Chapter 13

16 0 0
                                    

Don't forget to like and comment! Thanks!

*****


Ito na ang kinababahala ko.

Ang makaramdaman ng awkwardness kay Tres.

Sanay naman na 'ko sa kalandian niya kaso unti-unti ng hindi nasasanay ang puso ko. Nagagawa na niyang iparamdam ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Ras.

Kinakabahan,kinikilig,napapamura at kinakabahan ulit.

Well,I must admit,dati na 'kong kinikilig sa mga banat ni Tres pero ngayon lang talaga humalo ang kaba.

Ilang beses narin niya 'kong nayakap pero 'yong nangyari kanina ay may kakaibang dinulot sa pakiramdam ko.

Parang sinasabayan na ang paghaplos ng pangalan ni Ras sa puso ko.

Shit,this can't be.

"Nakikinig ka ba?" Naputol ang malalik na pag-iisip ko nang dumungaw ang mukha ni Tres sa harap ko.

"H-ha? Ano ulit 'yon?" Napakamot pa 'ko kunwari sa batok ko.

"Gusto mo ba talaga kakong puntahan si Pen mamaya?"

"Ako nalang ang pupunta baka kasi busy ka" mabuti't bumalik na ang wisyo ko at nagawa ko siyang irapan para magpanggap na nagtatampo.

Really,Red? Nagtatampo?

"Baka naman iba ang puntahan mo niyan" hindi ko na siya pinansin pa at tumingin nalang sa gurong nasa harap.

Tingin lang ah? Hindi kinig.

Lumipad na kasi ang isip ko kay Ras. Umalis nanaman siya kanina at nag-iwan nanaman ng isang tub ng strawberry. Ano bang ginagawa niya at panay ang alis niya? Cutting 'tong ginagawa niya eh.

"Guys! Pangalawa tayo sa batch na gagamit ng kitchen kaya magprepare narin kayo. Nasa kitchen narin ang lahat ng kakailanganin niyong ingredients except sa mga gusto niyo i-add dahil hindi na sagutin ng school ang pagdagdag ng kaartehan" lumanding ang tingin ni Isabel sa'kin habang nakatayo nanaman siya sa gitna at dumadada.

Ngayong hapon na nga pala ang Hospitality Management event,muntik ko ng makalimutan.

"Pa'no yung mga absent?" Tanong ng isang kaklase.

"Should I feel sorry for them?" Maarteng sagot ni Isabel sa kaniya.

Napakaarte.

"Luh may sinabi ba 'kong mag-sorry siya?" Alam kong bulong lang dapat iyon pero sinadya niyang iparinig sa babaeng nakatayo sa harap.

Kawawang Isabel,laging may kaaway.

"Makakaalis na kayo. Make sure na babalik kayo bago mag 3pm" hinawi niya ang buhok niya sabay hablot sa napakagarang hand carry bag at naunang lumabas.

"Huy tara na" winagayway ni Tres ang kamay niya sa harap ko.

Napabuntong hininga muna ako bago tumayo pero hindi pa hinahakbang ang paa para maglakad.

"Sana ako nalang ang nasa isip mo ngayon" pagkatingin ko sa kaniya ay isang malungkot na ngiti ang naka-paskil sa mukha niya.

"Kasama ka nga,hindi ka naman iniisip----hay buhayyyy" nag-inat pa siya sabay akbay sa'kin at naglakad.

Bigla kong naisip ang tanong ni Isabel kanina sa kaklase namin.

Should I feel sorry for him?

Pero wala pa naman akong dapat ika-sorry 'di ba? Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko dahil nalilito pa 'ko.

I know that this is a very selfish act but what should I do then? Get things done? That fast?

The Lost Strawberry (Fruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon