Clara's POV
Siguradong nagtatago na ngayon si Lando dahil sa karumal-dumal na pagpatay niya sa asawa niya.
Hindi magtatagal ay mahuhuli rin siya ng mga pulis kahit saan siya magtago.
Kasalukuyan kaming inuusisa ng mga imbestigador at nagsimula na rin silang maghalughog sa tindahan kung saan nangyari ang krimen.
Walang sugat o anumang bakas ng dugo ang nakita sa pinangyarihan ng pagpatay kung kaya't hindi pa malinaw kung ano ba talaga ang ikinamatay ni ate Tessa.
"Ako po si Kitty ang panganay na babae at pangatlong anak sa pamilyang ito. Mga bandang alas singko dyes nagising ako.
Wala po si kuya Norman no'n.
'Di ko po alam kung nasaan siya. Si kuya Whren naman po, kagabi pa 'di umuuwi dahil nag-away sila ni papa tapos si papa po 'di ko rin nakita kaninang umaga." sagot ni Kitty sa isa sa mga inspektor.
Sunod na tinanong nila si Xandra.
"Nagising po ako no'n bandang alas tres ng madaling araw. Chineck ko po 'yung cellphone ng kuya ko na naiwan niya sakin kagabi sa pagbabaka-sakaling malalaman ko kung nasaan siya kung iche-check ko 'yung messenger niya. Sa kamalasan, wala po akong napala.
Pagkatapos po non, parang may narinig akong ubo kay mama. Malamig po talaga dito sa tindahan kapag gabi kaya kinuha ko siya ng kumot sa second floor ng bahay at kinumutan ko pagkatapos."
"Wala ka bang napansin na kakaiba noon sa nanay mo o kaya sa tindahan niyo ng mga oras na 'yon?" karagdagang tanong muli ng inspektor sa kanya.
Nag-isip siya nang mabuti. Nag-isip na parang may hinahanap na kakaiba sa isipan niya. Bahagyang lumaki ang mata nito at bumalik ng tingin sa inspektor at sinabi...
"Tama! 'Yung gate nung gabing 'yon. Bukas 'yon. Hindi nakasara. Lumabas ako no'n para silipin kung may tao sa labas pero wala po akong nakita."
"Sigurado ka wala?" paninigurado pa ng inspektor
"Wala ho talaga."
Kinabahan ako nang sandali pero nawala rin agad. Akala ko ay...
"Parang kinakabahan ka?" si Kitty na binulungan pa ako. Nginitian ko siya at sinabi kong...
"First time ko sa mga ganitong imbestigasyon. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko."
Sunod na tinanong nila Sheena pero wala itong nasabi. Umiiyak lang siya dahil siguradong hindi niya lubos na matanggap ang lahat. Hanggang si Norman naman ang tinanong nila.
"Mga alas singko pasado ng magising ako. Hindi ko nakita si Whren at ganon din si papa dahil hindi ko naman siya sinilip sa itaas.
Nang magising ako non, lumabas lang ako saglit para pumunta sa bahay ng kaibigan ko." salaysay nito.
"Sinong kaibigan? at bakit gano'n kaaga ka pumunta sa kanya. Importante siguro 'yung bagay na ipinunta mo?" napalunok naman si Norman sa mga itinanong ng pulis sa kanya.
"Tropa ko ho. Nagbayad utang lang dahil uuwi sa Maynila. Ganon kaaga niya ako pinapunta para di siya tanghaliin sa lakad niya" paglilinaw naman nito.
Panandaliang huminto ang inspektor sa pagsasalita at tumango na para bang may naiintindihan.
Hanggang sa ako na ang tinanong.
"Nasaan ka sa buong magdamag at ano ang mga ginawa mo?" marahang tanong ng inspektor sa akin. Kinakabahan man ay handa na akong sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko.
BINABASA MO ANG
TAKSIL [COMPLETED]
General FictionLima silang magkakapatid, may isang ilaw ng tahanan at haligi ng tahanan. Sa isang maliit na up and down na bahay sila nakatira. Maliit na bahay na puno ng malalaking sikretong itinatago ng bawat isa. Paano kaya haharapin ni Whren ang katotohanan...