Chapter 2

91 50 6
                                    

Note: Pagnaka Italic it means throwback yan. ENJOY.




......

"Oyy....bakla dito ka lang pala nagtatago sa garden pinahirapan mo pa kong maghanap." Sabay hampas sa akin.

"Sino bang Poncio Pilato ang nagsabi sayong hanapin mo ko ahh. Atsaka wag ka ngang manghampas bakla ka, baka nakakalimutan mong lalaki ka parin kaya masakit yang hampas mo." Sabay hampas ko rin sakanya ng malakas. Oo, malakas bwesit sya ehh...parang nagkabuhol-buhol ang mga organs sa likod  ko sa hampas nya kanina...

"Aray ha!! Sasamain ka talaga saking babae ka." Sabay sign nya na parang susuntukin nya ko.

"Sige-sige subukan mo nang mawalan ka ng dyosa na kaibigan."

"Gaga, sa ating dalawa ako lang ang dyosa" sabay irap nya saakin. Bakla talaga.

"Ano bang kailangan mo at ako ang binubulabog mo?"

"Oo nga pala, Sammiee...."tili nya sa pangalan ko. Baliw talaga.

"Ano yun Chassiee....?" panggagaya ko sakanya. Pero mas malakas yung sakin para feel nya..hahaha....

"Bwesit kang bruha ka...masisira ang eardrums ko saiyo ehh" bwesit na sabi nya na tinawanan ko lang.

"Hahaha..ano ba kasi yun?"tawa ko parin, trip ko talaga syang asarin. Hahaha..

"Ito na nga......may boyfriend na ko?"
Napatigil na man ako sa sinabi nya.

"A-ano?"

"Sabi ko bruha may Boyfriend na ko. Si France. Kilala mo naman sya diba?" Masayang sabi nya.

"Ta-talaga? Pe-pero paano ang family mo?"

"Talagang-talaga. At tungkol naman sa family ko, huwag muna nating problemahin yun basta mahalaga masaya ako..hahaha...."

Pero di ko magawang ngumiti sa sinabi nya. Na napansin nya naman.

"Hoy... Sammie ba't ganyan reaction mo? Di ka ba masaya para saakin?" Tanong nya na mahimigan ko naman ang lungkot.

"A-ah hinde masaya ako para saiyo?" Sabay ngiti ko nang pilit. Na hinde nya naman napansin. "Nagulat lang ako pero congrats bakla...hahaha... may nagkamaling pumatol saiyo...hahaha..."

"Talaga? Bff talaga kita." Masayang sabi nya. " At anong nagkamaling pumatol!" Sabay batok nya saakin. "Gaga ka talaga."

Novis AmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon