🍒 - O28

404 17 31
                                    

J A E H Y U N[ narration ; lowercase ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

J A E H Y U N
[ narration ; lowercase ]

yay! sa wakas may pov na ko!

anyways, napagdesisyunan ng grupo na kami naman yung pupunta kina jihye since nakonsensiya sila dahil si jihye lagi nag-a-adjust. buti naman.

"tayo na lang kaya bumili ng pagkain?" tanong ni taeyong out of nowhere. napasimangot naman yung iba lalong-lalo na si johnny. sobrang sarap kasi magluto ni jihye kaya ganyan sila kung makareact *chef's kiss*.

"baka kasi pagod yun dahil pumunta nga sila ni johnny sa theme park kahapon diba?" pagdidiin pa ni taeyong sa huling sinabi niya na parang pinaparinggan ako. eh kung ganon nga, natamaan ako tss.

"fine." pagsuko ni johnny. nakonsensiya siguro. aba dapat lang.

bakit kasi umalis sila ng sila lang dalawa? tsk!

dumaan kami sa may isang restaurant para bumili nga ng pagkain. sila na yung bahalang pumili nung pagkain. as usual, ako nanaman magbabayad. okay lang kung para sa kaniya eh kaso nakikisawsaw pa 'tong walong 'to.

fried chicken, bulgogi, cheese ramyeon, kimbap and etc. ganyan karami yung binili nila eh yung isang bucket nga lang nung manok, kasya na sa min lahat.

pagkatapos mamili ay dumiretso na kami kina jihye. pagkarating don eh pansin namin na parang... walang tao?

"jihye? jihye!" sigaw ni johnny pero wala kaming narinig na tugon. nagtataka man eh sinubukan naming buksan yung pinto at bukas naman siya at hindi nakalock.

paano kung napasukan siya ng magnanakaw?

naputol yung pag-iisip ko nang makita namin si jihye na nakahiga sa sofa at balot na balot ng comforter habang nanginginig. nilalagnat siya?

nilapitan naman siya agad ni johnny at sinipat yung noo niya. hindi nagsalita si johnny at tinignan lang kami. natataranta akong lumapit sa kanila atsaka tinulak paalis si johnny sa pwesto niya at ako ng sumipat sa noo ni jihye. nilalagnat nga siya.

"kumuha kayo ng towel tsaka maligamgam na tubig dali!" utos ko sa iba at agad naman sila nagsikilos. nanginginig pa din si jihye kaya inayos ko yung comforter niya at niyakap siya. sharing my body heat to her.

nang dumating na yung hinihingi ko eh agad kong binabad sa tubig yung towel atsaka agad pinunasan yung mukha ni jihye na pinagpapawisan na din. dun ko lang din narealize na pinagmamasdan ko na pala siya. long eyelashes, red lips-

"sabi sa inyo eh! tayo talaga bibili ng pagkain." pagputol ni taeyong sa pagmamasid ko sa mukha ni jihye. napabuntong-hininga na lang ako saka itinabi yung iilang buhok na nakaharang sa magandang mukha ni jihye. bakit ko nga ba siya iniwan?

ah... naalala ko na.

"iwan muna natin sila diyan at ihanda na yung pagkain." sabi ni jungwoo at nakita ko naman sa peripheral view ko na pumunta na sila sa may dining area atsaka inilatag yung mga pagkain.

di ko na namalayan na unti-unti na pala ako kinakain ng antok then everything went black.

STILL INTO YOU ¦ 정재현.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon