Chapter 12

11 0 0
                                    

Don't forget to like and comment! Thanks!

****

Nagulat ako ng may kumakalampag sa gate namin kaya naman mabilis akong lumabas para silipin kung sino ang hangal na iyon.

Pero pagka-apak ko sa labas ay natigilan ako at napatulala sa babaeng natatanaw ko mula dito. May apat na body guards siyang kasama at ang isa ay nakahawak sa gate,marahil ay siya ang kumalampag.

"Why don't you open the door,sweetie?"

My body frozed.

Hindi ko siya inaasahang dumating.

Nahagip ng mata ko na nakamasid na ang mga tsimosang naming kapitbahay at ultimong mga kilala kong tahimik ay mga nakadungaw.

Paano ba naman. Tatlong magagarang sasakyan ang nakaparada ngayon sa harap ng bahay namin at sa tabi ni Mama ay may isang katulong na pinapaypayan siya.

Anong kaartehan 'yan? Gabi naman na at wala ng araw.

"Pwede mo 'kong paghintayin kung malamig ang panahon,Red" napapikit-pikit muna ako bago nakayukong lumapit sa gate at pinagbuksan sila.

"Wait me here" baling niya sa mga body guard at nanguna ng pumasok sa bahay.

"Aren't you gonna bring me some snacks here? Or inumin manlang?"

Tinitigan ko lang siya at nagpakita ako ng walang interes. English dictionary ata ang kinakain nito kaya panay ang ingles!

"Marumi ang pagkain dito baka magpaderetso ka sa ospital"

Hinubad niya ang shades niya at pinagkatitigan ako sa mata.

"Since mukhang hindi ka makakausap ng matino,I'll get straight to the point"

Umalis na sana siya.

"I want you and Jio to live with me. Sumama kayo sa'kin at mabubuhay kayo ng masaya at payapa. Wala kayong ibang iintindihin kung 'di ang huminga"

Sumama ang tingin ko sa kaniya at kalaunan ay napalitan ng pekeng pagtawa. Ako ang naiinsulto para kay Papa.

"Makakaalis ka na" nilakihan ko ang pagkaawang ng pinto.

"C'mon,Red. Kung ako sa'yo ay papayag na 'ko para hindi na umabot pa sa korte ang issue na 'to" nanatili siyang nakaupo sa sofa at humigpit naman ang pagkakahawak ko sa doorknob.

Pilit kong hinahanap ang salitang respeto sa kasuluk-sulukan ng utak ko pero wala akong napala.

"Ano bang nangyari sa'yo?"

Natigilan siya.

"Bakit hindi ko na makita ang bakas ng minahal kong Nanay noon?" Gumaralgal ang boses ko.

"Nakaahon ka lang sa buhay,umahon narin ang paa mo mula sa lupa" gusto kong pigilan ang bibig ko pero maski ito ay ayaw makisama at nakikiayon lang sa nararamdaman ko.

"Why would I keep my feet on the ground if the ground itself is letting me fly?" Mayabang.

Pinalipas ko ang ilang segundo para pakalmahin ang sarili ko bago ulit magbitaw ng salita. Kahit naman kasi ganyan ang ugali niya---nang-iinsulto,Nanay ko parin siya.

"Pwede ka ng umalis. Hindi ka namin kailangan ni Jio at mas lalong hindi ko kailangan ng maginhawang buhay" emosyonal na sabi ko habang nakatitig sa mata niya.

"Aanhin ko ang maginhawang buhay kung wasak ang pamilya ko?" May kumawala ng luha mula sa mata ko at sa oras na ito ay hindi ko na inisio na pigilan pa ang nararamdaman ko.

The Lost Strawberry (Fruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon