Don't forget to like and comment! Thanks!
****
Kasalukuyang nasa kotse na niya kaming dalawa. Kotse nanaman niya. Parehas kaming tahimik at tanging tugtog lang sa radio ang nag-iingay.
Nang matapos ang eksenang ginawa niya ay siyang pagpunta naming mga natapos na sa interview sa backstage. Hindi pa pala doon natatapos ang pangwiwindang ni Ras sa araw na ito dahil bigla nalang siyang sumulpot sa backstage at hinatak ako papunta dito.
Kung bakit? Hindi ko alam.
"Uuwi ka na ba?" Pagputol niya sa katahimikan.
"Bakit ka nandito?" Hindi ko na napigilang magtanong dahil kanina pa umiikot sa isip ko kung bakit nandito siya?
At bakit gumawa siya ng eksena.
"Kasi dito ako nag-aaral?" Patanong na sagot niya. Umarko nanaman ang kilay ko sa pagiging pilosopo niya.
"Nag-cutting ka 'di ba? Ano bang meron sa tanghali at lagi kang umaalis?" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa lumabas na mga salita sa bibig ko. Ayokong ipahalata na naiinis ako sa ginagawa niyang pag-alis na 'yan.
Nakakainis na pinapabayaan niya ang academics niya!
Ang sabihin mo,naiinis ka dahil pinapabayaan ka niya.
Argh! No way!
"It's a secret,love" sabay kindat niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at eksaheradang lumingon ako sa kaniya.
"Love? Anong love ka diyan! Napakalandi" naging bulong nalang ang huli kong sinabi at tumingin nalang sa harap pero sa loob-loob ko ay nagdidiwang ang malalanding cells.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya mas pinagsalubong ko ang kilay ko habang nakatingin sa harap para matigil siya.
"Nasaan ba kasi ang mga kasama mo? Sina Tres at Pen? Hindi ko sila nakita kanina ah"
"Parehas hindi ko alam kung nasaan sila" kinapa ko ang bulsa ng coat ko at dinukot ang cellphone.
Hindi kasi ako tuluyang nagpahatak kay Ras kanina dahil dumeretso ako sa room para kuhanin ang gamit ko at magpalit na ulit ng uniform. Tahimik naman siya nakasunod at naghintay hanggang sa matapos ako at hatakin ulit hanggang dito sa sasakyan niya.
"So bakit ka nga nandito at gumawa ka pa ng eksena sa taas kanina? Lakas din ng loob mo 'no? Basta-basta mong inagaw yung mic doon sa isang judge. Feeling close" wala na atang ibang alam na gawin ang mata ko kung 'di ang umikot.
"Ang dami mong tanong,love. Ganiyan ka ka-curious sa'kin?" This time,hinampas ko na siya.
"Tigil-tigilan mo nga ang kakatawag sa'kin niyan! Jowa ba kita?" Geez my mouth!
Sinulyapan ko siya saglit at nakitang parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. He's amused huh?
"Can I change your name right now?"
"Huh?"
"I want to call you love" sumulyap ulit ako sa kaniya na sana hindi ko nalang ginawa dahil ang ganda ng pagkakangiti niya ngayon.
Umiwas ako ng tingin at paulit-ulit na nagmura sa isip. Ilang beses din akong nag sign of the cross sa isip ko dahil nagwawala na talaga ang buong sistema ko!
Pa'no nagagawa ni Ras sa'kin 'to?
"Wag kang paladesisyon,hindi ikaw ang gumawa ng birthcertificate ko at mas lalong hindi kita magulang"
Just shut up,Red! Wala ng kwenta mga sinasabi mo oh!
Pilit kong pinapalitan ng inis yung kaba at kilig na nararamdaman ko ngayon at sa tingin ko ay nagtagumpay naman ako.
BINABASA MO ANG
The Lost Strawberry (Fruit Series #1)
Teen FictionIt will never be easy to find your own Mr. Right. Oo, deserve mo pero hindi niyo deserve. Red Dimasalang is searching for her Mr. Right and searching for the unknown. Her life is like a puzzle that when you try to escape,the ways will only turn its...