XXVII

224 8 0
                                    


"Damn, I missed this polluted environment" Natatawang sabi ko kasabay ng pagbaba ko ng sunglasses.

Kakalapag lang namin dito sa Manila few hours ago. Inaantay na namin ang driver na susundo saamin.

It's good to be back.

Nanatili kase ako sa Australia ng dalawang taon. Wala, regalo ko na din para sa sarili ko na walang ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho.

Napangiti ako nang akbayan ako ng lalaking naging kasama ko sa lahat, di man naging madali, pero heto kami ngayon. Naging malubak man ang pinagdaanan, hindi niya ako iniwan. I'm so lucky to have him.

"Damn, I'm tired" Bulong niya na aking tinawanan lang. Laging pagod yan dahil nasa peak din ng kanyang karera sa buhay.

Pero hindi siya napagod saakin.

"San na ba kase ang driver mo? bagal naman hahahaha" Pinitik lang niya ang noo ko sakto namang dumating na ang sundo namin.

Nang makasakay kami, agad kong binati ang driver niya at agad ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Tris, daan tayo kay Aaron ha?" Paglalambing ko sakanya bago hinalikan ang pisngi niya. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Well, I'm just waiting for you to tell me" Natatawa naman akong umayos ng upo.

Kilalang kilala na niya talaga ako.

"Hehe, oks Architect!" Sabay pabirong sumaludo sakanya. Umiling naman siya habang tumatawa lang.

Nang makarating kami, agad akong ngumiti.

Namiss ko si Aaron huhu.

"Let's go" Hinapit ni Tristan ang bewang ko at sabay kaming naglakad.




Aaron John Belandres



Napangiti ako ng mapait habang papalapit sa puntod niya.

"Hi luv, kamusta ka? Kakauwi lang namin galing Australia. Namiss kita"

Tristan tapped my shoulders because he heard me crying silently again.

"Hintayin kita sa sasakyan" He kissed my forehead and headed to the car. Alam niyang kailangan kong mapag isa.

"Aaron, it's been hell knowing that I won't be able to see you, hug you, kiss you and see you trying to make me laugh" Inalala ko ang mga memories namin at labis nanaman akong nasasaktan.

"Payakap naman luv"

Aaron is here. Humangin ng malakas kaya pumikit ako at niyakap ang sarili ko.

"Aaron, I left with a broken heart not just because of Zeke but definitely because of you too. A-ang hirap magsimula ulit nang w-wala kayo kaya kailangan kong umalis"

Napaiyak nanaman ako habang inaalala ang mga nangyari.



Pagkarating ko sa bahay ni Zeke galing sa company niya, parang pinapatay ako ng paulit ulit habang inaala ko ang mga masasayang nangyari saamin.

Pumasok ako sa kwarto na tinutulugan naming dalawa na ilang oras lang, masosolo nanaman niya.

Humihikbi ako habang nilalagay lahat ng mga gamit ko sa trolley bag ko. Di ko lubos naisip na dadating ang araw na aalis ulit ako.

"Babe" Ezekiel hugged me from the back. Nagsisisi ako na bumalik pa ako dito, hindi ko din kase inexpect na susundan niya ako ngayon dahil hindi naman niya ginawa yan noon.

"Aalis na ako Zeke, bitawan m-mo na ako please" Parang nahihilo ako dahil na din sa halo halong pagod, sakit at lahat. Nanghihina na din ako.

"Iiwan mo na talaga ako, Sazha?" Tumingin ako ng deretso sa kanyang mga mata at gaya ko, I can clearly see how longing, tired and hurt he is.

"Zeke, please ang sakit sakit na dito oh! Maawa ka naman sakin!" Tinuro ko ang dibdib ko dahil ang sakit sakit na talagang makita siya.

"Please wait for me, Sazha. Please baby let me fix myself and this mess"

Dapat noon pa Zeke, bulong ko pero alam kong hindi niya narinig.

Tumingin ako sakanya at ngumiti ng mapait.

"Wag kang mag alala Zeke, I will never forget this day. I will never forget that you made my heart shattered on my Birthday"

And for the last time, I kissed his lips at tinalikuran siya.

"I love you, Goodbye"



Sobrang durog na durog ako. Pero hindi ko hinayaang sa sakit nalang umikot ang buhay ko. Binuhos ko ang lahat ng oras ko sa trabaho, at lalo na sa mga taong walang humpay ang pagmamahal saakin.

"Okay ka lang? Andito lang ako ha?"

Di iniwan ni Architect Tristan ang tabi ko at sobrang pasasalamat ko dahil natuto akong mabuhay at ngumiti ulit dahil sakanya.

"Architect Tris, at your service ma'am. Ngiti ka na"

Naging madali ang buwan at naging masaya naman ako sa loob ng dalawang buwan kasama ang mga natitirang nagmamahal saakin.

Akala ko tuloy tuloy na yon.


Pero akala ko lang pala.


"Sazha, wala na si Aaron"

Halos bumaliktad ang mundo ko nang mawala nanaman ang isang lalaking mahal na mahal ko.

Hindi kinaya ni Aaron ang surgery. Naging mabuti ang medications pero bigla siyang bumitaw sa kalagitnaan ng operasyon.

"Luv naman, ang daya daya mo! paano na ako?"

Hindi ko alam kung ilang oras lang akong umiiyak pagkatapos ng libing ni Aaron. Hinang hina na ako.

Ilang mga mahal ko sa buhay pa ang mawawala sakin bago naman ako maging masaya? Ang daya daya naman eh!

Si kuya, nahanap na niya ang babaeng para sakanya at masaya ako doon.

Pinilit at pinili kong mabuhay ulit dahil yon naman talaga dapat. Pero ayaw talaga ng tadhana na maging masaya ako eh.

"Sha, may uhm offer ako sa Australia. As much as I want to be with you, this one's a major"

Pati ba naman si Tristan?

"Okay lang"

Peke akong ngumiti and knowing Tristan, mababasa niya't mababasa ang nararamdaman ko.

"Hindi kita kayang iwan ng ganito magisa dito

..... come with me?"


It hurts reminiscing the past but because of that, nakita ko kung sino ang mga willing magstay sa tabi ko kahit durog na durog na ako.

"You okay?" Di ko namalayan at bumalik na pala si Tris.

"Yeah, let's go?" inakbayan niya ako at nginitian ko naman siya.

"Yeah, bye luv"

"Ready to face your past?" He teasingly asked me. Siniko ko nga siya.

"I may be a mess before leaving, but i'm now ready to face my past for a better future"

Torn Between Professions [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon