--
"Ly sino ba kasi yun????" Tanong ni Kiefer na halatang napipikon na. Kinwento lang naman ni Ella ang nasaksihan niya nung Biyernes pero hindi niya pinangalan at ikinwento ang buong detalye.
"Wala nga, Bahala kayo maghanap." Sagot naman ni Alyssa
"Wesa mo. Ano pala yung kinwento ni Ella na dinahilan mo pa ako hay nako, Nagdadahilan ka na baldo ah?" Sabi naman ni Vic
" 4th year section 1. Babaeng maputi na naka salamin, bahala kayo maghanap." Sabi ko at tumayo na para pumunta sa library.
"Oh Valdez, nandito ka na. Kanina pa naiyak si Lazaro doon sa may usual spot niyo. Hindi ko mapatahan at ayaw pang lumabas." Sabi ng librarian.
"Ah g-ganun po ba. S-sige puntahan ko lang p-po." Sabi ni Alyssa at inabot sa kanya ang lib id nito.
Paglapit ni Alyssa kay Dennise ay rinig niya ang mahihinang hikbi nito.
"O-okay ka lang?" Tanong ni Alyssa at tiningnan lang siya saglit ni Dennise at nagpatuloy sa pag iyak. Buti nalang walang tao rito sa Library dahil oras na ng klase.
"Ang insensitive mo, Ly. Kita mo na ngang naiyak itatanong mo pa kung okay lang, Hay nako." Sa isip ni Alyssa
"Den, eto p-panyo." Kinuha naman ito ni Dennise at siningahan.
"Lyy comfort mo. comfort mo. comfoort is what she needss!!! Ughh!!" Usal pa ni Alyssa sa kanyang 7 sarili
"I-ice cream tayo?" Tanong niya dito at agad naman itong tumayo at nagpunas ng luha pagtapos ay hinablot na siya.
"Ma'am babalikan n-nalang po namin yung i-id namin." Sabi pa ni Alyssa bago tuluyang makalabas ng library.
"Hay, nakaka tuwang makasaksi ng isang love story na nagsimula sa ganito. Haha." Sabi ng librarian sa sarili niya habang nakangiti.
Habang si Alyssa naman, namomroblema kung paano sila lalabas ng school lalo na't dalawang oras pa bago ang kanilang dismissal.
"Paano tayo lalabas, Ly?" Tanong ni Den na naiyak pa rin.
Tila nagliwanag ang mukha ni Alyssa na parang may light bulb sa ulo.
"A-akong bahala." Sabi nito at nag smirk kay Dennise. Hinila niya si Dennise patungo sa guard at hinarang naman sila nito.
"K-kuya yung i-inhaler ko po naiwanan ko. K-kailangan kong b-balikan, Kuya." Pagdadahilan ni Alyssa at humahawak pa sa dibdib para magmukhang kapani paniwala.
"Oh, ba't naman naiyak 'to?" Tanong ng guard at itinuro si Dennise
"Obvious ba kuya? Nag aalala ako! Nahihirapan na siya! Kuya talaga pag may nangyaring masa--"
"Oo sige na lumabas na kayo, kunin mo inhaler mo Valdez, dalian niyo para maka abot pa kayo sa last period." Sabi ng guard at pinagbuksan sila ng gate.
Nang makalabas sila, hindi pa sila nakakalayo ay sumigaw ang guard.
"VALDEEZZ!! LAZAROOOO!! BALIK!! WALA KANG HIKA!! BALIK!!" Sinubukan pa ng guard na habulin sila ngunit hinila na agad ni Ly ang braso ni Dennise at tumakbo sila.
Nang makalayo sila ay bigla namang tumawa nang malakas itong si Dennise
"Oh? Ba't ka natawa? P-parang kanina lang n-naiyak ka pa" Nagtatakang sambit ni Alyssa at literal na napa face palm siya dahil naalala nga ni Dennise iyon at humagulgol ng pag iyak.
"A-anong g-gagawin ko?" Tanong ni Alyssa sa kanyang sarili na narinig naman ni Dennise
"Ice cream, unggoy." Sabi ni Dennise at hinila siya papunta sa Toby's.