Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

LAST CHAPTER: Je t'aime, Milan

207 3 0
                                        

Milan's POV

"Milan... Milan... Milan, gising!" napabangon na lang ako nang parang may gumigising sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Napapapikit pa ako dahil nasisilaw ang mga mata ko sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana.

And I just saw kuya Mikoy, with toothbrush on his mouth, at napakagulo pa ng buhok. Bakit naman niya ako ginigising? Anong meron?

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya, habang hinahanap ang pantali ng buhok ko.

"Anong bakit? Tara na! Bilisan mo na dyan!" rinig kong sabi niya. Ano ba kasing meron at ginigising ako ni Kuya?

"Meow..." napalingon ako nang marinig ko si Jet'aime na nag 'meow'. Kaya naman, kinarga ko siya.

Ano ba talagang meron?

"Ano ba? Bakit ba kuya? Inaantok pa ako!"

"Anong inaantok? Hindi pwede! Alam mo bang aalis si Freed ngayon? Pupunta raw siya ng France ngayon sabi ni Doc. Anison. Nag meeting sila kanina bago siya umalis ng ospital. Kaya ano ginagawa mo dyan! Tara na!" sabi niya.

Dahil sa narinig ko ay nataranta na ako. Agad kong tinalian ang buhok ko, at dali daling tumakbo papalabas ng kwarto buhat si Jet'aime. Wala na akong pakialam kung ano ang suot ko.

Ang importante, maabutan ko siya-- wait, what?

Hahabulin ko siya?

"O, tara na! 12 o'clock raw ang flight niya. Kaya tara na! Para maabutan mo pa siya!" rinig kong sabi ni kuya na kakamumog lang ng tubig at pinupunasan ang mukha niya habang nagmamadaling lumabas ng unit.

Nakatayo pa rin ako, at hawak ko si Jet'aime.

"Milan!" rinig kong pagtwag niya sa pangalan ko. Pero, wala iyong epekto dahil hindi hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

"Meow..." napatingin ako kay Jet'aime dahil doon.

"Kuya, hahabulin ko siya? Baka nga galit sa akin yun e, dahil sa ginawa ko kagabi--"

"Kaya nga. Kaya dapat mo siyang habulin dahil kailangan niyong mag usap tungkol sa bagay na iyon. Hindi pwedeng hindi niyo pag usapan yon. I explain mo sa kanya para hindi siya umalis ng naguguluhan, bunso. Tara na!" sabi niya.

I explain ko para hindi siya umalis ng naguguluhan...

Oo! I-eexplain ko sa kanya!

Mabilis pa sa isang segundo akong nakatayo. I'm still carrying Jet'aime, at agad akong sumunod kay kuya na ngayon ay nasa labas na ng unit.

Mula sa paglabas sa condo, pagsakay sa sasakyan, at pagmamaneho papunta sa airport ay binilisan namin. Dahil mamaya nang alas dose ang flight niya.

At dapat ko siyang maabutan.

I need to say sorry to him for all what I said last night. At hindi siya pwedeng makaalis hangga't hindi kami nakakapag usap.

Pero, maraming airport rito sa Manila. Saang airport naman kaya siya naroroon?

"Hindi alam ni Doc. kung saang airport naka schedule ang flight niya. Pero, I called nurse kim kanina. Nagpatulong na ako sa kanya na tingnan kung saang mga airports ang may pinakamadalas na sched papuntang France. At swerte ka bunso, dahil malapit na tayo doon." sabi niya.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti dahil doon.

Ilang minuto pa ang lumipas at napahinto si kuya, and we realized na traffic.

"Naman o!" rinig kong sabi ni kuya. Napakagat labi na lamang ako dahil sa nakita ko.

Padaanin niyo na kami, please!

Je t'aime, MilanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon