UPDATED PROLOGUE IS UP!
Don't forget to like and comment! Thanks!****
Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon nina Tres at Pen. Medyo nanibago ako kasi wala si Jio ngayon dahil sinama na ulit siya ni Papa sa byahe sa Maynila.
"Umalis daw si Ras ah" biglang sabi ni Pen habang namimili kami ng pagkain.
"Hanapin mo ang pake ko" sagot ko habang hinahanap ang paborito kong inumin.
"Iyong bang strawberry drink ang hinahanap mo,iha? Nako,ubos na!" Medyo nagulat pa 'ko sa pagkausap sa'kin nung tindera sa canteen.
"Ah ganon po ba?" Tumango lang siya bilang sagot at hinarap ko na si Pen na busy parin sa kakatingin ng mga pagkain.
"Tara sa Alfa" nalipat sa'kin ang tingin niya. Nagkibit balikat nalang siya at naunang maglakad. Nang makabalik kami sa table namin ay tinapik ko si Tres sa balikat.
"Labas lang kami" nilingon niya muna ako bago tumayo.
"Tara" hindi pa 'ko nakakaangal ay nakaakbay nanaman siya at naglakad kaya natangay narin ako.
Pagkalabas namin ng campus ay tinanggal niya ang pagkakaakbay sa'kin at tumabi kay Pen para sabayan itong tumawid.
Nice,iniwan ako.
Nang makasunod na 'ko sa kanila ay siyang paghampas ni Pen sa braso ni Tres.
"Pag 'to nagselos at nagalit sa'kin,yari ka talaga!" Tinuro niya pa 'ko habang nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Tres.
"Gulo mo ah! Noon reklamo ka nang reklamo na may favoritism ako sa inyong dalawa tapos ngayong binibigyan ka na ng atensyon,nagrereklamo ka parin?" Naglabanan pa sila ng sama ng tingin bago ako dumaan sa gitna nila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Aysows! Ganda talaga ng friend ko!" Dinig kong sigaw pa ni Pen bago ako lumikoat pumasok sa Alfa.
Dumiretso agad ako sa stall ng mga inumin at kumuha ng nutri boost na strawberry flavor. Ito ang dapat hindi mawala sa pang araw-araw ko. My kind of comfort drink.
"Red"
Napalingon ako sa likod ko dahil may kumalabit. Nakangusong Tres ang bumungad sa'kin at hindi makatingin. Sinara ko muna ang lagayan ng mga inumin at hunarap ulit sa kaniya.
"Oh?"
"Wag mong pagselosan si Pen" nangunot muna ang noo ko at unti-unting natawa sa sinabi niya. Lakas ng sapak nito ah?
"Sinong nagsabing nagseselos ako?" Nanatili ang tingin niya sa'kin at hindi sumagot kaya tinapik ko siya sa balikat.
"Wag kang mag-alala,kapag nagseselos ako ipapaalam ko agad sa'yo" nakangisi ko siyang nilampasan at dumiretso na sa counter. Naabutan ko si Pen na kakabayad lang.
"Dami naman ata niyan?" Sita ko sa plastic bag na hawak niya at punong-puno ng pagkain pero nginitian niya lang ako.
Pagkatapos kong magbayad ay siyang pagsulpot ulit ni Tres sa tabi ko. Inagaw pa sa kamay ko ang inumin at siya ang nagbukas.
"Naks sweet sweetan" biro ko.
"Tara nalang" hinawakan niya 'ko sa siko at pinalakad. Dederetso na sana ako sa gate ng school nang lumihis ng daan si Pen at mabilis siyang sinundan ni Tres kaya sumunod nalang din ako.
As usual,bibili nanaman ng pinya.
"Dapat yung mga nasa mall nalang bilhin mo. Hindi naman siguradong malinis 'yan" dinig kong sabi ni Tres kay Pen habang papalapit sila dun sa nagtitinda ng pinya.
BINABASA MO ANG
The Lost Strawberry (Fruit Series #1)
Novela JuvenilIt will never be easy to find your own Mr. Right. Oo, deserve mo pero hindi niyo deserve. Red Dimasalang is searching for her Mr. Right and searching for the unknown. Her life is like a puzzle that when you try to escape,the ways will only turn its...