Chapter 14 - Pag-amin

617 20 0
                                    

Clara's POV

Namulat nalang ang mata ko sa lugar kung saan naaalala kong nagkaroon kami ng komprontasyon nina Whren at Lando. Ang huli kong naaalala noon ay may kung sinong humampas ng kung ano sa ulo ko kaya ako nawalan ng ulirat.

Pakialamera.

Sigurado akong sa mga oras na ito ay nagpapatayan na silang lahat at kung anu-anong klaseng anyo ng demonyo na ang nakikita sa kanila ngayon ni Norman.

Sige magpakabayani ka ngayon Whren. Ginawa ko na ang lahat para hindi ka madamay pero gustong-gusto mo talagang umeeksena.

Hindi ko maaaring hindi makita ang napakagandang eksenang 'yon. Kailangan makita ko 'yon kaya dali-dali akong tumayo at nagtungo sa bahay.

Pagdating ko noon ay naka-lock ang gate at mukhang nakauwi na silang lahat which is good thing dahil umaayon lahat sa plano ko. Hindi ako pwedeng umasa lang kay Norman dahil kung iisipin mag-isa lang siya laban sa buong pamilya.

Kailangan ko padin kumilos para masigurado kong mamamatay silang lahat.

Iika-ika man ay pilit kong umayos ng lakad. Walang-wala ang sakit na ito kumpara sa ipinaramdam ni Lando at Norman sa akin.

Alas dyes na ng gabi at pagdating ng 10:30, kailangan tuluyan na silang mamatay pare-parehas.

Naka-lock ang gate ng sandaling iyon pero hindi ako magpapatinag lang ng dahil sa isang saradong gate. Yari sa grills ang bintana sa unang palapag ng bahay. Mula roon, kung tatapak ka, mas madali kang makakaakyat.

Kailangan mo lamang gawin ay ang makaakyat hanggang sa mapantayan mo ang bintana ng kwarto, kwarto kung saan ako tumutuloy sa ikalawang palapag ng bahay.

Madali lamang akyatin 'yon dahil maraming mga bakal na maaaring kapitan at tapakan. Nahirapan man pero sa huli, matagumpay kong naakyat ang ikalawang palapag ng bahay.

Mula sa bintana ng kwartong inuupahan ko. Kitang-kita ko kung paano nagpapatayan ang dalawang demonyong sumira ng buhay ko.

Sina Lando at Norman.

Malinaw na malinaw sa paningin kung paano ugtayin ng saksak ni Norman si Lando na labis-labis na galak naman ang dulot sa akin. Ang bawat ulos at diin ng kutsilyo sa katawan ni Lando ang siguradong magpapaalala sa kanya kung paano niya ako inulos noon ng pagkalalaki niya.

Nakita ko pa kung paano tinanggal ni Norman ang kutsilyo sa leeg ni Lando at muli itong saksakin ng buong lakas sa tiyan nito na sigurado akong hindi lang hanggang laman kundi hanggang kaluluwa niya ang pagtagos. Napakasarap sa paningin kung paanong magpatayan ang dalawang hayop na gumago sa walang laban na kagaya ko.

Walang kapantay na saya ang makitang nakatarak parin ang kutsilyo sa katawan ni Lando kahit na bumagsak na siya sa sahig, katulad ng kung paanong hindi niya hinugot sakin noon.

Luha ko katumbas ng luha niya.

Ang katawan kong noo'y basang-basa sa ulan kagaya ngayon kung gaano siya basang-basa ng sarili niyang dugo. Ang pagkakabaon ng kutsilyo sa katawan niya katulad ng pagkakabaon noon ng pagkalalaki niya sakin.

At ang buhay na sapilitang ibinigay niya sa akin katulad ng kamatayan niyang sapilitan ko ring ibibigay sa kanya.

Kasiya-siya.

Walang kapantay na kaligayahan ang nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon. Sa kasawiang palad, napatay ng anak ang kanyang ama at ang mga kapatid naman ang susunod.

Wala na sa pagkakagapos sina Xandra at Sheena ngunit wala parin silang malay.

Dala iyon ng nilagay kong gamot sa inumin nila.

TAKSIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon