Chapter 12 - Tagabihag

575 26 0
                                    

Clara's POV

Sa wakas ay nakita ko na din si Whren.
Buong araw ko din siyang hinanap ngunit heto at dito ko pa siya natagpuan.

Hawak-hawak ko ngayon ang braso niya at hinihintay kong lingunin niya ako. Laking gulat ko naman nang humarap ito at ibang tao pala.

"Sino ka? Inaano kita?" sabi ng lalaking napagkamalan kong si Whren.

"Pasensya na po, nagkamali po ako. Akala ko ikaw 'yong kakilala ko." ako sa nangungusap na tono.

Bugnot man ay umalis na lamang ito ng walang sinasabi. Hinayaan ko na lamang ang lalaking 'yon dahil may mas mahalaga akong dapat gawin. At 'yon ay ang makita si Whren. Mukhang wala na akong magagawa para mailigtas siya mula sa paghihiganti ko.

Kung uuwi siya mamayang gabi o anumang oras na isinasakatuparan ko ang paghihiganti ko, wala na akong magagawa pa kundi idamay na siya.

Kaawa-awa. Hindi naman siya kaano-ano ni Lando pero madadamay pa siya kung sakali.

Nagpatuloy akong naglakad pauwi.

Madilim man ay nakita ko ang isang lalaking maraming dala. Sigurado ako.

Siguradong-sigurado na ako sa mga oras na ito na siya na nga ang hinahanap ko. Si Whren.

Naglakad ako ng mabilis upang abutan siya ng makita kong may humila sa kanya dahilan para maagaw ng misteryosong nilalang na iyon ang paningim ko. Nang makita ko ang taong iyon ay agad na namilog ang mga mata ko.

'Hindi maaari. Paanong?'

Kailangan kong makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon.

...

Whren's POV

Laking gulat ko ng makita ko ang taong humila sa akin.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa kanya at puno ito ng tuyong dugo sa bandang kaliwang mukha. Halos tinakpan na niyon ang tenga, pisngi at panga nito.

'Di ako nakapagsalita agad dahil hindi ko alam kung anong sasabihin o itatanong ko sa kanya. Nando'n na rin ang pagkailang ko sa kanya dahil sa huli naming engkwentro. Ganoon pa man, labis labis padin akong nag-aalala sa kanya. Ang isa pang bagay na nagpabagabag sa akin ay hindi ito nagsasalita.

Hawak niya lamang ako nang pagkahigpit habang nakatingin sa mga mata ko. 'Di ko wari kung bakit hindi parin ito nagsasalita. Nang mga panahong iyon, napalunok na ako hudyat para basagin ang katahimikan sa pagitan namin nang biglang...

bigla ay..

may humampas sa kanya mula sa likod, dahilan para mapahandusay ito sa lupa.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi mapatulala na lamang sa mga nasaksihan ko.

Si ate Clara na may dalang isang malaking kahoy na ipinanghampas kay papa. Nagugugulumihanan ako sa mga nangyayari. Ano at parang may mali. Kasalukuyan ko noong pinipilit na intindihin ang lahat nang tapik-tapikin ni ate Clara ang magkabilang pisngi ko.

"Wag ka matakot Whren. Iniligtas lang kita dahil gusto kang patayin ng taong 'yan." paliwanag naman ni ate Clara sa akin.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na aabot pa sa puntong gagawin pa sakin 'yon ni papa.

"Papatayin niya ako? Bakit? Anak niya ko, bakit niya gagawin sa akin 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Dahil hindi ka niya anak. Hindi ka niya anak kaya gano'n na lang kalaki ang galit niya sa'yo," si ate Clara sa akin.

TAKSIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon