J I H Y E
[ narration ; lowercase ]pagkasalubong nina haechan sa kin dito sa labas, agad nilang binuhat yung mga pagkain atsaka agad ding pumasok ng building. pagkain lang talaga inantay ng mga to eh. sanang di na lang ako pumunta at pinasundo na lang sa kanila yung pagkain hays.
naglakad na ko paalis nang bigla akong tinawag ni haechan pero di ko siya pinansin. bahala sila diyan. uuwi na ko.
patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang may humila ng kamay ko at hinila ako papunta sa building. sisigaw na sana ako pero nakita kong si johnny pala ang humila sa kin. hinila niya ko hanggang sa makarating sa studio room kung saan sila nagpapractice.
“ayyyiiieee!” biglang tili ng ibang members, maliban sa kaniya, at binigyan pa kami ng mapanuksong tingin. anong meron?
biglang napabitaw naman si johnny sa kamay ko atsaka dinala yung pagkain sa may mesa doon. kaya naman pala. mga maiissue.
pumunta na lang ako sa pwesto nina johnny atsaka sila tinulungan maghapag ng pagkain, binabalewala panunukso nung iba.
“wag na magselos. wala naman yon eh diba?” dinig kong sabi ni jungwoo pero hinayaan ko lang siya.
---
“ang sarap ng luto mo jihye!”
“nakakabusog!”
“thank you jihye!” sabi nila habang nakaupo sa kung saan-saan sa studio room. nginitian ko lang sila ng tipid.
habang busy sila magkwentuhan sa isa't isa, biglang may pumasok na grupo ng mga babae. bigla naman sila nagsitayuan at sabay-sabay na nagbow sa kanila kaya di ko nakita mga pagmumukha ng mga yon. hinarangan nila eh.
“annyeong sunbaenims!” masiglang bati nila. so mga seniors nila to? they must be...
red velvet?!
luminga-linga ako para makita sila pero ang laki talagang harang ni johnny suh. tangkad kasi eh psh!
pumunta yung red velvet sa gitna atsaka nagbow at nag-greet back sa kanila, “annyeong!” masayang bati nila.
ang ganda talaga nila omg!
“actually, pumunta lang kami dito para kumustahin kayo. mukhang okay naman kayo i guess.” sabi ni irene habang may ngiti sa kaniyang mga labi. ang cute!
inalok naman sila ng ibang members ng pagkain na dala ko. hindi naman sila tumanggi at kumain din sila.
habang kumakain sila, napukaw ng atensiyon ko sina jaehyun at yeri na mukhang masaya namang nagkwekwentuhan. o...kay? i shouldn't feel this way.
bakit ang sakit makita?
simple lang, may gusto si jaehyun kay yeri dati pa. kahit nga nung kami pa lang, crush niya na si yeri eh.
tinitigan ko lang sila hanggang sa may umupo sa tabi ko. hindi ko na inabala pang tignan kung sino yon hanggang sa inalok niya ko ng mango graham na dessert na gawa ko. dun ko lang siya tinignan at si mark pala. tinanggihan ko yung alok niya pero pinilit niya pa din.
“busog ako.” sabi ko sabay tulak ng mahina dun sa platong hawak niya atsaka binigyan siya ng tipid na ngiti.
“you didn't eat yet you're saying that you're already full?” tanong niya atsaka sumubo nung mango graham. napailing na lang ako atsaka muling tinignan sina yeri and they're laughing.
“they'll melt.” sabi ni mark habang ngumunguya. tinignan ko siya ng masama pagkatapos ay binalik ko din yung tingin sa kanila.
inalok niya ulit yung kinakain niya. as usual, tinanggihan ko kaya nagsalita na siya, “you should eat.” sabi niya. napabuntong-hininga na lang ako at tinignan siya.
“busog na nga ako. habang ginagawa ko yan, naamoy ko na kaya busog na ko.” sabi ko sa kaniya but he just shrugged.
“still, you didn't eat.” sabi niya kaya napahilamos na lang ako ng mukha. ugh! bakit ko ba kasi kinakausap to?
“alam mo ba?”
“hindi. hindi ko pa alam.”
“o sige wag na.”
“joke lang. ano ba kasi yon?” sabi ni johnny kay haechan atsaka niya ito inakbayan habang may ngiti sa labi. tuwang-tuwa na naasar niya si haechan.
“alam mo ba?”
“hindi nga—”
“manahimik ka johnny hyung!” inis na sabi ni haechan at tinawanan lang siya ni johnny. loko-loko talaga.
“there! haechan is already mad.” sabi ni mark atsaka tumawa. tuwang-tuwa pang naiinis na si haechan.
“ano nga kasi?”
“ganyan nagkatuluyan lolo't lola ko.”
“saan? sa asaran?”
“hindi. nag-uusap lang sila. ano ba sa tingin mo hyung?” pambabara ni haechan kay johnny at natahimik naman si johnny. tuwang-tuwa ulit si mark. natawa na lang ako sa lokohan nila. mga nabaliw na.
habang natatawa, biglang may naglapag ng pagkain sa harap ko kaya natigil kami sa ginagawa. pagkatapos non, lumabas siya ng studio. di nagtagal, bumalik siya ng may dalawang bottled water na hawak atsaka niya binigay sa kin yung isa habang yung isa naman eh ininom niya.
“you should eat before hyung gets mad.” mapang-asar na tugon ni mark atsaka sumubo ulit nung kinakain niya. kumain na lang din ako dahil dun lang din ako nakaramdam ng gutom.
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU ¦ 정재현.
Fanfiction❝ i'm still into you jung jaehyun ❞ ↺ in which a girl named joo jihye is still into a boy named jung jaehyun. Date started: 04/14/20 Date ended: 05/14/20 STATUS: COMPLETED