8

206 9 0
                                    

--

Dalawang linggo nang nililigawan ni Alyssa si Dennise at ngayong araw ay narito siya kila Dennise upang sunduin ito.

"Magandang umaga po, tito. Tulog pa po ba si Den?" Tanong ni Alyssa sa daddy ni Dennise.

"Naliligo na baldo. Ang aga mo naman yata ngayon?" Tanong ng daddy ni Dennise

"Ah. T-Tito, may s-sasabihin p-po kasi ako." Kinakabahang usal ni Alyssa

Compose yourself, Ly. Kalma. Kalma okay? Sabi ni Alyssa sa kanyang sarili

"Oh ano 'yon? Seryoso mo naman ata?"

"G-gusto ko po ang p-panganay niyo, tito. L-Liligawan ko po. P-Pasensya na p-po h-hindi ko po sadya, hindi ko rin po n-napigilan." Sabi ni Alyssa at yumuko.

Inaantay niyang may kamaong lumapag sa mukha niya ngunit wala.

"Oh,ba't ka naka yuko?"

"T-tito hindi po k-kayo galit?" Pag angat ng ulo ni Alyssa

"Ba't naman ako magagalit? Sa katunayan nga e botong boto ako sa'yo baldo, hay nako hindi ba halata?" Sabi ng daddy ni Den at tumawa at inilatag ang chess board.

"Sa ngayon, chess tayo. Talunin mo ako, nako ang lahat ng nagtatangkang manligaw dyan sa pakoy natin ay kinakalaban ko ng chess, wala pang nananalo sa'kin, malay mo ikaw na 'yon." Sabi nito at nag smirk

"H-hindi naman po siguro, kayo pa? Pero subukan po natin." At nagsimula na ngang maglaro ang dalawa.

Tutok sa paglalaro ang dalawa at hindi nila namalayan na nakababa na si Den, "Aba, ang se seryoso niyo ah? Kanina pa ako nandito, hello?" Sabi nito at tumawa

"Ang hot talaga ni Unggoy kapag ang seryoso." Sabi ni Dennise sa isip at pinapanood ang dalawa maglaro.

"Checkmate!" Sigaw ni Alyssa at ngumiti kay Dennise ng malaki.

"Aba, mahusay pala itong si baldo sa chess eh, biruin mo pakoy, natalo ako."

"Hala dad, natalo ka ni unggoy?" Gulat na sabi ni Dennise

"Oo, gulat din ako. Naca counter ang mga moves ko eh, Hahaha nice one baldo. Oh pano, aalis na ako at b byahe pa ako, sige na. Anak mag iingat dito ah. Baldo alam mo na ang gagawin mo, O siya sige na kumain na rin kayo at baka ma late pa kayo." Sabi ng daddy ni Dennise at humalik sa ulo ni Dennise at niyakap si Alyssa.

"Ingat po kayo, tito."

"Ingat dad, love you!"

Ang daddy kasi ni Dennise ay sa Maynila nagt trabaho sa kasalukuyan. Bihira lamang itong umuwi sa kanila, may buwan na linggo linggo itong nauwi.

"Den, n-nagpaalam na ako kay tito, hehehe pumayag naman. Akala ko masasapak ako." Pagk kwento ni Alyssa habang nakain sila.

"Baliw, Hahahahaha. Grabe, natalo si dad sa chess, tsk tsk. Galing talaga ng unggoy ko." Sabi ni Den at kinindatan si Alyssa, ngumiwi naman si Alyssa sa narinig

"Unggoy pa rin?"

"Oo naman. forever unggoy na kita 'no, pero hindi na basta unggoy. The most beautiful unggoy ka na sa paningin ko ngayon. Hehe ayos ba?"

Namula naman si Alyssa sa narinig at pinagpatuloy ang pagkain.

"Yieee nagva violet. Hahahahahaha joke ineng, labyu!" Pang aasar pa nito at tumawa

Naka ngiting napa iling naman si Alyssa.

Tinapos ng dalawa ang pagkain at umalis na ng bahay.

Greatest LoveWhere stories live. Discover now