🍒 - O48

356 18 19
                                    

J I H Y E
[ narration ; lowercase ]

continuation...

nakasakay na kami lahat ngayon sa van at pauwi na. as usual, nasa likod kami ulit ni jaehyun. ang pagkakaiba lang is natutulog siya ngayon sa may balikat ko habang hawak ang kamay ko. di ko na lang binitawan kasi magwawala siya kapag di niya hawak kamay ko. ang abno diba?

pagkarating sa may tapat ng bahay namin, binuksan nila yung pinto ng van at bumaba sina yuta para makababa ako. bababa na sana ako nang biglang iniyakap ni jaehyun ang mga braso niya sa may bewang ko.

“don't leave.” he mumbled under his breath while his eyes close at narinig namin lahat yon. pilit kong tinatanggal yung yakap niya but he keeps on insisting and hugging me tight, but not too tight.

napabuntong-hininga si johnny atsaka nagsalita, “jae, kailangan ng bumaba ni jihye. gabi na at kailangan na niyang magpahinga. naabala na natin siya ng husto.” sabi niya but it looks like jaehyun doesn't want to listen. nakuha pang magsalubong ng kilay niya at humigpit ng onti ang yakap niya.

“no!” he said in a final way while his eyes is still closed. napafacepalm na lang sina taeyong at napahawak naman sa sentido si johnny. ganito talaga malasing ang isang jaehyun. nageenglish, nagiging clingy, at nagtatantrums na parang bata. usually, hindi siya agad tinatamaan pero pag nakarami, ayun na.

“kukuha na lang ako damit. sleepover na lang.” bulong ko sa tatlo. nagaalangan pa sila nung una kasi hindi sila sanay na may babae sa dorm but later on, they agreed. si taeyong na raw ang bahalang mag-explain.

bababa na sana ulit ako para kumuha ng damit pero pinigilan nanaman iyon ni jaehyun by hugging me and pulling me back to sit. ugh! ano nanaman?

“where are you going?” he mumbled again. hindi ako sumagot. instead, pwersahan kong tinanggal yung pagkakayakap niya atsaka dali-daling bumaba. nagtantrums siya na agad namang pinigilan nina johnny dahil baka magising yung ibang members na masarap na yung tulog.

actually, ito na yung chance kong wag ng bumalik sa van at magstay dito sa bahay pero ewan ko ba! pinili ko pa rin bumalik.

nang matapos na ko sa pagkuha ng damit ay sumakay ulit ako ng van at niyakap ulit ako ni jaehyun habang magkasalubong yung kilay. para siyang batang kinuhanan ng teddy bear tapos binalik din pero naiinis pa din siya.

like the old times...

---

nang makarating kami sa dorm nila, bumaba agad yung tatlo including manager-nim at inakay yung members na tulog na. inakay ko naman si jaehyun hanggang sa kwarto nila jungwoo.

inihiga ko siya sa kama niya atsaka nag-unat dahil sobrang bigat niya. nandun na rin si jungwoo sa may kama niya pero nakaupo ito at nakatulala. hindi na ata lasing.

nang marealize niyang pinagmamasdan ko siya eh bigla naman siyang namula. tumayo siya atsaka kumuha ng damit pamalit atsaka nagsalita, “magpapalit muna ako ng damit.” pagpapaalam niya atsaka pumasok sa banyo kaya naiwan muna kaming dalawa ni jaehyun dito.

habang pinagmamasdan ko siya, dun ko lang din narealize na sobrang pula na ng magkabilang pisngi niya. ano bang problema nito at uminom siya ng ganon karami?

sinabi na nga niya diba?

eh? lasing siya okay? di niya alam ginagawa niya. okay? okay.

nang matapos magpalit si jungwoo, siya na rin nagpresinta na magpalit ng damit kay jaehyun since parehas naman silang lalake. iniwan ko sila sa kwarto atsaka lumabas ng dorm para sana kunin yung bagahe ko pero bitbit na pala ni johnny. nagpasalamat naman ako at pinaiwan ko na lang sa kaniya sa may sala.

umupo ako sa may sofa at nagmuni-muni. totoo kaya yung mga pinagsasabi niya? what if lasing nga siya but he really mean it? what if—

“napalitan ko na siya ng damit. pwede ka na pumasok.” dinig kong sabi ni jungwoo habang nakasilip sa may pintuan ng kwarto nila. nginitian ko na lang siya. kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel atsaka pumasok. naramdaman ko namang sumunod siya.

binabad ko yung towel sa tubig atsaka pinunasan yung mukha, leeg, at mga kamay ni jaehyun habang si jungwoo naman eh kumuha ng extra pillow tsaka kumot.

“dito ka na lang matulog sa kama ko. sa sofa na lang ako matutulog.” sabi ni jungwoo. nilingon ko siya saka umangal dahil nakakahiya.

“nako wag na! ako na lang dun. dito ka na lang. nakakahiya naman.” sabi ko naman. nakakahiya naman kasi talaga. ako na nga lang makikitulog tapos ako pa yung komportable?

aangal din sana siya nang biglang gumalaw si jaehyun at nagsalita habang nakapikit ang mga mata, “no. you're not sleeping there.” sabi nito. nakikinig pala ang mokong.

nagkibit-balikat naman si jungwoo na parang sinasabing 'sabi-ko-sayo-eh!'. nag-isip ako kung saan na lang pwede until a bright idea popped into my mind.

“diyan ka na lang sa kama tapos dito na lang ako sa lapag.” sabi ko kay jungwoo pero ganun pa din, umangal ulit si jaehyun.

“dun na lang ako kina doyoung makikitulog.” sabi ni jungwoo sabay ngiti sa kin. i smiled sheepishly and nod at him. wala kaming choice.

umalis na ng kwarto si jungwoo bitbit yung extra pillow tsaka kumot. pumasok naman ako sa banyo atsaka nagpalit. pagkatapos non eh umupo ako sa may kama ni jungwoo at inayos yung unan tsaka kumot. hihiga na sana ako nang marinig ko nanaman boses niya. what is it this time?

“don't sleep on there.” he mumbled na medyo kinainis ko. aba't! saan naman ako matutulog? ayaw niya sa sofa, sa lapag, or even sa kama ni jungwoo?!

he pat the space beside him na para bang nabasa niya kung anong nasa utak ko ngayon. m-matutulog ako sa tabi niya?

labag man sa loob ko, lumipat ako dun sa tabi niya. ayoko na rin makipagtalo since gabi na at gusto ko ng magpahinga dahil nakakapagod ang araw na to.

naglagay ako ng unan sa pagitan namin. ito yung first time na makatabi ko siya matulog. kahit mag-on kami noon, never kami nagtabi. ngayon lang. kaya lang, walang kami kaya sobrang awkward.

tumalikod ako at unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog na ko pero bago ako tuluyang makatulog, naramdaman kong tinanggal niya yung unan sa pagitan namin at iniyakap yung braso niya sa bewang ko. bahala na, inaantok na talaga ako.

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon