7

215 9 0
                                    

--

"Oh, you never really love someone until, you learn to forgive... you learn to forgiveee."

"Learn to, forgive." Sinabayan pa ni Dennise ang last line ng kanta

Dami pang gustong sabihin

"Ayan na, Pagtingin na." Sabi ni alyssa sa kanyang sarili.

Ngunit 'wag nalang muna,

Hintayin nalang ang hangin, tangayin ang salita.

Huwag mo akong sisihin, mahirap ang tumaya

Dagat ay sisisirin, kahit walang mapala

'Pag nilahad ang damdamin, sana 'di magbago ang Pagtingin... Aminin ang mga lihim, sana 'di magbago ang pagtingin.

Bakit laging ganito, kailangang magka-ilangan

Ako ay nalilito. Hmmm.

Huwag mo akong sisihin, mahirap ang tumaya, dagat ay sisisirin, kahit walang mapala

" 'pag nilahad ang damdamin, sana 'di magbago ang pagtingin, aminin ang mga lihim...sana 'di magbago ang pagtingin. " Pagsabay ni Dennise sa kanta at tumingin pa sa kanya habang sumasayaw sayaw din dahil sa vibes ng kanta.

Natulala si Alyssa, Parang lumabo ang paligid at si Dennise lang ang nakikita niya, bumagal din ang paggalaw nito.

Nag slow motion ang lahat sa paningin ni Alyssa.

Pahiwaaaatiiig... Sana 'di magbago ang pagtingin.

"Dennise, I like you." Sabi ni Alyssa habang ang kanyang puso ay nagwawala na akala mo ay lalabas na sa kanyang katawan.

"Ha ano? Hindi kita marinig!" Sagot ni Dennise na patuloy pa rin sa pagsayaw sayaw.

Pahiwaatiiiggg.. Sana 'di magbago ang pagtingin.

"Ang sabi ko, I like you." Sabi pa ni Alyssa na medyo malakas na ang boses ngunit hindi ulit narinig ni Dennise

"Den, Gusto kita!" Medyo sigaw ni Alyssa na nakapag pa tigil kay Dennise sa pagsayaw, unti unti niyang nilingon si Alyssa na halata ang gulat sa mukha.

"A-anong sabi mo?" Tanong nito

"A-ang sabi ko, g-gusto kita. Maniwala ka, Hindi ko alam kung paano nangyari. I-isang araw gumising nalang ako na sa tuwing nakikita kita, sa tuwing kasama kita, bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing tumatawa ka, nawawala ako sa sarili at napapa isip na ayun ang pinaka magandang tawa na narinig ko. Sa tuwing hinahawakan mo ang kamay ko, milyon milyong boltahe ang dala sa katawan ko, sa tuwing.... sa tuwing napapa titig ako sa mukha mo, nakaka ramdam ako ng paru paro sa tyan ko." Mahabang pag amin ni Alyssa na sobra ang kaba.

"S-seryoso ka?"

"Oo, Den. P-pasensya na kung h-hindi ko dapat 'to naramdaman, h-hindi ko m-mapigilan, K-kung may iba ka namang g-gusto, ayo--"

Tsup!

Namula at wala sa sariling napahawak si Alyssa sa kanyang labi matapos siyang halikan ng mabilis ni Dennise sa labi.

Nag start na ang kantang Araw araw at nagulat si Alyssa nang biglang pinaglakip ni Dennise ang kamay nilang dalawa at isinandal pa ang ulo nito sa balikat niya.

Kinilig naman si Alyssa sa inakto ni Dennise ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

Nagre replay sa utak niya ang paghalik na ginawa ni Dennise, at tila may naisip siya,

Greatest LoveWhere stories live. Discover now