1

879 13 0
                                    

--

First week ng school at panay events lang ang kaganapan, wala pang klase. Rinig na rinig ang sigawan ng mga babae sa theater room ng kanilang eskwelahan.

Ano ang dahilan? Dahil lang naman sa bandang nagpe perform, Ace of Spades. Sila ang pinaka sikat na banda sa kanilang lugar. Title holder ng Battle of the Bands. Hindi naman talaga ang buong banda ang tinitilian ng mga babae, karamihan sa mga ito, ang habol ay ang Lead Guitarist ng banda na si Alyssa Valdez.

Isang 3rd year high school student na hindi ngumingiti sa kahit na sino, seryosong tao, laman ng library, nangunguna sa klase. Alam ng lahat ang sexual preference niya kaya naman talagang hinahabol habol siya ng mga babae. Ideal girlfriend nga raw kasi siya ayon sa mga ito. Ano pa nga ba naman ang kulang? Maraming talento, Matalino, Mabait at Mapagmahal. Hindi lang ngumingiti ngunit maganda pa rin ang itsura.

Katatapos lang nilang i perform ang pang huling tugtog at papunta na sana sa field si Alyssa pero hinaharang siya ng mga tao para magpa picture, ngunit kilala naman nila si Alyssa, hindi ito nagpi picture at nire respeto naman nila kung hihindi siya. Pumayag siyang mag pa picture ngunit isang cellphone lang at sama sama na ang lahat ng magpapa picture, groufie kumbaga.

Pumunta muna siya sa locker room upang ilagay ang gamit niya, pagbukas niya ng locker niya ay mga mga letter at tsokalate na nalaglag. Malamang ay galing ito sa mga admirer niya. Nilagay niya sa bag niya ang lahat ng chocolate at ibibigay sa mga kaibigan niya mamaya.

Naisipan niya munang magpalipas ng oras sa isang puno sa open field. Mababang puno lang ito, paminsan minsan ay inaakyat niya ito. Ngunit ngayon ay naupo lamang siya sa baba nitong puno.

Ninanamnam niya ang katahimikan ng paligid...

"Pssst!"

"Uyy!"

"Ako ba ang tinatawag?" Tanong ni Alyssa sa kanyang sarili.

"Oo ikaw. Pssst!" Lumingon naman si Alyssa sa paligid.

"Baliw, nandito ako sa taas!" Agad naman niyang nilingon ang tao sa taas sa may puno. Isang babaeng naka salamin, naka braces at maputi. Paglingon niya ay agad tumalon ang babae kaya't nagulat siya at tinangka niya itong saluhin.

Nalaglag na ang babae at parehas silang napaupo.

"Nababaliw ka ba? Bakit ka biglang tumalon?" Tanong niya sa babae.

"Aba, ang baba baba nito! Ikaw ang baliw, bakit ka humarang? Kung hindi mo ako hinarangan, edi sana naka talon ako ng maayos!"

"Ako na nga itong concern ikaw pa ang galit." Mahinang usal ni Alyssa na narinig naman ng babae

"Anong sabi mo?!" Sabi nito na nakataas ang isang kilay

"A-ah wala." Sagot ng isa.

Bakit ba ako natatakot dito sa maliit na to? Tanong ni Alyssa sa kanyang isip.

"I-isa ka ba sa n-nagkaka gusto sakin d-dito?" Nahihiyang tanong ni Alyssa.

"Aba, akalain mo nga naman Hahahahahahaha. Mayabang ka rin pala!" Sabi ng babaeng kausap niya.

"H-hey no! It was just, nasanay akong tuwing may lalapit sakin ay may kailangan sakin ganun. D-don't misunderstood it." Sabi nito at nagkamot ng batok.

"It's amusing lang, ang isang super shy Alyssa Valdez ay marunong din palang magtanong ng ganun, Hahahaha. But For your information, hindi kita crush! Oo nga lahat nga ng babae dito may gusto sayo, except me. Duuhh!"

"OA ka. H-hindi naman lahat." Sagot nito.

"Hahahaha, nauutal ka ba lagi?"

"Hindi naman. Kapag lang kinakabahan ganun."

Greatest LoveWhere stories live. Discover now