Chapter 10

12 0 0
                                    

Don't forget to vote,comment and share! Thanks!

****

Nakatambay kaming lahat ngayon sa fort santiago. Nagsisimula naring dumilim at magliwanag ang mga ilaw dito. Picture,lakad at kain lang ang nangyari kanina habang pumapasyal sa buong intramuros. Siyempre fifty percent sa buong gala ay ang pang-aasar ng nga kaibigan ko sa'kin.

At hindin 'yon nakakatulong dahil ramdam na ramdam ko na ang paglabas ng awkwardness ko kina Ras at Tres but I should act like I don't.

As much as possible and as much as I can,hindi ako magpapakita ng kahinaan o pagiging apektado sa kanila.

"Kapagod" dinig kong reklamo ni Pen kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatutok nanaman sa cellphone at pindot nang pindot.

"Tigilan mo nga 'ko,Reese!" Napatingin kami kay Avo dahil sa sigaw niya habang masama ang tingin kay Reese.

"Ano nanaman 'yan?" suway ko sa kanila.

"Nakakairita na eh! Paulit-ulit!" Turo pa niya kay Reese.

Ano bang nangyayari sa kanila? Ang tahimik lang kanina tapos biglang may sisigaw? Napansin kong kanina pa sila nagbubulungan at napansin ko ring kanina pa sumasama ang timpla ng mukha ni Avo nung nagsisimula palang silang magbulungan.

"Ako pa talaga? Ha!" Hindi makapaniwalang singhal ni Reese.

"Problema niyo ba ha?" Maangas na sita ni Pen sa kanila. Ganyan 'yan,nagseseryoso tuwing may nag-aaway sa'min o di kaya ay may problema ang isa sa amin.

"Pen" tawag sa kaniya ni Tres na parang sinusuway siya kaya nagtaka ako.

"Kuya Three doon" hinatak-hatak ni Jio ang laylayan ng damit ni Tres at nay tinuturo sa 'di kalayuan.

"Pasyal ko muna 'to dun ah?" Paalam niya sa'kin kaya tumango lang ako. Binuhat niya si Jio at naglakad na sila papalayo.

Naiwan si Ras na nakaupo malapit sa tabi ko. Nasa harap ko naman sina Avo at Reese habang katabi ko sa kanan si Pen.

"Ano kakong pinag-aawayan niyo?" Tanong ko ulit sa dalawa.

"Red,alam niyo naman na ang ayaw ko sa lahat ay pinapakielaman ang desisyon ko" sagot ni Avo.

"Hindi ako nangingielam,okay? Pinapaalalahan lang kita. Magkaiba 'yon" depensa naman ni Reese.

"Eh ano ngang nangyari? Kayo lang friends dito?" Tumingin ako kay Pen at umiling para sabihing 'wag na muna siyang mag-init dahil mainit na yung dalawa.

"Wala narin namang sense kung pagsasabihan 'tong babae 'to eh. Kelan ba nakinig 'yan?" Dinuro pa niya si Avo.

Ba't parang ang seryoso naman ata ng pinag-awayan nila?

"Kung yung pagiging kabet ko ang pinoproblema mo,problemahin mo rin 'yang pangongolekta ng lalaki mo"

"Hoy!" Nasigawan ko na sila dahil sa gulat. Hindi na tama ang lumalabas sa mga bunganga nila!

"Aba! Teka,wait,sandale!! Magsabubutan na kayo sige!" tumayo pa si Pen at nakapameywang na humarap sa kanila.

"Halika kayo doon sa sulok at doon kayo magrambulan dali!" Pwersahan silang tinayo ni Pen at kinaladkad palayo. Patayo palang sana ako para sumunod nang humarap siya sa'kin at nakaduro.

"Wag ka munang mainggit,diyan ka lang!" Nginuso pa niya si Ras na naiwang nakaupo kaya umupo nalang ulit ako.

Bwiset! Naiwan kaming dalawa dito!

"Ang layo mo naman" bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit naman ako didikit sa'yo?" Kalmadong tanong ko kahit nagpapanic na talaga ako!

The Lost Strawberry (Fruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon