J I H Y E
[ filipino narration ; lowercase ]inilapag ko yung cellphone ko sabay bagsak ng katawan ko sa kama. napahinga ako ng malalim at nagsimula nanamang tumulo yung mga luha ko. nag-uunahan sa pagbagsak.
naiiyak na lang ako sa tuwing binabalikan ko yung nakaraan. sa tuwing naaalala ko lang yung pinagsamahan namin dati. nakakaiyak yung nangyare sa min. ni hindi ko nga alam kung bakit kami humantong sa ganito.
panget ba ko? kapalit-palit ba ko? then why?! liza lang ang peg eh chos!
but seriously, hindi ko talaga alam yung reason kung bakit. wala naman akong ginawang mali. nagmahal lang naman ako. sobra-sobra pa nga eh. kasalanan ba ang magmahal?
nagring yung cellphone ko indicating na may tumatawag. inayos ko muna yung sarili ko bago ko tinignan yung caller id and the caller is johnny suh. ano nanaman kailangan nito?
“hello?” pagkasagot ko nung tawag pero walang sumasagot sa kabilang linya. sobrang tahimik. tinignan ko yung tawag kung on-going pa rin at on-going nga ito. hindi rin naman nakahold kaya nakakapagtaka na ang tahimik sa kabilang linya.
“hoy johnny! ano ba kailangan mo at napatawag ka ha?” tanong ko sa kabilang linya na medyo naiinis kasi di pa rin ito nagsasalita. medyo may naririnig na ko which is yung paghinga nung caller pero di pa rin siya nagsasalita. johnny is not like this. medyo maingay ang isang yon kapag tumatawag sa kin. this is not the usual johnny that i knew. di kaya... may problema to?
“hoy joh—” naputol ang sasabihin ko nang marinig ko yung boses ni johnny sa may background. so all this time hindi si johnny ang kausap ko?
“hello? kung sino man may hawak sa phone ni johnny, pwede bang magsalita ka? medyo nakakainis ha? tumawag-tawag ka tas di ka naman magsasalita? malay ko ba kung sino ka tsaka ano to? lokohan? hoy sumagot—” naputol nanaman yung sasabihin ko ng in-end call niya ito. bastos na nilalang kung sino man siya. brokenhearted na nga ako tas gaganunin pa ko? tss.
ibaba ko na sana ulit yung phone nang magring ulit ito at si johnny ulit ang caller. aba't anak ng tokwa! pinagtitripan ata ako nito eh.
“hoy kung sino ka man! pwede ba? tigilan—”
“hoy easy lang hahaha.” dinig kong sabi ni johnny. bigla naman akong namula dahil sa hiya. buti na lang at hindi video call to dahil kung oo, aasarin lang ako nitong johnny na to.
“s-sino ba kasi yong may hawak ng phone mo ha? nagdadrama yung tao dito tas mang-iistorbo siya!” inis kong sabi kay johnny at itong johnny naman na to, tinatawanan pa ko. pasalamat siya di ko siya kaharap kundi kanina ko pa siya nasapak.
“secret! di mo pwedeng malaman.” sabi niya atsaka tumawa ulit. mabulunan ka sana sa sarili mong laway.
huminga ako ng malalim atsaka muling nagsalita, “bakit ka ba napatawag?” tanong ko sa kaniya at salamat naman dahil natigil na siya sa kakatawa. medyo narinig ko pa siyang naubo, nabulunan ata talaga sa sariling laway pft!
“punta ka dito sa studio. dalhan mo kami foods ha?” sabi niya. aba loko to ah! ginawa pa kong cook at delivery psh!
nagdadalawang isip ako ngayon kasi una, ayoko pumunta dahil nakakatamad. pagluluto ko pa sila? pangalawa, nandun siya at medyo di ko pa siya kayang harapin. bahala na nga.
ginawa ko ang dapat gawin. nagluto, nag-ayos at diretsong pumunta don sa studio na sinasabi ni johnny. ano kaya magiging reaksiyon niya kapag nagkita kami? medyo nakakakaba pero teka nga! bakit ko iniisip yung reaksiyon niya eh siya yung nakipaghiwalay? ish! bahala na nga talaga!
pagkarating ko dun sa studio eh kinuha ko yung mga pagkain. sakto naman nandun sina haechan, doyoung, at taeil para tulungan ako magbitbit. tutulungan nga ba o para lang sa pagkain?
nasa harap na kami ng pintuan nang kumatok si doyoung. binuksan ni johnny yung pinto at tumakbo naman papunta sa kin yung iba para yakapin ako na parang ang tagal naming di nagkita. matagal talaga! umabot nga ng 4 years eh.
then ayun siya! nakatayo dun sa gitna at nakakatitig lang sa kin. wala na ba talaga?
“namiss ka namin.” dinig kong sabi ni mark pero nakatingin pa din ako sa kaniya sabay sabing, “i miss you too.”. pagkasabi ko nun eh humiwalay sila ng yakap sa kin at nginitian ko naman sila at ganun din naman sila sa kin.
“sus! sa totoo lang, miss niyo lang luto ko.” pang-aasar ko sa kanila para maiba yung atmosphere. medyo awkward eh tsaka hanggang ngayon, nakatitig pa din siya sa kin.
napakamot naman sila sa kani-kanilang mga batok. sabi na eh.
“kainan na! baka lumamig pa to!” dinig kong sigaw ni doyoung kaya nagsilapitan sila don sa may mesa atsaka isa-isa inilatag yung pagkain. pumasok ako sa loob at umupo sa mga may upuan doon. pinanood ko din silang kumain at ganun pa din sila, mga matatakaw at nag-aagawan pa.
habang kumakain sila ay may biglang lumitaw na plato na may pagkain sa harapan ko. specifically, sa may binti ko. tinignan ko siyang naglakad palayo papunta sa mga members niya atsaka siya tumabi sa kanila. napapangiti ako pero pinipigilan ko. ayoko mag-assume. masakit yon.
---
pagkatapos kumain ay nagpractice na ulit sila para sa nalalapit na comeback stage nila. mas nag-improved sila ngayon kaysa dati kaya masasabi kong ang laki-laki na ng pinagbago nila after 4 years.
“ayun! nakuha mo rin jae hyung!” sigaw ni mark nang matapos sayawin ni jaehyun yung part niya. wow! congrats sa kin dahil nabanggit ko rin yung pangalan niya after 4 years!
may biglang umupo sa tabi ko at si haechan yon. inabot niya sa kin yung chips na kinakain niya pero umiling lang ako. bumalik siya sa pag kain atsaka biglang nagsalita habang may laman yung bibig, “alam mo ba? yang si jaehyun hyung? wala sa concentration kanina pa.” sabi niya habang lumalamon. medyo baboy chour.
tinignan ko si jaehyun na busy at seryosong-seryoso sa pagpractice nung part niya pero nagulat ako nung bigla siyang tumigil at tinignan ako sa may salamin. may nagawa ba kong mali?
“okay guys! pack up na tayo para maaga tayo bukas.” dinig kong sabi ni taeyong kaya nagsitayuan na silang lahat pati si haechan na katabi ko kanina. napaiwas naman siya ng tingin at dumiretso sa may bag niya atsaka isinuot to. nang matapos sila sa pag-aayos ng gamit ay isa-isa na silang naglakad palabas ng studio. nagulat ako dahil may kamay na nakalahad sa harapan ko. tinignan ko ito at si... jaehyun.
![](https://img.wattpad.com/cover/221012901-288-k618934.jpg)
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU ¦ 정재현.
Fanfiction❝ i'm still into you jung jaehyun ❞ ↺ in which a girl named joo jihye is still into a boy named jung jaehyun. Date started: 04/14/20 Date ended: 05/14/20 STATUS: COMPLETED