Chapter 2 - Tahanan

2.1K 44 0
                                    

Tessa's POV

"Halika muna dito Lando, maaga tayong magsasara ng tindahan."

Isang malakas ngunit mahinahong sigaw ko. Medyo mahina kasi ang pandinig ng asawa kong si Lando.

"L A N D O ! ! ! "

Mas malakas pang sigaw ko. Agaran naman siyang lumapit sa akin ng nakapameywang at sinabing,

"Kinausap ko lang 'yong anak mo na dalian na kako 'yong sinaing dahil gutom na gutom na daw si Norman. Uuwi na din 'yong panganay mo at sigurado gutom na rin yon."

"Magsara na tayo." mariin kong sabi sa kanya. Laki akong bisaya at waray naman si Lando. Natural na ugali na ng asawa ko ang pagiging malambing na namana naman ng aming panganay na anak na si Whren. Si Norman naman ang ikalawa kong anak ang nakakuha ng pagkamapanakit ni Lando.

Nakakatawa na nga lang isipin na ang dalawang katauhan ng asawa ko na parehas niyang tinataglay ay naghiwalay at nakuhang buo ng dalawa kong anak na lalaki.

Si Whren na panganay kong anak ang pinakamaaasahan ko sa lahat. 'Yon nga lang, medyo may pagkamalamya ito at ni minsan ay hindi pa nagkaroon ng kasintahan.

Si Norman ang anak kong kabaliktaran ng aking panganay. Masipag naman siya at nakakatulong sa pamilyang ito ngunit ... ngunit...

"Tessa? Tessa? parang napakalalim naman ng iniisip mo?" si Lando na mukhang nayayamot na sa kauulit ng pangalan ko at di makuha ang aking pansin.

"Ah, wala! Naisip ko lang bigla, na mabuti at may mga anak ka ng nakakatulong sa atin. Halika na nga at pumasok ka na dito." sambit ko pa.

Mayroon kaming isang maliit na sari-sari store na dati ay bigla- bigla na lamang magsasara dahil nabangkarote na at muling magbubukas kapag nagkaroon muli ng kapital at nagbago lang naman iyon at napermanente na ang tindahan mula ng nagsipaglakihan na ang mga anak namin at nagsipagtrabaho na rin. Kaya kahit papaano ay medyo nakakaluwag kami sa aspetong pinansiyal.

Mayroon din kaming isang maliit na kwartong paupahan na malaki rin ang tulong para sa amin. Ang tanging pinoproblema ko na lamang ay ang oras tuwing gabi na magsasamasama kami sa bahay. Oras na dapat masaya. Oras na dapat ay nagkekwentuhan kami.

Kabaliktaran nito ang pamilya namin. Aminado naman ako na talagang magulo sa bahay. Siguro dahil masyado pang bata ang mga anak ko at di pa sila nagmamature ng kaisipan. Kaya ako bilang ina, iniintindi ko nalang sila.

"Ehhmm.. ehhmm.. ehhmm!!" tatlong malalakas na ubo mula sa akin. Nitong mga nakaraan ay madalas akong inuubo marahil dahil sa klimang init-lamig.

...

Xandra's POV

"Ang tagal naman ni kuya Whren." ako sa harapan ng pa-inin ko nang sinaing. Wala kasi akong cellphone. Nanakaw 'yon ng dati naming kasama dito sa bahay. 'Yong naunang rumenta ng kwarto sa itaas kay ate Clara.

Cellphone lang naman kasi ang means para makausap ko si Tarat. Legal kami pero mainit ang dugo ni papa at ni kuya Norman sa kanya at 'di ko alam kung bakit.

Si mama ang gustong-gusto na palaging nandito si Tarat. Nauutusan din kasi niya yun at hindi nagrereklamo sa kanya. Masipag kasi talaga ang boyfriend ko at ubod ng lambing. 'Yon nga lang ay medyo 'di siya katalinuhan kung kaya't kapag may mga school works na gagawin, tinutulungan ko naman siya. Sa katunayan parang mas anak pa ni mama si Tarat dahil mas close pa silang dalawa 'di tulad kami ni mama.

Namimiss ko na nga siya eh pero dahil wala pa si kuya 'di ko siya ma-chat or ma-text para makumusta.

Gwapo kasi 'yon at maraming nagkakandarapa sa kanya. Kaya ako, minu-minutong binubuksan 'yong facebook niya tuwing nahihiram ko 'yong cellphone ni kuya. I do trust him pero hindi 'yong mga babae at baklang nangungulit sa kanya.

TAKSIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon