindi niya ako hinayaang makapagsalita at nagdumeretso papasok sa may sala ko, napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga, I looked around the hallways kung may kasama ba siya ngunit nang walang makitang mga tauhan nito ay nalugod ako. I closed my door at naglakad papunta sa lugar kung saan siya parang reynang nakaupo at tila ako pa ang mahihiya sa presensya niya.

She looked at me from head to toe, tila tinitimbang ang buong pagkatao ko kaya napaiwas ako ng tingin.

“You’re really good at digging you gold digger bitch” she spat, I was taken a back by what she said at mukhang nasiyahan siya sa dumaang gulat saakin

“So kamusta namang tumikim ng magkapatid? Masarap ba?” this time ay nakangisi na ito saakin at halos panawan ako ng ulirat sa kaniyang sinabi. I really wish Luccerus could teleport here right now.

“Ma’am You have no rights to call me names” pinatatag ko ang boses ko at gusto man ng kaloob looban kong wag magsalita ay tinatagan ko ang sarili ko at pilit siyang hinaharap

“Oh rights? I have all the rights Hija, anak ko lang naman ang tinutuhog mo” I bit my lip tight and held my self completely so I wont be weak infront of her

“Pagkatapos mong sumala sa kandungan ni Lucas ay kay Lucian ka naman manghihilakbot ng kalandian?” she looked at me again from head to toe bago siya umahon mula sa pagkakaupo niya, agad kong prinotektahan ang sinapupunan ko at mabilis na nilayuan siya,

“Unbelievable” aniya habang tumatagal ang titig roon sa tiyan ko. Please, Luccerus.

“At nagpabuntis ka pa talaga?” she said it mockingly, mabilis akonng umiling iling at pinilit ang sarili na huwag umiyak. Tatagan mo ang loob mo Julia. Hwag kang maniniwala sa sinasabi niya.

“At dahil unang apo, siya ang magmamana ng lahat, sobrang talino Levisque, magaling” she said almost clapping her hands, mabilis kong pinahiran ang luhang nasa may gilid ng aking mata, I saw her satisfied look seeing me wipe my tears.

“Kung nagawa kong mailayo ka kay Lucas kayang kaya koring gawin iyon kay Lucian at sayo” aniya, her face became more serious at lumapit na ng tuluyan, she raised her hand at halos mapakaliwa ang mukha ko sa sampal na iginawad nito.

“Ni hindi mo nga alam na si Luccerus ang may plano ng lah—“

“MOM!” natigil ang ginang sa pagsasalita nang biglang lumagabog ang pinto at sumigaw roon si Luccerus. He hurriedly came on my side at agad na tiningnan ang mukha ko, he looked so shock seeing the sore part of my cheek, mabilis niyang hinarap ang nanay niya at masama itong tiningnan

“How dare you” ani ni Luccerus sa napakalamig na boses, he put me on his back at halos mapahikbi ako ng lihim dahil sa sakit na aking nararamdaman. Anong ibig niyang sabihin?

“Oh son, don’t tell me you didn’t tell her abou—“

“SHUT UP!” sigaw muli ni luccerus, kinabahan ako sa ginawa niyang iyon dahil bakas sa boses nito ang galit, kuyom at namumuti na rin palad nito.

Her mom laughed like a witch. Luccerus became nervous as hell at halos takot ito sa sunod na sasabihin ng ina. Julia hid herself on her palm at doon na umiyak dahil sa stress na nararamadaman.

“tell her Luccerus, sabihin mo ang kasalanan mo” her mom provoked him, she gasped at what she said at halos mapaangat muli ng tingin. Alam ba ng ginang ang panghahalay ni Luccerus sa kaniya, but, she forgived him already. Kaya kahit anong paninira nito ay hiindi na siya masasaktan dahil alam niya at pinatawad na niya si Luccerus ng buong buo.

“D-don’t listen Mariake” ani ni Luccerus na utal, I looked at him at halos mamutla ito sa sinasabi ng ina, nagtataka niyang tinignan ang dalawa at hindi niya alam kung bakit sobrang sakit ng dibdib niya ngayon. Ayaw niya sa ganitong pakiramdam, yung parang, parang may mawawala.

“Bitch! You’re a disgrace Luccerus Ciandler!” sigaw ng ginang, naramdaman ko ang pagyakap ni Luccerus saakin at halos ipitin ako nito sa mga yakap niya

“Don’t listen to her Mariake, close your eyes, please MAriake, don’t listen” bulong ni Luccerus, she slowly met his eyes at dahan dahang tumango. I will trust you Luccerus, I trust you.

“Get out of here mom, hanggat may natitira pa akong respeto sa inyo” mapanganib na banta ni Luccerus, the whole room got slient

“Apo mo ito ma, tapos ganyan ka, wag mo namang iparanas saamin ni Lucas yong naranasan mo! Mom please” Luccerus’s voice became weak at ramdam ko sa pagtaas baba palang ng balikat niyay mabigat na ang pakiramdam niya. Nahihirapan rin siya.

“Get out now mom” tunog iyon ng pakiusap, sumilip ako sa kanilang dalawa at nakita ko ang pagluha ng ginang. She looked at me sharply before storming out of my Unit. Mabilis akong hinila ni Luccerus sa braso niya at agad akong niyakap

“I love you Mariake, Mahal na mahal kita, m-magtiwala ka s-sakin” he whispered before I felt his tears flowing, I felt my shoulders became wet at doon palang, pakiramdam ko muli nanamang nalamatan ang pagsasama namin. Totoo nga sigurong walang nananatiling Masaya ng Masaya lang hanggang dulo. Pain should be part of the long road too.

HER POSSESSIVE LOVER (COMPLETED)Where stories live. Discover now