"Oh Whren, ikaw na naman ang naglalagay ng baterya ng orasan natin." bati ni mama sa akin.
"Ahh opo ma. Wala naman kasing ibang gumagawa nito dito sa bahay eh."
"Ililipat ko na ng pwesto yang orasan na yan. Doon sa mas lantad para hindi lang ikaw at ikaw ang nagpapalit ng baterya niyan."
"Hayaan mo na ma. Naeenjoy ko naman eh."
Ganito kami ni mama.
Sobrang mainit ang pakikitungo namin sa isa't- isa.
Di tulad kami ni papa na tila mailap sa bawat isa.
Nagsimulang magbago ng pakikitungo sa akin si papa 4 years ago sa 'di ko malamang dahilan.
Parang kumukulo ang dugo niya sa tuwing makikita ako.
Nasa kalagitnaan ako noon ng pagmumuni-muni ng bigla akong yugyugin ni mama.
"Ayos ka lang anak?" tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako at sinabi,
"Oo naman ma! Ayos na ayos. May mga tanong lang sa isip ko na nanatiling mga tanong nalang sa isip ko."
"Tama na ang pag-iisip. Tingnan mo yang hawak mo, darating ang tamang oras na malalaman mo din ang mga kasagutan sa mga tanong sa isip mo."
Napatingin na lamang ako noon sa orasang kapapalit ko lang ng baterya.
"Pero ma, di ba pwedeng ngayon nalang?" sabay buntong hininga.
Nagkatinginan kaming dalawa at para bang magkakonekta ang mga isipan namin at nagkakausap.
"Hay nako anak ko. Halika nga!"
Sabay bigay ng isang yakap sa akin.
Alam na alam talaga ni mama kung kailan ako yayakapin.
Kaya mahal na mahal ko yan eh.
Nawawala lahat ng pagod ko basta makita ko lang siyang masaya.
"Sasagutin ng orasang iyan ang mga tanong mo. Malapit na. Maghintay ka lang anak."
Sabi sa akin noon ni mama.
Hindi ko man maintindihan ay isa lang ang alam ko. Kahit di na masagot ang mga tanong sa isip ko, basta magkakasama kami, ayos na ako.
Nang sandaling iyon napatingin na lamang ako sa orasang sinasabi ni mama.
Napaganda niyon. Kulay rosas na may mga palamuting anghel.
Ang orasan na sinasabi ni mama na sasagot sa mga tanong sa isip ko.
Malalim ngunit naniniwala ako sa kanya.
Noon din ay kinuha niya ang orasan sa pagkakahawak ko at inilipat iyon malapit sa family picture namin.
"Hayan, itabi natin sa family picture natin."
Nakakapagtaka lamang dahil parang may ipinahihiwatig sa akin noon si mama na hindi ko parin maintindihan.
Balak ko sanang isipin 'yon pero male-late na ako sa pinagtatrabahuhan ko kaya,
"O siya na mama, pa-kiss na ako. Bye na papasok na ako," paalam ko sa kanya. Sabay halik sa pisngi.
Ganito lang naman kasimple ang buhay ko pero paano kaya iyon magbabago. Buhay ko na hindi ko alam na may mga madidilim na lihim na matagal itinago sa akin.
Ako si Whren San Agustin. Panganay sa limang magkakapatid. At heto ang buhay ko.
Alamin natin kung paanong sinagot ng orasang iyon ang mga tanong sa isipan ko at anong mga naging kapalit niyon.
BINABASA MO ANG
TAKSIL [COMPLETED]
General FictionLima silang magkakapatid, may isang ilaw ng tahanan at haligi ng tahanan. Sa isang maliit na up and down na bahay sila nakatira. Maliit na bahay na puno ng malalaking sikretong itinatago ng bawat isa. Paano kaya haharapin ni Whren ang katotohanan...