Ilang araw na mula ng hinatid ako ni Chase sa bahay. At ilang araw ko na rin syang iniiwasan. Tuwing may pasok nagpapalate ako. Hinde yung late talaga huh. Yung papasok na yung prof, yun din ang pasok ko sa room. At sa ibang upuan ako pumupunta. Mabuti na lang nakisama rin ang panahon saakin dahil may run kaming reporting at hinde sya ang partner ko.
Alam kong nagtataka na rin sya. Dahil tuwing aayain nya ko palaging hinde pwede ang sabi ko. Hinde ko rin alam kung bakit ko to ginagawa. Siguro para salbahin yung sarili ko. I love him but he just see me as his best friend. Maybe he also loves me but not the way I want. And it hurts.
"Hayyy....nakakapagod." nagulat ako ng bigla na lang umupo si Chase sa tabi ko. Nandito kasi ako sa bench gumagawa ng assignment namin.
"Ano yan? Gumagawa ka ba ng assignment natin? Pakopya!" Sabi nya pero tinitigan ko lang sya. Ang gwapong bakla talaga ni Chase.
"Hey Sam! Baka matunaw ako nyan." Nagising naman ang diwa ko sa sinabi nya at mabilis na tumayo.
"May problema ba tayo Sam? Akala mo ba di ko napapansin na iniiwasan mo ko. Akala ko ba bati na tayo?"
"Wala. Kailangan ko lang talaga umalis. Naalala ko may pinapagawa pala sa akin si Maam sa office nya."
Nangunot na man ang noo nya.
"Sige. Samahan na kita para madali mong matapos."
"HINDE!" nagulat na man sya sa pagsigaw ko. Pati rin naman ako.
"Alam mo Sam napaghahalataan ka na talaga ehh... Kung may problema ka sakin sabihin mo na. Hinde yung bigla ka na lang hinde mamansin at iiwasan ako. At maging tanga ako kakaisip kung may nagawa ba ako sayo." Galit nyang sabi at iniwan ako.
Naiiyak naman akong napaupo ulit.
Aiiishhh.. Nakakainis.Kumakain ako ngayon dito sa cafeteria. Kanina sa room hinde na rin ako pinapansin ni Chase. At kung magtatama ang mata namin iniirapan nya ko. Hinde ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa ginagawa nya.
"Sam!" Lumingon naman ako sa tumawag sa akin.
"France" sabi ko kay France, sya kasi yung tumawag saakin kasama nya si Chase. Pero hinde man lang sya lumingon saakin.
"Babe dito na lang tayo umupo." Aya ni France kay Chase.
"Huwag dito babe. Sa iba na lang tayo umupo baka sumigaw na man yung iba dyan." Pagpaparinig ni Chase.
"Huh? Nag away ba kayong dalawa?"
"Hinde. Di ko nga rin alam ehh.. tara kain na lang tayo. Dun tayo umupo. Lalapit lang ako sakanya kung tapos na sya sa pagiwas trip nya." Sabay irap saakin. Yumuko lang naman ako.
Umupo nga sila sa iba pero sa katabi ko lang naman na table. Tsk. Kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Babe! Kung may galit ka o problema. Sabihin mo saakin huh. Di yung iiwas ka sakin. Nakaka wrinkles yun ganon babe. Kaya huwag kang ganon huh." sabi ni Chase. Pero sure ako pinaparinggan nya lang ako. Kaya umalis na lang ako ng cafeteria.
Akala nya ba gusto ko ring gawin to. Hinde madali mag move on noh. Kung palagi ko syang kasama.
Ilang linggo na kami ni Chase hinde nagpapansinan. Palagi ko silang nakikita ni France. One time nagsalubong kami sa hallway pero parang hangin lang ako sakanya. Nasaktan ako pero yun naman ang gusto ko ehh...
BINABASA MO ANG
Novis Amare
General FictionSamantha Reyes is inlove to her best friend, Chase Dominguez a gay. Can she make him fall in love with her?