5

227 9 0
                                    

--




It is now February, the month of love. Dennise celebrated her birthday with Alyssa and Alyssa's friends. She turned 17.

"Nang Ema, nandyan po ba si Ly?" Tanong ng mga kaibigan niya. Napag isipan kasi nilang mag bff weekend ngayong araw at si Alyssa ay hindi pa nababa ng kwarto.

"Ah oo. Natutulog pa ata. Napuyat kakalaro kagabi." Sagot ni Nanang Ema kila Kiefer na siya namang ikinagulat nito.

"Huh? Si Ly po? As in si ineng? Nagpupuyat na?" Gulat na tanong ni Ara.

"Oo. Naglaro sila ng play station kagabi ni Den at madaling araw na ata nagsipagtulog." Sagot naman nito at biglang may bumukas na pinto at nakarinig sila ng yabag sa hagdan.

"Baka si Ly na." Sabi ni Kim.

Si Ella ay wala nang reaksyon dahil nga nakilala na niya si Dennise, si Mika rin naman kilala si Dennise ngunit hindi kagaya ni Ella na nakaka hang out na nito.

"Oh pababa na ata." Sabi ng Nanang ema.

Nagulat silang lahat ng isang maputing babae na naka braces ang bumaba at nag uunat pa.

"Omg... Suot niya yung shirt ni Ly." Bulong ni Mika kay Ara na hindi naman maka sagot dahil sa gulat.

Ang mga kaibigan ni Alyssa ay natameme lahat at hindi rin naman sila napansin ni Dennise dahil dire diretso itong naglakad patungo sa kusina.

"Good morning nang! Tulog pa si unggoy, puyat na puyat ata. Hahaha. Ako nalang po magluluto ng almusal." Pag aalok nito

"Ay nako huwag na, para ka namang bago rito, Den. Pumunta ka nalang sa may sala at inaantay kayo ng mga kaibigan Alyssa."

Tila nawala naman ang antok ni Den sa narinig, "Ha?? K-kaibigan po ni L-ly?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Siya sige na paroon ka na at kausapin mo sila habang tulog ang unggoy mo." Pang aasar ni Nanang Ema

"Nang talaga oh. Sige po punta na ako." Sabi ni Dennise at napa face palm.

"Tsk tsk. Wala na, Dennise. Hay nako." Sabi niya pa sa sarili niya, pagdating niya sa sala ay nakita niya ang mga kaibigan ni Ly na naka upo at naka tingin sa kanya.

"Uhm, H-hi?" Awkward na bati niya rito.

"Sino ka? Ikaw ba ang secret date ni Baldo? Jowa ka na ba niya? Anong meron sa inyo?"

"Ba't suot mo shirt niya?"

"Bakit dito ka natulog?"

"Bakit hindi ka nagpakilala sa'min, lagi ka naming hinahanap?"

Tanong sa kanya ng mga kaibigan ni Alyssa at napa isip siya, "Tsk, oo nga unggoy. Hindi nga magandang idea na makita tayo ng mga kaibigan mo, ako ang na ha hot seat!!" Sabi niya sa isip niya at alanganing ngumiti.

"Hep Hep hep! Guys ano ba, one question at a time, sasagutin yan ni besh lahat, diba besh?" Tanong ni Ella

"BESH???" Sabay sabay na tanong ng mga kaibigan niya, "Close kayo?" Tanong ni Kiefer.

"Oo. Dati pa, Hahahhahahaha. Nga pala Den, eto si Kiefer, eto si Ara, si Mika naman 'tong isa, tapos etong sunog, si Kim. Guys, si Den." Pagpapakilala ni Ella

"Ah so ayun, Nice meeting you guys. Hindi kami magka date ni ineng, magkaibigan lang kami." Unang sinabi ni Dennise

"Weh?? Di nga??" Sabi naman ni Ara

Greatest LoveWhere stories live. Discover now