Chapter 7 - Bangkay

782 30 0
                                    

Author's POV

Patuloy ang mga rebelasyon at koneksyon ng bawat tauhan sa kwento. Ngunit lahat ba ng mga sinabi nila ay totoo?

Paano kung ang ilan sa mga iyon ay gawa-gawa lamang?

Sino ang nagsasabi ng katotohanan? At sino ang nagsisinungaling at patuloy na magsisinungaling.

Kaninong buhay ang mawawala?

Magiging dahilan ba yon para tuluyang may magbagong tauhan?

O maging rason para lalong umigting ang galit ng mga pusong gustong maghiganti.

Halina't alamin.

Alas singko ng umaga na.

Oras na binubuksan ang maliit na tindahan nila Tessa.

Isang maaliwalas na araw. Asul na kalangitan at tamang-tama lamang ang temperatura ng mga oras na yaon.

Heto ang mga anak na babae ni Tessa. Lahat ay nahihimbing parin.

Si Kitty, Xandra at Sheena na wari'y mga batang yagit na may mabubuting panaginip

Sa kabilang dako naman, sa higaang kahoy kung saan mahimbing ding natutulog si Norman ay mukhang wala namang kakaiba.

Ganito rin ang eksena sa kwarto nina Clara at Santino. Magkayap ang mag-ina at masarap ang pagtulog.

Walang bakas ni Lando at Whren sa bahay na ito ngayon. Walang Lando sa itaas at walang Whren na katabi ang tatlong babaeng magkakapatid. Buhat na nga ng mga kaganapan sa kanilang bahay kagabi.

Maraming ang nangyari subalit heto at napakapayapa ng kanilang umaga.

Walang ingay at walang pagtatalo. Bagay na kakaiba at hindi normal sa bahay na ito.

Si Tessa na himalang hanggang ngayon ay hindi padin bumabangon. Nakakumot padin ito ng telang ipinangumot ni Xandra kagabi sa kanya.

Alas singko kinse.

Unang nagising si Norman na kadalasang nahuhuli talaga. Bumangon ito at agad kinuha ang cellphone niyang kagabi pa niya chinarge. Binuksan ang cellphone at nagbukas ng messenger. May binasang mensahe at dali-daling umalis ng bahay nang hindi naghilamos.

Sandali itong natigil nang mapansing hindi parin sila nagbubukas ng tindahan, ngunit paglipas lamang ng ilang sandali ay umalis na rin pagtapos niyang maalala lahat ng mga nangyari kagabi.

Katulad ng dati, wala parin siyang paki.

Sumunod na nagising si Kitty. Agad niyang sinilip ang tindahan at napansin na hindi pa nga bukas ang tindahan nila. Si Lando ang kanilang ama ang palaging nagbubukas ng tindahan na noo'y akala niya ay nahihimbing sa itaas na bahagi ng kanilang bahay.

Umakyat ito sa hagdan at laking gulat nang makitang wala si Lando sa tinutulugan nito. Nagtataka itong bumaba at naghalughog sa buong bahay.

Wala siyang nakitang Lando.

Wala din si Norman at batid niyang 'di rin umuwi si Whren. Aligagang-aligaga ito na para bang may mali.

Nararamdaman niyang may hindi tama ngunit hindi niya ito matukoy. Dala na rin ng ingay ng paghahalughog ni Kitty sa buong bahay, nagising naman si Sheena ngunit hindi ito bumangon habang pinanonood ang nakatatandang kapatid sa kakaiba nitong ikinikilos. Patuloy niya itong sinundan ng tingin hanggang sa nagtama ang tingin ng dalawa at dito nagsalita si Kitty,

"Nawawala si papa. Hindi pa rin bukas ang tindahan."

"Ano? Nasaan siya?" balik na tanong ni Sheena sa ate niya.

TAKSIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon