"Sampa na" tinapik ni Tres ang likod ng motor niya pero sasampa palang ako ay bigla niyang inandar ng konti yung motor kaya napahampas ako sa likod niya."Ang gago,Tres!" Tawa sila nang tawa ni Pen dahil sa muntikang pagsubsob ko sa lupa.
"Helmet daw muna kasi" naiiling na sabi ni Pen at tinulak ako para makalapit kay Tres na hawak na pala yung ipapasuot niyang helmet.
Habang sinusuot niya ang helmet sa'kin ay narinig ko ang sunud-sunod na pagpadyak ni Pen sa likod. Grabe kasi kung makatitig 'tong si Tres!
"Isuot mo rin sa'kin 'to Tres ha! Wag kang bias" hindi naman siya pinansin nitong nag-aayos ng helmet ko dahil may balak pa atang tunawin muna ako.
"Aray!" Napalayo agad ako ng halos sumubsob ang mukha ni Tres sa'kin dahil sa pagbatok sa kaniya ni Pen.
"Nuknukan talaga ng kalandian! Uuwi na nga lang" may pwersang inabot niya kay Tres yung hawak niyang helmet.
Naging malakas ang pagtawa ko nang pwersahang sinuot ni Tres ang helmet sa ulo ni Pen kaya nagsisigaw siya.
"Aww!! Huwag na huwag mong sasagutin 'to,Red ha!" Naging tuloy-tuloy pa ang pagbulong ni Pen ng masasamang salita kay Tres kaya sumampa na'ko sa motor at ganun din naman siya. Mabuti at lagi kaming may baon na slacks ni Pen para maka-upo kami ng maayos dito sa motor ni Tres.
Naging routine na naming tatlo 'to. Lagi kaming hinahatid ni Tres pauwi para mas safe daw at para mas makampante siya. Kahit out of the way pauwi sa kanila ay ayos lang daw basta makauwi kami ng maayos.
Kahit naman lagi kaming nagbabangayan na tatlo,lalo na silang dalawa,we care for each other. Sa maikling panahon na magkakasama kami,masasabi kong we've built a strong friendship. Sa pagkakaibigan talaga hindi masusukat ng oras o panahon na magkasama para masabing matibay ang pagkakaibigan niyo. Connection keeps the friendship grow fonder.
"Salamat!" Pasigaw na sabi ni Pen nang makababa na siya dahil nandito na kami sa tapat ng bahay nila.
"You're welcome ha!" Pasigaw na sagot din nitong isa at kakaway palang sana ako kay Pen para magpaalam nang patakbuhin na ni Tres ang motor paalis.
"Peste ka talaga!" Wala siyang nagawa ng paghahampasin ko ang likod niya. Tumatawa pa nga ang loko kahit habang nagdadrive siya ay pinupukpok ko ang helmet niya.
Napasigaw ako at automatic na umakap kay Tres nang biglang huminto ang motor dahil bigla ring huminto 'yung pula na sasakyan na nasa harap.
"Aba gago 'to ah" hinawakan ko agad si Tres sa balikat dahil alam kong bababa ito para sugudin yung driver at wala narin naman siyang magagawa dahil humarurot na ng takbo yung sasakyan paliko.
"Nakita mo ba yung plate number?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi" napamura pa siya ulit bago magpatakbo ulit.
"Thank you ulit" sabi ko nang makababa na 'ko sa motor niya.
"Sige na pumasok ka na" ngumiti lang ako at tumango bago tuluyang makapasok sa gate namin. Pagkapasok ko sa loob ay narinig ko na ang pag-alis ni Tres.
"Hinatid ka nanaman?" Salubong sa'kin ni Papa. Napangiwi agad ako nang makitang nagkalat nanaman ang mga bote ng alak sa sahig.
Naging ganyan na siya simula nung iwan kami ni Mama.
"Opo" nilapag ko muna sa gilid ang mga gamit ko at isa-isang pinulot yung mga bote na wala ng laman.
"Kelan ka ba ulit magkakatrabaho? Hindi na sapat ang kinikita ko sa pamamasada para sa inyong magkapatid" malumanay na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Strawberry (Fruit Series #1)
Genç KurguIt will never be easy to find your own Mr. Right. Oo, deserve mo pero hindi niyo deserve. Red Dimasalang is searching for her Mr. Right and searching for the unknown. Her life is like a puzzle that when you try to escape,the ways will only turn its...