"I just felt bad for Mg Francis that time, kase pagkauwi niyo after the accident, tinanggal na din siya ni daddy sa trabaho"
Bigla kong naalala nanaman si papa. Hays, Namimiss na kita papa ko :(
"Bakit ngayon mo lang sinabi na ikaw pala 'yon?"
Pinaningkitan ko lang siya at tumawa lang din siya ng marahan.
"I thought you'd remember me, ang haba ng hinintay ko para masabi sa'yo kase akala ko isang araw maalala mo din"
I felt bad for him
"Walong taon? Nasisiraan ka ba Ezekiel"
He just laughed cutely and pulled me for a hug.
Hindi ko na siya lubos maalala dahil maikling panahon ko lang din siya nakita. At madami din naman kasing Ezekiel sa mundo. Nagkaroon din ako ng mild partial memory loss dahil sa aksidente noon pero dahil nakwento nga naman ni Ezekiel, parang mas nalinawan ako.
Kinaumagahan, sinundo ako ni Ezekiel sa condo ko para sabay na daw kami pumunta sa office. Napakaganda ng mood niya ngayon kaya di ko nalang pinansin at baka masira nanaman ang araw niya.
"Let's have lunch together okay? Don't go out with any else"
Hindi siya humihingi ng pahintulot, Sadyang nagsasabi lang siya kaya tumango nalang ako.
"Ezekiel, nakakahiya" He intertwined our hands while walking inside the company. Nagulat ako dahil alam kong magiging issue nanaman 'to sa kahit na sino.
"Ikinakahiya mo ako?" Kumunot ang noo niya at bahagyang napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.
"H-hindi naman sa g-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang binitawan niya ako at bahagyang lumayo sakin.
"Okay then" Nauna na siyang naglakad pero ang lahat ng mga mata nila ay nakatingin saamin. Well, saakin.
Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa desk ko.
"Goodmorning Ms. Sazha" Masiyang bati ni Unique saakin na agad ko naman nginitian.
"Magandang umaga din sa'yo" Nginitian ko lang siya at nagproceed kaagad sa mga gagawin ko.
Nakakawalang gana lang ang inasal ni bos dahil hindi man lang niya ako binigyan ng oras para magpaliwanag. Nakakainis!
Nang lunch na, nauna na akong lumabas para maglunch. Nawalan ako ng gana sumabay kay Ezekiel dahil napaka immature niya. Ang saakin lang naman, nakakagulat lang kase ang mga pangyayari at pag nakita 'yon ng mga empleyado sa opisina, ako nanaman ang lalabas na masama sa paningin niya.
From: BOS
[Where are you! I told you we'll have our lunch together]
Hays, akala ko ba galit pati siya?
Hinayaan ko lang 'yon ng maghapon. Tuwing magpapatawag siya sa loob ng office niya, si Unique ang tinutulak ko para mag assist sakanya.
"Ikaw Ms. Sazha ha! Di mo namamn sinasabi na ikaw pala yong donedate ni sir!"
Bahagya akong nanigas nang makita si Unique na kinikilig pa.
"Pano mo nalaman na ako?"
"Nako Ms. Sazha, kalat na kaya sa building na sabay pa kayo pumasok kaninang umaga"
"Eh, natural secretary ako?"
"Magkahawak kamay?" Napatigil ako nang maalala ang nangyari kaninang umaga.
SABI NA TALAGA EH!
"May kumakalat na picture din Ms. Sazha, nagdedate kayo sa isang restaurant hihi" Kinikilig talaga si Unique pero hindi maproseso ng katawan ko ang pinagsasabi niya.
Dali dali akong pumasok sa office ni Ezekiel at isinara ang mga pintuan para hindi kami makita ng kahit na sino.
"Ezekiel, may kumakalat na picture tayong nagdedate. Kumakalat na din sa opisina yung sabay nating pagpasok kaninang umaga"
Napakunot lang ang noo niya at napaayos ng upo.
"I know. Ano naman?" Kalmado niyang sagot saakin. Puta! Di talaga niya ako naiintindihan.
"Wala" Umalis na ako sa office niya at bumalik na sa desk ko. Ilang minuto nalang din naman at out na namin.
Nagmumuni muni ako habang naglalakad papalabas ng kumpanya. Pero halos masaksak ako sa mga matatalim na paningin ng mga empleyado sakin.
"Siguro nilandi niya si bos kaya ganun"
"Ambisyosa naman pala, kala ko mabait"
"Dapat inalam muna ni bos kung anong klaseng babae yan, malay mo pineperahan lang"
"Baka gusto umangat pwesto kaya nanlalandi"
Nagtawanan ang mga kababaihan habang pinaguusapan ako. Dapat hindi ako masaktan eh, dahil wala namang katotohanan. Pero masakit na jinujudge na nila ako, pero di man lang alamin ang katotohanan.
Parang naninikip ang dibdib ko kaya mas binilisan ko na ang paglalakad ng biglang may humigit saakin nang makarating na ako sa labas.
Biglang tumulo ang luha ko nang nakita ko siya. Ayokong isisi sakanya ang nangyayari dahil nagmamahal lang naman siya pero, kung sana lang, dapat tahimik ang buhay ko.
"Bitawan mo ako Ezekiel"
Mahal ko siya
"Are you okay? You want me to fire them all?" Umiyak na ako nang sinabi niya 'yon.
Pero sadyang magkalayo kami. Kahit kailan, hindi kami magiging pantay. Hindi kami matatanggap ng kahit na sino
"Ayokong magulo ang buhay mo Ezekiel kung kailan naman paalis na ako sa kumpanya mo" Humihikbi ako
"Ano?? Paanong magugulo mo ang buhay ko Sazha? Tangina! Sila ba? Bakit mo ba sila iniintindi?!"
Napahilamos siya sa mukha niya at halatang nagagalit na siya.
"Kasi hindi pwedeng maging tayo!!" Gustong gusto ko nang umiyak talaga. Gusto ko nalang umalis.
"Bakit hindi?!" Hinawakan na niya ako sa magkabilang braso habang nagmamakaawang sagutin ko siya.
"Kase hindi tayo parehas!!! Bos kita! Sekretarya mo lang ako!"
"Ano naman ngayon? Tangina naman! Mahal na mahal kita. Di pa ba sapat na rason 'yon?"
Napatigil ako sa sinabi niyang 'yon. Halos mga hikbi ko lang ang naririnig namin.
"Ezekiel, please" Nagmamakaawa na ako dahil ayokong makagawa ng bagay napagsisisihan ko sa huli.
Ayokong maging selfish.
Mahal ko siya pero mas mahalaga ang mga pinaghirapan niya ng ilang taon.
Magiging distraksyon lang ako
"Sazha, I love you" I saw tears falling in his face and I can't contain the heartache I'm feeling right now.
"Ezekiel, We're torn between our professions. Hindi sapat na mahal lang natin ang isa't isa"
And there I left him.
BINABASA MO ANG
Torn Between Professions [COMPLETED]
Beletrie•| An office love story between a Boss and a Secretary. Sazha, with high hopes of getting a good job spent her 8 hell years just to survive. Ezekiel on the other hand despite of the serious face and monstrous attitude lived his life miserable until...