Chapter 10 - Rason

509 29 2
                                    

Lando's POV

'Nasaan ako? Bakit nakagapos? Wala akong makita.'

May nakabusal man sa bibig, nagpumilit akong magsisigaw. Pilit akong humihingi ng tulong pero paano at bakit ba ako nasa lugar na ito?

Unti-unti na akong naluha ng maalala ko lahat ng mga nangyari.

Ako.

Ako ang pumatay kay Tessa. Hindi ko akalaing magagawa ko 'yon sa kanya.

'H-h-hindi ko sinasadya Tessa. Mapatawad mo sana ako.'

At doon mas lalong lumakas ang agos ng luha sa mga mata ko.

Hindi alam kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon at pinagsisisihan ko 'yon at handa akong sumuko sa mga pulis. Pero paano? Paano pa't nandito ako ngayon at nakagapos.

Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko. Kailangan kong makauwi at masabi sa kanila ang katotohanan.

Kailangan na ding matapos ang lahat. Aamin na din ako kay Clara sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya.

*a memory 4 years ago*

"Lando, mukhang masaya kayo ni Tessa ah? At mukhang naging mabuting ama ka naman sa anak ko," sabi ng isang lalaking tumawag sa selpon ko.

"Sino ka at anong sinasabi mong anak mo? Bakit kilala mo ako? Paano mo nakuha 'yong number ko?" sunod-sunod na usisa ko sa misteryosong lalaking bigla nalang tumawag sa number ko.

"Ako 'to si Manuel. Ang dating kasintahan ng asawa mong si Tessa bago kayo naging mag-asawa at ikinasal." Kilala ko si Manuel. Totoo lahat ng sinasabi nito.

Nang nakilala ko si Tessa, lagi itong nasa bar na pinagtatrabahuhan ko noon. Lagi itong pumupunta doon para maglasing. Umaasang babalikan siya ni Manuel.

Mahal na mahal noon ni Tessa si Manuel at saksi ako sa mga araw na halos kunin na ni Tessa ang sarili niyang buhay dahil sa hindi nito matanggap ang kinahantungan ng relasyon nila ni Manuel.

"Siguro naaalala mo na ako ngayon Lando at gusto kong ipaalam sa iyo na salamat dahil pinalaki mo ng maayos ang panganay at nag-iisang anak namin ng misis mo." Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi pwedeng mangyari ang mga iyon dahil sigurado akong anak ko si Whren.

"Nung mga panahong mahal na mahal pa din ako ng asawa mo at nabalitaan kong nagsasama na kayo, tinext ko siya para makipagkita sa akin upang tapusin na lahat ng namamagitan sa amin." pabiting sabi nito at hindi ko alam pero napakalakas ng kabog ng dibdib ko ng mga araw na iyon.

Bawat salitang sinasabi ni Manuel ay nanunuot sa buong pagkatao ko na para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Muli niyang itinuloy...

"Nag-sex kami ng araw na sinasabi ko sa'yo. Nong unang beses niyo, hindi mo siya napadugo hindi ba?

At nung panahong bago pa lang kayo, ni hindi siya dinatnan. Sa tingin mo ba anak mo talaga ang panganay niyo?" Nang mga panahong iyon, ay nagsimula nang sumiklab ang galit sa akin. Hindi ko matanggap sa sarili ko na niloko ako ni Tessa sa kabila ng lahat.

Dali-dali kong kinompronta ang asawa ko. Galit na galit ako dahil sa mga nalaman ko.

Okay lang naman sana sa akin eh. Handa akong tanggapin ang anak niya sa iba kung sinabi niya sana sa akin ang katotohanan.

Sinampal ko siya ng napagkalakas no'n. 'Yon ang unang beses na nasaktan ko siya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko eh. Gustong-gusto nang pumutok ng ulo ko sa sobrang galit nanararamdaman ko.

TAKSIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon