"Bye babe" Ezekiel kissed my forehead before going to his office. Dinadrop nila ako dito sa restaurant ko bago siya pumunta sa company niya. For the past three months, we've been living together in his house, as he wished. Pero minsan, natutulog din kami sa condo ko, ayaw kong mabulok yun no!
I can say na maraming nagbago. Naging magaan ang lahat kahit busy kami kase at the end of the day, uuwi parin kami sa isa't isa. And it felt great. I finally found my home.
"Coffee, Madame" I smiled at Aika, I can definitely see myself in her when I was once my fiancé's secretary. It's crazy that I'm the one needing secretary now.
I finished all my paperworks during the morning. I had my lunch in my office with Aika, It was a great day not until Tristan called me. Tsk! This asshole, bubwisitin nanaman niya ako.
We got even closer since nung nagsimula tong business ko. He's really one of a kind.
"Ano kailangan mo?" Sabi ko agad nang sagutin ko ang tawag niya.
[Sha, busy ka?] Nagaalangan na tanong niya saakin. Ano problema nito?
"Di naman, why?"
[uhhh, Sha] may narinig akong nagsalita sa kabilang linya pero di ko naintindihan.
[Call you back later. Saglit lang]
Then he dropped the call. Weird.
Kakaisang minuto palang ng magring ulit yung phone ko, di ko na tinignan ang caller dahil alam kong si Tristan to.
"Ano nga?" I multitasked talking on the phone while writing.
[Shaa] Nanlamig ako nang boses babae ang marinig ko.
Tinignan ko ang caller ID, Aaron.. Halos manlamig ako sa nerbyos.
"T-tita? Okay ka lang? anong nangyari?" Kinakabahan ako ng sobra.
Umuwi sila tita?
[Sha, please come here at the hospital. You need to see Aaron]
Parang mawawalan ako nang hininga nang marinig ko ang pangalan ni Aaron.
"S-sige tita" Para akong wala sa wisyo na umalis bigla sa resto ko. Nag taxi ako at halos magmakaawa ako na magdrive siya ng mabilis.
Pagdating sa hospital, nakitanko si Tristan na pabalik balik na naglalakad. Napapasabunot siya sa ulo niya.
Nakita ko ding nakaupo si tita habang umiiyak. Pinapatahan siya ni tito.
"Tita ano pong nangyari?"
Aaron's mom hugged me so tight. Humahagulgol siya at ang sakit sakit pakinggan non.
Hindi makapagsalita si Tita kaya tumingin ako kay Tristan
"Tris, ano nangyari?" Nagmamakaawa ako sakanya.
"Excuse us for a bit tita"
Hinila ako ni Tris hanggang sa makapunta kami sa rooftop ng hospital.
"Aaron, fainted" Panimula niya
"W-why?"
He looked at me and saw him crying too.
"Stage IV colorectal cancer. It means that the cancer has metastasized to distant sites, such as the liver or lungs. The cancer may or may not have grown through the wall of the colon or rectum, and lymph nodes may or may not have been affected, yun ang sabi ng mga doctor"
Halos manghina ako sa narinig ko. Alam kong hindi ako sa Med Field pero naiintindihan ko ang nangyayari.
"B-Bakit?"
"Doctors aren't certain what causes most colon cancers. In general, colon cancer begins when healthy cells in the colon develop changes (mutations) in their DNA. As the cells accumulate, they form a tumor. With time, the cancer cells can grow to invade and destroy normal tissue nearby"
Napahagulgol na ako, inalalayan naman ako ni Tris agad. Nangangatog ang tuhod ko pero kailangan kong marinig lahat.
"Kakayanin ba ni Aaron? Is it deadly?"
Nakita ko kung paano malungkot si Tris.
"Colon cancer is the second most deadly form of cancer after lung cancer. But it's one of the easiest diseases to detect, and in its earliest stages, it's also one of the most curable pero sa kaso ni Aaron, mahirap na daw. Maraming treatment ang hinindi-an niya. Ayaw niyang magpagamot"
So that explains everything. Kaya nangangayayat siya. Kaya nanghihina siya. Kaya siya laging nakabonet at nakalongsleeves.
I'm so stupid for not asking him if he's fine. Tanging kaligayahan ko lang ang inisip niya pero simpleng pagtatanong, di ko man lang nagawa.
"And you know this?" Nakita ko kung paano nag iba ang itsura niya.
"Ako lang at ang parents niya. Bilin niya na wag daw sabihin sayo kase masasaktan lang siya lalo pag nakita ka niyang umiyak. Okay na daw yung masaya ka."
That even made me cry more. God, Aaron!!
"Damn it, di ko man lang pinakinggan ang instincts ko nang makita ko siyang ganun"
"Ayaw na niyang magpagamot Sazha. Gusto na niyang bumitaw."
"Bullshit!" Napasigaw ako habang napapahagulgol.
"Kaya siya umuwi kase gusto na niyang magpaalam sayo, pero nang makita ka niyang nawawalan ng pagasa, nagbago ang isip niya. Lumaban siya. Pero nang may Ezekiel ka na, panatag na siya na kahit iwan ka niya, hindi ka na iiyak"
"Damn it, I hate you Aaron" Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Sobrang sakit!
Please, Aaron. Wag naman ngayon. Please naman!
"I-I'll talk to him. I know Aaron will listen to me"
Gabi na ng magising siya. Kinakabahan ako, ayokong makita siya pero gusto ko siyang makausap. Pumasok ako sa kwarto niya at halos manghina ako nang makita ang mga dextrose, oxygen at marami pang tubo na nakaconnect sakanya.
Nang makita niya ako, nanlaki ang mata niya. Pero hindi ko na napigilan, tumakbo na ako at niyakap siya. Sobrang payat na niya. Tangina, hindi ko kayang makita siyang ganito.
"Luv" Halos bulong na sabi niya dahil sobrang hinang hina na siya.
"Luv, w-why did you do this to me" Humahagulgol na ako pinatong ko ang noo ko sa kamay niya sa kama.
"I don't want you to be worried. I don't want you to pity me" My heart broke listening to him. Ang hina hina na niya.
"Do you think you succeeded?" Tears are continuously flowing in my eyes.
"I'm sorry Sazha" Nakita ko din na tumulo ang mga luha niya. It hurts like hell seeing my bestfriend sick.
"No, lalaban tayo Aaron. Be with me please?"
"Sazha, i'm hopeless. Mamamatay din naman ako"
Tangina. Ilang buhay pa ba ang kukunin sakin?
"No, please Aaron, wag muna please, wag ka muna bumitaw please"
I pleaded him so many times. Bigla niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"Will you smile again if I will try once more?"
Mabilis akong tumango sakanya.
"Please Aaron, Let's fight this battle"
Hindi ko kayang isipin na nakahiga lang siya sa hospital bed at nanghihina. Hindi ko kaya na makitang mawalan siya ng bubay.
"Okay"
BINABASA MO ANG
Torn Between Professions [COMPLETED]
Aktuelle Literatur•| An office love story between a Boss and a Secretary. Sazha, with high hopes of getting a good job spent her 8 hell years just to survive. Ezekiel on the other hand despite of the serious face and monstrous attitude lived his life miserable until...