N/APrologue updated! hehe.
🖇️
Alas tres na nang makauwi ako dito sa bahay ni Zeke. Nanatili muna ako doon kanina dahil ayokong iwan ng ganun si Aaron. Hinatid ako ni Tristan, salamat dahil kung hindi, mahihirapan na akong maghahanap ng masasakyan ko.
Sinalubong ako ng katahimikan at lungkot nang buksan ko ang pintuan.
Tumingin ako sa relos ko para icheck kung tama nga. Pero bakit di pa umuuwi si Zeke?
Naligo na ako at nagpalit. Sumalampak ako sa kama, di ko nanaman namalayan na tumutulo nanaman ang luha ko. Ang bigat bigat sa pakiramdam na si Aaron, na naging kasama ko sa lahat, nagpahid ng mga luha ko, nagpasaya sakin at naging parte ng buhay ko ay halos mawalan na ng buhay.
"Come on Zeke, answer you phone" Humihikbi kong sabi sa sarili ko habang dinadial ang number ni Zeke. I need him the most today, I'm so sad.
[Babe, why are you still awake?]
Narinig ko kung gaano siya kapagod pero kahit anong pigil ko, kumawala parin ang matinding pagpigil ko.
"Z-zeke di ka pa ba uuwi? Late na ah"
[Hey, shit why are you crying baby? Pauwi na din ako maya maya. What's the problem?]
"Zeke si A-"
[Fuck. Sorry, I gotta go. See you later I love you]
Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil busy nanaman siya.
Nanaman.
Napahagulgol nalang ako. I feel helpless. Si Aaron dapat ang magpapatahan sakin ngayon pero siya naman ang iniiyakan ko.
And Zeke?
He's been like that for almost two months now. Yes, we live together pero halos hindi ko naman siya mahagilap. I understand,he's been stressed because of the stockholders. Nagiging busy kase talaga pag papalapit na ang Ber months.
"Babe, I cooked dinner. Uwi ka ng maaga ha?"
"Ofcourse baby"
I waited for him, pero yung dapat na dinner, naging breakfast na.
"I'm sorry baby, babawi ako"
"It's okay, I understand"
"Baby, alam mo, I'm so happy today! pumatok yung bagong menu ng resto!" I jumped in happiness while I was telling him how was my day.
"So proud of you, Let's sleep. Sorry I'm tired. Save your story for later"
"Okay okay"
He's always busy.
Pag uuwi siya, tulog ako.
Pag papunta na siyang trabaho,tulog pa ako."Babe, I cooked breakfast. Bangon ka na dyan"
"Shit! I'm late"
Inagahan ko ang nagising para ipagluto siya pero kahit isang higop lang ng kape, di man lang niya ginawa.
I am willing to give him my efforts but he always ended up dumping it.
"Babe, ipinagpack na kita ng lunch mo"
"Sorry, I forgot to tell you babe. May lunch business meeting. Bye"
Kahit nahihiya na ako sa sarili ko, pinilit kong magstay.
"I love you, Ezekiel"
"Hmmm"
I often heard his I love you's. Because he's always tired and can't even make time to reply me.
"Babe, birthday ni Kuya ngayon. Sa resto ha!"
"I'll be there babe bye"
I waited for God knows how many hours. But he didn't appeared again.
"Sha, mukhang di nanaman sisipot si Ezekiel, Uwi na tayo"
His promises, became sorry
His 'babawi ako', became next time
His I love you's, became I'm tired.
But it's all okay.
I understand. I always understand.
"Manang, umuwi ba si Ezekiel?" Tanong ko sa kasambahay ni Zeke. Late ako nagising, nacontact ko na din si Aika na icancel lahat ng schedule ko dahil kailangan kong pumunta sa hospital ngayon. May isang procedure kase na dapat niya itake para maexamine kung capable pa siyang mag undergo ng surgery.
"Nako, oo anak. Pero naligo at nagpalit lang tapos umalis din agad"
Wala man lang siyang pasabi. Mukhang nakalimutan na niyang andito pa ako.
After kong magbreakfast, nagpalit na din ako agad. Sinundo ako ni Tristan sa bahay.
"Natutulog ka pa ba Sazha? May maleta na sa ilalim ng mata mo"
Inirapan ko lang siya. There he goes again with his not so funny jokes.
But despite of him, being so stupid? I admire him kase di siya nawala sa tabi ni Aaron at sakin. Dahil sa sitwasyon kung saan si Aaron ay may sakit at Si Ezekiel na nakakalimutan na ata ako, nagpapasalamat ako at nandyan siya.
Pagkarating namin sa ospital, nakita agad namin si Aaron na nakaupo na sa wheelchair. Gusto nanamang tumulo ng mga luha ko pero nangako ako sa sarili ko na hindi ako iiyak, dahil kailangan akong makita ni Aaron na matatag ako.
"You can do it luv" I kissed his forehead before siya pumasok sa isang room.
He just waved his hands and smiled.
"Okay ka lang? tubig oh" inabutan ako ni Tris ng bottled water. Kasalukuyan kaming naghihintay ni Tristan. Sila tita, may mga nilalakad pa na papers. We know it will take several hours but we're willing to wait. For the sake of our Aaron.
"Thanks Tris, umupo ka nga nakakahilo at nakakanerbyos ka"
Umupo naman siya kaya napatawa nalang kami. Nagkukwentuhan kami pero napatigil saglit ng may tumawag sakin.
Zeke
Himala. Naalala niya ata ako ngayon?
"Sagutin ko lang" sumenyas ako kay Tristan
"G" he gave me his thumbs up.
"Zeke"
[Where are you? Dumaan ako sa resto, out ka daw]
"Hospital"
[Wait, why?!]
"Aaron needs me. He's sick Kiel. Cancer"
Napahikbi nanaman ako.
[And you didn't even bother to tell me?]
The fuck, ako pa?
"I tried telling you all Ezekiel. But you're too busy to even show me some care"
[Sazha, it's not that]
"I understand. I always will"
Pinatay ko na ang tawag dahil ayokong sumakit nanaman ang dibdib ko. Sobrang bigat na ng pinagdadaanan ko. Sobra sobra na.
Nang bumalik ako, buti nalang Good News ang ibinalita ni Tristan. Capable for operation daw si Aaron. Buti naman!
"Sazha, thank you talaga anak"
Paulit ulit na pinasalamatan ako ni tita dahil daw napapayag ko si Aaron na magpagaling ulit.
"Tita, I owe him many things in my life. I want him to live happy"
Aaron, he is strong. I know he won't give up easily. I trust him
He will live.
BINABASA MO ANG
Torn Between Professions [COMPLETED]
General Fiction•| An office love story between a Boss and a Secretary. Sazha, with high hopes of getting a good job spent her 8 hell years just to survive. Ezekiel on the other hand despite of the serious face and monstrous attitude lived his life miserable until...