"Sammiee....pansinin mo naman ako ohh..." Kanina nya pa ako kinukulit na pansinin ko daw sya. Pero bahala sya nagmukhang shunga ako ka hihintay sa wala kahapon. Kaya maging tanga rin sya dyan.
"Sam" tawag nya parin. Pero deadma ko parin.
"Samantha Reyes" naiinis na tawag nya. Napaismid na lang ako. Sya pa may gana mainis.
"Isa pa talaga Sa---"
"Manahimik ka nga. Nandyan na si prof. Ang ingay mo." Pagtataray ko sa kanya. Nasa room kasi kami ngayon at magkatabi lang kami.
"Mamaya ka saking bruha ka." Napipikong sabi nya. Inismiran ko lang sya.
Pagkatapos ng klase namin dali-dali kong niligpit ang gamit ko. At lumabas ng room.
"Sam!! Hintayin mo naman ako."
"Owwss...may hinihintay pala ako. Di ko alam." Pambabara ko kay Chase. Habang mabilis na naglalakad.
"Sammy naman sorry na nga ehh.. Alangan naman pabayaan ko si France. May sakit yung tao ehh.. At boyfriend ko yun. I have to prioritize him. Intindihin mo naman" naiinis na sabi niya.
Napahinto naman ako. Ansakit.
Hinarap ko siya at dinuro. "Sorry huh!! kung di ko maintindihan. Pero sana naman Chase sinabi mo ng maaga na hinde ka makakapunta para hinde ako nag mukhang tanga kakahihintay sa wala. O baka naman nakalimutan mo ring iMessage ako dahil nandyan yung boyfriend mo na kailangan mong iprioritize." May hinanakit na sabi ko. Kaya natahimik sya.
"Nganaman kaibigan mo lang naman akong bakla ka." Mapait kong sabi at iniwan sya.
"Sam." Habol nya parin.
"Huwag ngayon Chase. Doon ka sa boyfriend mo baka kailangan ka nya ULIT." Pigil iyak kong sabi at mas binilisan ko pa ang lakad ko. Nang mapansin kong di na sya nakasunod. Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.
"Bwesit" naiinis na pinahid ko ang luha ko na patuloy pa rin sa pag tulo. Pumunta akong CR para mag hilamos dahil may klase pa ko. Pag tingin ko sa salamin namumula ang mata ko. Shet..nagmukha akong adik.
Pagpasok ko ng room naroon na si Chase.
"Umiyak ka ba? Bat namumula mata mo?" Tanong nya pero di ko sya pinansin.
"Nakasinghot ka ba nang droga?" Pang-aasar nya. Kaya masama ko syang tiningnan. Kapal. Parang walang nangyari ahhh..
"Sam...Sorry na. Babawi ako."
"Kung gusto mo mamaya punta tayong mall. Libre kita." Pang-uuto nya.
"Sam"
"Sam"
"Sam di talaga kita titigilan. Hanggat di mo ako pinapansin." Kalabit nya sakin.
"Sa--"
"Chase tumigil ka na baka masita tayo ni Maam." Naiinis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Novis Amare
General FictionSamantha Reyes is inlove to her best friend, Chase Dominguez a gay. Can she make him fall in love with her?