I decided na unahin na lang yung Throwback moments nila kasi.........ang hirap pala pag sabayin ang past at present sa isang chapter.😂 Di kaya ng powers ko😂😂😂
........
"Sammie this is France my jowa, France this is Samantha or Sam my friend." pagpapakilala ni Chase. Nandito kami ngayon sa cafeteria kakain na sana kami kaso nakita ni Chase si France panahon na kuno para makilala ko ang epal nyang jowa. (Bitter ko ahhm...joke.) Kaya ito kami ngayon sama-sama sa isang table. Okay lang naman si France friendly at gwapo sya.(yun lang hahaha..) Pero yung feeling na nagiging third wheel ka sa kanila bwesit ang lalantod. Parang ayaw ko nang lunukin pagkain ko. Anlaswa pre.
"Chase babe taste this it's delicious" sabay subo kay Chase ng Spaghetti. At ang gagong Chase nagpasubo naman.
"True babe." masayang sabi ni Chase na kala mo first time kumain ng spaghetti nang cafeteria. Ehh..yan palagi nyang order ehh..Gosh..
"Ito try mo rin tong Carbonara ko. Masarap rin to." at nagsubuan na rin sila. Ang sarap sigawan ni Chase na nandito pa ko baka di nya maalala. Letse!!
Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa. Nakita naman ni Chase kaya pinandilatan nya ko nang mata. Pinandilatan ko rin sya aba kala nya ahh..Ang sagwa kaya nila tingnan. Pero dahil masyadong makapal ang mukha nya hinde nya ko pinansin. Gaga talaga.
Dahil mukhang di naman ako matutunawan sa kinakain ko tumayo na ko't nagpaalam sa kanila na pupunta akong library kahit di naman.
"Aalis kana Sam? Hinde mo pa naman nauubos yung pagkain mo ahh.."nagtatakang tanong ni France.
Ikaw kaya sa posisyon ko tingnan natin kung matunawan ka. At alangan namang maging martyr ako dito. Duh hinde ako bayani noh.!
"Ahh..oo busog pa kasi ako ehh..hehehe" Plastic na sabi ko. Nagtataka naman akong tinignan ni Chase. Alam nyang patay gutom ako. Pero nakakawalang gana talaga kumain takte.
"Sige Chassiee una na ko. Kita na lang tayo babush."sakit nyo sa mata makita di lang sa mata. Sakit rin sa puso. Hmmpp..manhid na bakla
Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno nanunuod ng soccer sa field habang ninanamnam ang binili kung bubble tea kanina. Wala kasi yung prof. namin kaya wala kaming klase ngayon. Kaya dito ako nagmumuni-muni.
"HOY!!" nagulat naman ako ng may bigla na lang sumigaw sa tainga ko at hinablot ang bubble tea ko at walang pakundangang hinigop lahat. LAHAT as in LAHAT
Hinablot ko agad ang buhok nya "Bwesit ka Chase ba't mo inubos. Walang hiya ka talagang bakla ka. Moment ko ito ehh..alam mo ba yun. Huh? Sabi ko habang sinasabunutan ko sya..
"O-ouch...ang buhok ko bruha bitaw." At hinablot nya rin ang buhok ko. Hinayupak talaga tong bakla na to..
"Shet ka Chase pag ako nakalbo sinasabi ko sayo hinde lang buhok sa ulo mo ang kakalbuhin ko pati na yang sa ilalim mo." Sabay bitaw ko sa buhok nya with matching tulak pa para feel nya.
Binitawan nya rin naman ang buhok ko. "Gaga ano kakalbuhin mo huh? Manyak na babae. Ikaw konti na lang iisipin ko na talagang pinagnanasaan mo ako ehh.."
"Kapal nang apog mo baks huh..san mo yan nakuha huh!. Pakibalik pls. Nakakafishtea ehh.." singhal ko sa kanya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Gosh ang sakit ng anet ko.
"Alam mo Sammie sabihin mo lang kasi sakin kung gusto mong makita si Junjun ipapakita ko naman sayo ehh.. wag mo ng ideny hahaha.." sabay akbay nya sAkin.
Bwesit na bakla to. "FYI sayo nayang junjun mo. Bwesit. Kahit di mo ipakita sakin na guguess ko na namaliit yan ehh.."pambwebwesit ko sakanya. Na mali ata.
Seryoso naman nya akong tinignan "Ano? Pakiulit nga! Maliit? Tsk. Kahit bakla ako Sam proud ako sa Penis ko. Halika akin na yang kamay mo nang malaman mo." Sabay kuha nya nang kamay ko.
"Jo-joke lang naman yun Chassiee di kana mabiro." pilit kong tago ng kamay ko sa likod.
"Hinde ako tumatanggap nang ganong biro." Sabi nya sabay lapit sakin kaya napaatras na ako ng upo. At naramdaman ko na talaga ang puno sa likod ko.
"Si-sige na malaki na kung malaki... Takte umatras ka nga bakla." Pagtatapangtapangan ko.
"Ayoko." Seryoso nya paring sabi habang nakatitig saakin. Nagulat ako nang dahan-dahan nyang binaba ang mukha nya saakin. Shet..anong gagawin nya hahalikan nya ba ko. Ito na ba ang time na kailangan ko nang pumikit. Nang lalo pa syang lumapit saakin at hinaplos ng kamay nya ang mukha ko. Pumikit na ko.
Pero ilang minuto na akong nakapikit wala pa rin akong nararamdaman na halik. Pagmulat ko nakita ko na lang si Chase na nagpipigil nang tawa. Shet... nakakahiya ka Samantha.
"Oyy...ikaw Sam ahh..may HD ka sakin noh!!ayyiee.."sabay sundot nya sa tagiliran ko.
"Tigilan mo ko Chase. At baka makalimutan kong kaibigan kita.." napipikon kong sabi.
"Makalimutan mong kaibigan mo ko? Bakit jojowain mo ko? Sorry pero hinde na ko pwede!" Pagbibiro pa rin nya.
"Chase..." susuntukin ko na sana ang mukha nya ehh..pero ang gago bigla na lang tumayo at tumakbo.
"Ayyyiee si Sammie may Hidden desire saakin." pagbibiro nya parin. Kaya hinabol ko sya.
"Chase bumalik ka ditong bakla ka nang masuntok kita." Sigaw ko sakanya habang tumatakbo. Pinagtitinginan na kami nang iba pero wala akong pake.
![](https://img.wattpad.com/cover/222684575-288-k492636.jpg)
BINABASA MO ANG
Novis Amare
General FictionSamantha Reyes is inlove to her best friend, Chase Dominguez a gay. Can she make him fall in love with her?