Chapter 1

96 45 4
                                    

Mas binilisan ko pa ang lakad ko papasok ng kompanya. Dahil late na akong nagising kasalanan to ng mga bruha kong kaibigan ehh...

Nang makarating ako sa opisina ng boss ko binuksan ko agad ang pinto.

"Sorry I'm late, maam" agad na sabi ko kay boss pagkabukas ko ng pinto. Tinignan naman ako ng boss ko. At nginitian.

"No, it's okay Sam. Actually may sasabihin ako saiyo."

Namilog agad ang mata ko. "Tatanggalin nyo na ako sa trabaho? Boss, naman ngayon lang naman ako na late ahh..Atsaka boss akala ko friends na tayo!"

"Hahaha...nakakatawa ka talaga Sam."

"Tsk...boss anong nakakatawa. Walang nakakatawa sa sinabi ko."

"Hahaha...ang sasabihin ko lng naman aalis ako. 3 months ako mawawala, pupuntahan ko si mommy sa New York. Alam mo naman ang nangyari sa kaniya diba?"

"Ahhh...hehehe..akala ko tatanggalin nyo ko sa trabaho ehh."
"Pero boss pag umalis ka sinong magmamanage nang company nyo?"

"Yun na nga. Nakiusap ako sa kaibigan ko kung pwede sya muna ang mag sub saakin. Pumayag naman sya."

"Talaga? Anong pangalan nya?" O diba kung makatanong ako parang pamilya ko lng boss ko. Hahaha....

"Chase... Chase Dominguez" parang may bomba na pumutok sa harapan ko pagkarinig ko nang pangalan nayun.

"Ch-Chase D-Dominguez?" paninigurado ko.

"Oo, may problema ba Sam? Bat namumutla ka?" nag-aalalang tanong nya?

"Wa-wala ayos lang po ako? Pupunta ba sya ngayon?"

Hinde ko alam ang mararamdaman ko ngayon. For 4 years magkikita kami ulit. Na-alala nya pa ba ako? Kamusta na kaya sya?

"Oo, actually on the way na sya" sagot ng boss ko pero parang wala akong narinig. Ang lamig na ng mga kamay ko.

Mas nanigas ako nung bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses nya ULIT.

"Hey... Chasity!"

"Hi Chase... Salamat talaga at pumayag ka. Ahh.."

"Di to libre oyy..sisingilin kita pagdating nang panahon..hahaha..."

"Gaga. Pero salamat parin...."

Parang gusto ko nang magtago habang nag-uusap pa sila.

"Aii...nga pala. This is my secretary Samantha" biglang sabi ni Boss kaya dahan-dahang humarap ako sa kanila. At parang mas lalo ako na estatwa ng makita ko ulit ang mukha nya. He change a lot.

At halata ring nagulat sya nang makita nya ako. Nakatingin lang ako sa kanya at ganon rin sya saakin.

"Sam this is my friend Chase Dominguez. He will be my substitute for the mean time kaya sya muna ang magiging boss mo." Sabi ni Boss pero parang hangin lang yung sinabi nya.

"Hey..Sam are you listening?" Kalabit nya saakin kaya parang nagising naman ang diwa ko.

"Ah-ahh...oo" umiwas agad ako ng tingin sakanya at ngumiti lang ako ng tipid sa boss ko.

"Hahaha..Sam huwag kang mahuhulog sa gagang to ahh.. Tagilid yan ehh mukha lang straight hahaha..."sabi ni maam Chasity.

Binatukan naman siya nang huli "Gaga ka talaga" At sya naman ang binalingan nito.

"Hi! Sam, Long time no see."

"Magkakilala kayo?" Kunot-noong tanong ni maam Chasity.

"No/Yes!" sabay naming sagot.

"Wait!! Ano ba talaga?" Naguguluhang tanong nya.

Kaya sinagot ko na agad "No maam hinde kami magkakilala." Sagot ko agad.

"Pero sabi ni Chase magkakilala kayo."

"Ahmmm..dahil siguro nakikita nya ko sa University na pinapasukan ko dati. At nakikita ko rin naman sya but we don't know each other that well. We're just school mate" Mahabang paliwanag ko. Sabay ngiti ng tipid.

"Diba Sir Chase?" Baling ko sa kay Chase sabay ngiti ng tipid.

Tinignan naman ako nang mariin ni Chase bago sumagot. "Ahh..Yah"

""Ahh..okay, so it's settled then. I have to go guix... Mamayang hapon ang flight ko ehh..Chase ikaw nang bahala ahh.." Tumango lng naman si Chase at umalis na si Maam Chasity.

Pagka alis ni Maam, nag paalam agad ako dahil parang mahihimatay ako pag hinde pako umalis sa harapan nya.

"Ahh..sige Sir. Pag may kailangan kayo tawagin nyo na lang ako." Sabay alis ko sa harap nya. Nahinto ako sa pagbukas ng pinto nang magsalita sya.

"So we don't know each other huh?" malamig na tanong nya saakin.

"Yes, we don't know each other." malamig ko ring sagot.
Sabay bukas ko ng pinto at umalis na nang opisina ng boss ko.

Novis AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon