"Chase, gala tayo mamaya?" Tanong ko kay Chase na busy sa cellphone nya. " Total wala naman tayong klase sa Finance."
"Sige ba." Sagot nya pero ang atensyon nya na sa cellphone nya parin. Tsk..
"Chassiee...gutom na ako. Bilhan mo a..." Pero di ko natapos ang sasabihin ko.
"Sam? Mauna na ako ahh.. kita na lang tayo mamaya sa mall. Mamayang 1:00pm. Pinapapunta ako ni France sa unit nya ngayon ehh. Bye! Ingat." Sabi nya sabay alis. Excited lang.
Walang kwenta. Dahil ako lang naman mag-isa. Umuwi na lang muna ako.
Pagdating ko ng bahay nakita ko si mama kumakain ng lumpia. Kaya agad akong kumuha at kinain.
"Ikaw na bata ka hinde ka man lang naghugas ng kamay mo bago kumain."
"Hahaha Ma..hinde tatalab saakin ang virus noh." Pagbibiro ko.
"Tsk..maaga ka ata ngayon? Wala kayong pasok?"
"Wala po." Sabi ko habang kumakain.
"Bah...himala hinde mo kasama si Chase. Ganitong wala kayong pasok gumagala pa kayo." Napaismid naman ako nang ma-alala ko kung bakit maaga akong umuwi.
"Busy yun sa boyfriend nya." Walang ganang sagot ko.
"Selos ka?" Nagulat naman ako sa sinabi ni mama.
"Ma, ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Wag ako lokohin mo anak. Tuwing hinde nakatingin sayo si Chase. Kulang na lang matunaw yung tao sa titig mo. Kala mo di ko napapansin yun."
"Hinde naman kita masisi nak. Mabait na bata si Chase at pogi pa. Bakla nga lang." Pagpapatuloy ni mama.
Napabuntong hininga naman ako. " Ma hinde ba talaga pwede ang bakla at babae magkatuloyan?"
"Anak. Ang pagmamahal walang kinalaman yan sa kong babae ka man o bakla. Kung mahal ka rin nya pwede maging kayo." Natahimik na man ako.
Yun na nga ehh...walang gusto sa akin yung tao. Haisstt...
"Ikaw na magligpit nyang kina-inan mo huh. Magpapahinga lang ako sa kwarto." Tumango lang ako.
12:30 pa lang pa alis na ko nang bahay dahil yun ang plano namin ni Chase.
"May lakad ka?" Tanong ni mama na nanonood ng T.v.
"Opo. Magkikita kami ni Chase" sagot ko.
...
Kanina pa ako naghihintay kay Chase pero wala pa rin sya. 10 min. late na sya ahhh..Ba't wala pa yung bakla nayun. Kaya nagmessage ako sa kanya.Sam: Hoy..san kana?
Mga 5 minutes pa siguro bago sya nag reply.Chase: Aii..hala Sammie sorry. Nakalimutan ko. May sakit kasi si France walang nag aalaga sa kanya ngayon. Kaya baka hinde nako makapunta. Sam I'm sorry. Bawi na lang ako next time. Promise.
Bwesit na bwesit ako nang mabasa ko yung reply nya. Kailan pa sya nakakalimot sa mga gala namin. At higit sa lahat kaylan pa sya naging doctor para mag-alaga nang may sakit. Bwesit.
Nga naman boyfriend nya yun. Panlaban ko dun. Naiinis akong umuwi na lang ulit saamin.
"Oh..nak. Ang bilis nyo naman ata gumala ni Chase ngayon at wala pang alas dos naka uwi ka na agad." Nagtatakang tanong ni mama.
"Wala ma. Inindian ako ng bakla." Inis na sabi ko. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko.
Huwag lang magpapakita sa akin yung bakla na yun bukas. Dahil baka masuntok ko sya. Kung sinabi nya agad na hinde sya makakapunta edi hinde ako nagmukhang tanga kakahintay sa wala.
Hinde ko napansin na umiiyak na pala ako kung hinde ko pa naramdaman sa kamay ko. Bwesit talaga. Kailan ko pa iniyakan yung bakla nayun. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ganito ba talaga ang feeling kung hinde ka mahal ng mahal mo. Ang sarap nilang itapon sa ilog pasig. Pesti.

BINABASA MO ANG
Novis Amare
Fiksi UmumSamantha Reyes is inlove to her best friend, Chase Dominguez a gay. Can she make him fall in love with her?