"So,Ras is kind of Avo and Reese's type? 'Yung serious outside pero gago inside?" Pagtanong ni Pen habang tinutungo namin ang daan papuntang Room 202.
"Pwede ring Penelope's type" napahalukipkip ito habang naglalakad.
"Not Red's type?"
"I don't know what's type though" nang makarating na kami ay siya na ang nagbukas ng pinto. Mga nasa anim palang ang nasa loob dahil first subject 'to at marami talagang nalelate unintentionally or intentionally.
Sa harap na kami pumwesto para mabilis makalabas mamaya.
"Umamin ka nga sa'kin,babae ba ang type mo?" Gulat akong napatingin sa kaniya at kasabay nun ay ang pagkabukas ng pinto.
"Tangina ka ba?" Tanong ko kay Pen dahil sa sinabi niya.
Parehas kaming nagulat nang may tumapik sa labi ko at may bumatok sa'kin! As in sabay pa talaga!
"Tang---" napaatras ako.
"Hey!" Mabilis na tumayo si Pen at hinarang ang sarili niya kina Ras at Tres nang akmang uulitin nanaman nila yung ginawa nila kanina.
Hinawi ko si Pen at hinarap yung dalawa ng hindi ako tumatayo sa upuan ko.
"Problema niyo?" Nagkatinginan muna silang dalawa at parang nag-uusap gamit ang mga mata.
"Hephep! Doon kayo sa malayo" pagpigil ni Pen nung uupo na dapat silang dalawa sa hilera namin.
"Ito lang ang dapat umupo sa malayo. Hindi naman 'to tropa" hindi pinansin ni Tres ang masamang tingin na pinupukaw sa kaniya ni Pen ngayon at walang pasabing umupo sa tabi ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita o magtaray manlang dahil sa ginawa nila sa'kin kanina. How dare them to touch my lips and pat my nape?
"What was that?" Mahinang tanong ko kay Tres habang kinakausap ni Pen si Ras.
"Ang alin?"
"Yung pagbatok mo"
"Lagi kong ginagawa sa'yo yun sa tuwing nagmumura ka. Bakit hindi yung isa ang tanungin mo? Sino ba siya para gawin 'yon?" Medyo nilakasan niya yung boses niya para marinig ni Ras.
"I hate girls who loves cursing" prenteng nakaupo ito at nakatingin lang sa harapan. Nakuha pang magpa-cool ng lintek.
Pero teka,nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya ah!
"Then,I hate you too" ginaya ko ang pag-upo niya para mas convincing na hindi ako nagpapatalo.
"Naglalandian ba kayong dalawa?" Para kaming robot ni Ras na sabay na tumingin kay Pen at to think na nasa gitna namin siya ha.
"Sino muna si Ralph?" Umiwas na ng tingin si Ras at si Pen naman ang tumingin sa'kin. Gulat na gulat.
"Usap tayo mamaya" sumenyas siya na papasok na si Sir Allie kaya umayos na kami ng upo.
Mukhang nakumpirma ko na,na may tinatago nga sa'kin si Pen at mukhang ang lakas ng epekto nung Ralph sa kaniya. Mukhang mananapak kanina eh. Pero bakit ba hindi niya sinasabi sa'kin?
"Class,I'm just here to announce two things" nilibot niya ang tingin sa buong classroom.
"One. Hospitality Management students will going to have their own event next week. Further informations will be given tomorrow"
Biglang nabuhay ang mga bubuyog dito sa loob dahil halos lahat ay may side comments.
"Two. According to your Physical Education instructor,you need to prepare a 3 minute waltz dance to be performed next next week" nakisali na 'ko sa mga nagbibigay ng side comments.
BINABASA MO ANG
The Lost Strawberry (Fruit Series #1)
Teen FictionIt will never be easy to find your own Mr. Right. Oo, deserve mo pero hindi niyo deserve. Red Dimasalang is searching for her Mr. Right and searching for the unknown. Her life is like a puzzle that when you try to escape,the ways will only turn its...