Chapter 6

14 0 0
                                    

Nagpabuhat sa'kin si Jio nang makababa na kami sa sasakyan. Bitbit naman ni Ras ang isang bag na naglalaman ng mga gamit namin ni Jio na kakailanganin ngayon at bukas.

Pinagmasdan ko ang buong bahay ni Ras. Hindi gaanong malaki pero masasabi ko paring malaki dahil sabi nga niya,siya at iilang katulong lang ang nakatira dito.

"Hindi umuuwi parents mo dito?" Binuksan niya ang gate at pumasok na kaya sumunod na 'ko habang bitbit si Jio na kung saan-saan binabaling ang tingin. Nagtataka parin ata.

"May bahay kami sa Manila at dun sila nakatira. Kakabili lang nitong bahay nung lumipat ako dito" may lumapit na naka-unipormeng guard kay Ras at inabot niya ang susi ng kotse. Iniwan niya nga pala sa labas 'yung kotse niya.

"Kelan ka ba dumating dito?" Nakapasok na kami sa loob ng bahay at automatic na kumilos ang mga kasambahay para asikasuhin kami at maghanda ng hapunan.

Cool

"Bago mag-start ang sem nandito na 'ko" sinenyas niya na umupo muna kami kaya binitawan ko na si Jio at hinayaan na maglikot sa bahay ni Ras.

Hindi naman siguro makakabasag si Jio 'no?

"Hindi ko talaga magets kung bakit napadpad ka dito" umupo ako at tinitigan siya na nakaupo narin sa harap ko.

"You'll know soon" sinimangutan ko lang siya at nanahimik na.

Alam kong mayaman si Ras at ang pamilya niya kaya nagtataka talaga ako kung bakit nandito siya sa Bulacan eh mukhang lumaki naman siya sa Manila. Like diba? Ang ganda na ng buhay mo sa Manila at ang gaganda na ng mga nakapalibot sa'yo na lugar doon tapos pipiliin mong tumira dito?

Hindi ko naman minamaliit ang lugar ko. 'Yung tipo niya kasi,pang Manila boy.

Naputol ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ko. Tunog ng may gustong mag video call sa messenger.

"Red!!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Pen mula sa cellphone.

"Bakit?"

"Sunduin daw tayo ni Tres bukas" naalarma agad ako sa sinabi niya. Hindi pwede!

"H-ha? Huwag na kamo" narinig ko ang pag-ismid ng taong nasa harap ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag-eenjoy pa ata sa nakikita niya.

"Anong huwag? Arte nito! Miss ka na nga nung tao eh" bumalik ang tingin ko kay Red sa cellphone at sinusubukang pandilatan siya pero hindi ko magawa kasi kahit hinarang ko yung cellphone sa direksyon ni Ras ay parang tumatagos ang tingin nito.

"Ah ganun ba? Hehe" bakit ba 'ko kinakabahan?

"Oo! Sa'kin nga tumawag kanina kasi nagtatampo raw siya sa'yo!"

"Huwag ka ngang sumigaw" iritang sabi ko.

"Psh! Lambingin mo na 'yon at baka magbigti pa" tumawa siya.

"Ba't ko gagawin 'yon?" Laking pasasalamat ko at nawala na ang kabang nararamdaman ko.

"My goodness,girl! Routine mo na 'yun 'di ba?" Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Bakit ba 'ko kinakabahan????

Penelope and her bunganga tss.

"Lambingin mo na ha? Video call mo narin para hindi na 'ko kulitin. Ang pogi-pogi,ang kulit-kulit naman!" Napapakamot pa siya sa ulo niya na akala mo magdamag na kinulit ni Tres.

"Hoy lambingin mo na kako para yakap nalang bukas" ghad,Pen! Bakit ngayon mo pa sinasabi ang mga 'yan?

Sasagot na sana ako nang maaninag ko ang mukha ni Ras na sumilip na mula sa pagkakaharang ko ng cellphone sa kinauupuan niya.

The Lost Strawberry (Fruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon