Kitty's POV
Hanggang ngayon ay iniisip ko lang kung bakit nawala si papa kasabay ng pagkamatay ni mama? Kilala ko si papa. Sigurado akong 'di niya gagawin 'yon sa nanay namin. Ang tanong ay nasaan siya? Bakit hindi siya nagpapakita o nagpaparamdam sa amin?
Kailangan kong kumilos. Kailangan malaman ko ang buong katotohanan para mahuli si Clara.
"Sheena, Xandra, halikayo, umakyat tayo sa itaas at baka may makita tayong lead or clue sa kung sino talaga ang pumatay kay mama," pagyaya ko sa dalawa kong kapatid.
"Sa kwarto ni ate Clara?" nagtatakang tanong ni Xandra sakin.
"Makinig kayo, marami kayong hindi pa nalalaman at 'yong mga bagay na 'yon, alam ko. Sa ngayon makinig kayo sa akin. Sa akin lang at walang iba." mariin kong sabi sa kanila.
"Kung si mama, nagawang patayin ng salarin, syempre mas kaya niyang gawin sa atin 'yon kung gusto niya. Ngayon kailangan niyong maniwala sakin dahil alam ko na ang gagawin natin." dagdag na paliwanag ko sa kanila.
"Ate Kitty, poprotektahan mo naman kami diba? Saka mahuhuli natin ang sino mang pumatay kay mama. 'Di ba hindi si papa 'yon?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Sheena sa akin.
Sa katunayan ako ang pinakamadaling masaktan sa aming tatlong magkakapatid. Ako ang pinakamababaw at pinakamaramdamin pero sa ganitong sitwasyon, kailangan kong maging matatag. Kailangan ako ng mga kapatid ko. Kailangan ko silang protektahan laban kay Clara.
"Halika na kayo, kailangan natin kumilos para sa mga sarili natin at para kay mama." ako sa kanilang tatlo.
Pagpasok na pagpasok namin, sobrang napakaayos ng kwarto ni Clara. Si Santino naman ay nanonood sa cellphone na iniiwan ni Clara sa kanya.
"Xandra, Sheena, 'yong cellphone kailangan ko 'yon."
Hindi ako malapit sa batang si Santino kahit kailan. Napipilitan lang akong bantayan ang bata dahil sa bilin 'yon sa akin ni papa.
Agarang kinuha ni Sheena ang cellphone kay Santino.
Nagwala ito. Napakalakas at nakakarindi ang mga sigaw nito.
Si Xandra naman ay kumuha ng biscuit sa isang malaking kahon ng sigarilyo na punong-puno ng mga biscuit at chichirya at iniabot kay Santino para kumalma ang bata.
Agad namang tumahimik si Santino nang bigyan ito ni Xandra ng biscuit. Mabilis niya itong naubos na animo' y gutom na gutom at hindi pa kumain.
'Hindi kumain?'
*a memory*
"Police officer lahat po ng sasabihin ko ay totoo lang. Mga bandang bago mag-alas kwatro. Lumabas ako para bumili ng pandesal."
*end of memory*
"May mali. Ang sabi ni ate Clara, lumabas siya kanina para bumili ng pandesal hindi ba? Kung ganon, bakit parang gutom na gutom padin si Santino?" bigla ko nalamang nabanggit bunga ng pag- iisip.
"Saka ate Kitty, hindi naman mahilig sa pandesal si ate Clara. Kung bumili nga siya ng pandesal, sigurado ipapakain niya 'yon kay Santino dahil hindi siya mahilig do'n." dagdag ni Xandra.
"'Yun ay kung bumili talaga siya ng pandesal." sagot ko naman. Bigla ring nagsalita si Sheena at sinabing...
"Maraming biscuit at chichirya si ate Clara sa kahon ng sigarilyo na 'yon oh. Bakit siya bibili ng pandesal kung marami pa siyang stocks na pwedeng kainin."
Inikot ko ang mga mata ko. Nakita ko ang isang plastik ng mga basura ni Clara. Puro ito pinagbalatan ng chichirya at biscuit. Walang supot ng pandesal ang nakita ko sa basurahan niya.
BINABASA MO ANG
TAKSIL [COMPLETED]
Ficción GeneralLima silang magkakapatid, may isang ilaw ng tahanan at haligi ng tahanan. Sa isang maliit na up and down na bahay sila nakatira. Maliit na bahay na puno ng malalaking sikretong itinatago ng bawat isa. Paano kaya haharapin ni Whren ang katotohanan...