Tinititigan ko lang ang monitor ng com dito sa desk ko sa office. Di ko alam kung bakit pero parang problemado ako pero hindi naman.
You remind me of someone
Hmm, sino kaya?
"Ms. Sazha, alam mo na ba yung balita?"
Kinikilig pa si Unique nang magtanong sakin.
"Huh?"
"May dinedate na si bos!!!!"
Huh?
Sino?
"Ah, talaga? edi ang saya"
I laughed sarcastically. So that's it? Nagpapakita siya ng motibo saakin at kung anu ano pa sinasabi tas may dinedate naman pala? Aba!
"Talaga miss! Nakita daw nil--"
Di na natuloy ni Unique ang sasabihin niya nang biglang sumenyas si bos sa glass wall na pumunta ang isa sa amin.
"Ikaw na Unique"
Nawalan ako ng gana sa di malamang dahilan.
"Eh Miss Sazha, di naman ata ako ang tinawag niya eh"
Tinignan ko siya ng seryoso at agad naman siyang tumayo para puntahan si bos pero lumabas naman siya agad at parang inaway ang itsura.
"Miss Sazha, ikaw daw"
Huh? Ano nanaman ba kailangan niya sakin?
Pumasok ako sa loob at sinalubong ang ngiti niya ng busangot ko.
"Hey, is there a problem?"
Parang nag aalala pa siya sa pagtatanong.
Huh!
"Ikaw ano problema mo, bat mo ako pinatawag?"
Nakahalukipkip ako habang nakatingin sakanya. Agad nagbago ang ekspresyon niya sa inasta ko pero agad ding ngumiti
Sus! Di na ako papadala sa mga ngiting yan!
"Lunch?" Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya at tumingin saakin. I scoffed out of disbelief.
"Ayain mo yung dinedate mo"
Umalis na ako sa office niya at umalis na ng building para maglunch sa mall.
I opened my IG and checked my messages.
Shit! Nagmessage sakin si Aaron :)
AaronE.: Hey, I'm bound to Phil already. Lunch?
Sobra akong naexcite. Nakauwi na ng Pilipinas si Aaron!!!
ItSazha: Mall. Out for lunch
Agad siyang nagreply at susunod daw sa mall.
"Sasaaaaaa! Shit ka!"
Agad ko siyang niyakap dahil sa excitement.
Si Aaron, family friend ko na nagmigrate sa US noong highschool kami. Miss na miss ko na siya!
"I missed you soo much Aaron!" Niyakap ko siya sa bewang habang naglalakad kami sa mall. Nagmukha tuloy kaming magsyota sa ginawa ko.
"Oh easy ka lang hahahaha" Hinalikan niya ang noo ko.
Awww, the typical sweet Aaron.
"Namiss kitaaaa" I pouted habang sinasabi kong paulit ulit na miss ko na siya.
BINABASA MO ANG
Torn Between Professions [COMPLETED]
General Fiction•| An office love story between a Boss and a Secretary. Sazha, with high hopes of getting a good job spent her 8 hell years just to survive. Ezekiel on the other hand despite of the serious face and monstrous attitude lived his life miserable until...