A/N: Guys hehe I'll write mostly in English or Taglish nalang po, mas nae express ko kasi yung naughty scenes nila Ly in English eh, hehehehe. Hindi masyadong bulgar na bulgar yung words in English, we all know that. So ayun:)
--
"Ly!!!!! Aalis na kami ano ka na?" Sigaw ni Ella na nakapag pa gising kay Alyssa
"Ano ba 'yon Jorella Marie?!Wala pa ngang araw!" Sigaw ni Alyssa rito
"For your info, Ngayong araw po kami mag e exam ni Lazaro sa Ateneo at 'di ba sasama ang barkada? Ikaw nalang ang hindi pa naka bihis!" Ella hissed
Tamad na tamad na bumangon sa higaan si Alyssa at bumaba para mag agahan
"Pots, A-ano na kayang itsura ng Maynila, ano?" Tanong ni Alyssa habang nakain sila
"Aba syempre, panay usok ng tambutso, polluted nga raw masyado ron sabi ni Tita, hindi kagaya rito na fresh na fresh ang hangin, parang ako, fresh."
Nasamid naman si Alyssa sa sinabi ni Ella at tumawa tawa, "Yuck. Kadiri ka pots, kumain ka nalang."
"Ayan, bully ka, nabilaukan ka tuloy." Pang aasar ni Ella at nagpatuloy sila sa pagkain.
"Nak, Mag iingat kayo ron ah, tawagan mo ako kapag may nangyari, huwag kalilimutan ah?" Bilin ni Nanang Ema sa dalawa
"Opo nang, mag iingat po kami." Sagot ni Alyssa
"Nako nang, kokotongan ko po ito si baldo kapag hindi nag ingat. Shuu! Maligo ka na!" Pagtataboy ni Ella rito at ang isa naman ay umakyat na para mag ayos.
Maagang dumating si Ella dahil nga sa magkapitbahay lang sila ni baldo.
"ELLAAA!!!!" Sigaw ng mga kaibigan kasama pagpasok ng bahay
"Panget mo talaga Kiefer." Bungad ni Ella
"Wow ah, inaano kita?" Tanong naman nito at naupo sa sofa.
Kumpleto ang barkada.
si Kiefer, Ara, Kim, Gretchen, Mika at si Marge.
"Wala bang pagkain dyan, Nanang Ema?" Bungad naman ni Marge na dumiretso sa kusina
"Napaka takaw mo talaga Margarita!!" Sigaw ni Ara at nagtawanan naman lahat sila, maski si Ella ay naki tawa
"Luh si Ella, makatawa wagas, mas malala ka pa kay Marge, uy!" Pang asar naman ni Kim na nagpatawa sa lahat
"Tigilan mo ako sunog!" Sagot ni Ella
"Guys, puntahan ko lang si unggoy. Ang tagal eh." Sabi ni Dennise at naglakad na patungo sa hagdan,
"Den!!" Sigaw ni Kiefer, Nilingon naman siya ni Dennise
"Oh ano?"
"Intayan lang ah, walang dirty job." Naka smirk na sabi ni Ravena at gumaton ang iba pang kaibigan
"Oo nga naman besh, Baka mamaya may ingay kaming marinig ah tapos lalo tayong tumagal" Pang aasar din ni Ella
"Siraulo ka Ravena!! Wag kang magpapalibre mamaya Ella liit!" Sagot ni Dennise and it made Ella frown at tumakbo na ito patungo sa kwarto ni Alyssa, pagpasok niya ay narinig niya agad ang pag agos ng tubig, kahulugan na naliligo pa nga ang unggoy niya.
"Unggoy, dalian mo dyan, ako na pipili ng isusuot mo ah?" Sabi ni Dennise at sumigaw si Alyssa ng Oo bilang sagot.
Naka higa lang si Dennise sa kama ni Alyssa at nakatitig sa ceiling habang inaantay matapos ang girlfriend niya.