Chapter 7

32 5 0
                                    

2 months na mula nung huling usap namin  ni Chase. Tuwing nagkakasalubong kami nagpapanggap sya na parang hinde nya ako nakita. At kung magkakasalubong man ang mata namin. Binibigyan nya lang ako ng malamig na tingin. Lumipat na nga rin sya ng upuan.

Nung sinubukan ko nga syang kausapin. Iniwasan nya lang ako. Lintek na bakla yun. Di porket may gusto ako sa kanya tatratuhin nya na akong parang hinde ako nag exist sa buhay nya. Ang feeling nya. Siya pa ang may ganang umiwas. Diring-diri lang. Pesti sya ginusto ko ba na sa kanya magka gusto.

Pero tong mga nakaraang linggo. Pansin ko na parang wala sya sa sarili. May isang beses pa nga na napalabas sya ng room dahil hinde sya nakikinig sa klase. At hinde nya na rin palaging kasama si France.

Nasa bahay ako ngayon. Wala kasi kaming klase. Habang nagiinstagram ako. Nakita ko yung mga dati kong post na kasama si Chase. Napangiti na lang ako. Sino ba naman ang hinde mag kakagusto na babae kay Chase. Hinde halatang bakla. Kung titignan lalaking lalaki. Kung naging lalaki ba sya magkakagusto rin kaya sya sa akin. Siguro hinde. Dahil kung hinde sya bakla hinde ko sya nakilala. Nagkakilala lang naman kami dahil aksidente kong nalaman na bakla sya. Para nga akong pinagbagsakan ng langit noong nalaman ko na bakla sya ehh..

Busy ako sa pagscroll sa instagram ko nang biglang may tumawag saakin.

(Tita Beatrice calling .... ) bakit naman kaya tumawag saakin ngayon si tita.

Tita Beatrice is Chase mother. Actually close kami ni tita pati na rin ang bunsong kapatid ni Chase.

"Hello ti--"

"S-Sam... Si Chase." Putol sa akin ni Tita. Nagtaka naman ako. Ano nangyari kay Chase.

"Tita? Ano pong nangyari? Umiiyak po ba kayo?"

"Sam..pwede  mo bang puntahan si Chase sa condo nya..Please.. Nag away sila ng papa nya kanina." Nag aalalang sabi ni tita.

"Po? Bakit? Ano pong nangyari?"

"Nalaman nya na bading si Chase. Please Sam puntahan mo ang anak ko He needs someone right now. Gustohin ko mang pumunta sa kanya ngayon, pero ayaw akong paalisin ng asawa  ko."

"Si-sige po."

"Salamat ija."

Pagkababa ng tawag. Dali-dali akong umalis ng bahay.

Pagkadating ko ng condo ni Chase. Kumatok agad ako.

"Sam?" Halata sa mukha nya ang gulat. Pero napalitan rin agad nang walang emosyon na mukha.

"Anong ginagawa mo dito?"

"A-aamm.. pinapapunta ako ng mama mo dito. Tinawagan nya ko kanina."

"Ayos na ko. Pwede ka nang umalis." Ang bastos nang bakla na to ahh.. Palihim na lang akong umirap.

Pagsasarhan nya na sana ako ng pinto. Pero pinigilan ko.

"Sandali lang naman." Naiinis na sabi ko.

"Hinde dahil nandito ako sa harapan mo. Ikaw na pinunta ko." Pairap na sabi ko. "Nandito ako dahil sinabihan ako ng Nanay mo. Kaya tabi." Sabi ko at pinasok ang condo nya.

Umupo na lang ako sa sofa at nag cross arms.

"Maayos na ko. Pwede ka nang umalis. Kung ina-alala mo si Mommy. Ako na bahala magsabi." Napa roll eyes na lang ako at tinitigan sya.

Napansin ko ang pasa nya sa gilid ng mata nya. At ang sabog nyang labi. Tsk.. sayang.. Napa iling na lang ako sa naisip ko.

Alam kong di sya marunong gumamot ng sugat. Kaya nandito pa ako.
Bumuntong hininga ako. At tumayo. Dumiretso ako sa kwarto nya.

Novis AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon