Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 8: Kissed Me!

220 8 0
                                        

Milan's PoV



"Sino ba namang hindi makakalimot doon? He just kissed you." sabi ni kuya. Oo nga, halata namang hindi mo nakalimutan yun. Naman e.

Hindi pa ba talaga niya iyon kinakalimutan? Mula nang makapasok kami sa ospital matapos akong ihatid ni Freed ay inaasar na niya ako. Tinawanan pa ako ng ilang nurse na nakarinig no'n.

Nakita kasi kagabi ni kuya na hinalikan ako ni Freed sa noo. Its just a kiss! Sa noo! Pero parang mas hindi yata naka move on si kuya kaysa sa akin. Pulit ulit na lang niya akong inaasar, kagabi pa.

Naiirita na ako. But, I just shook my head, at pumasok ng kwarto para mag ready. May pasok pa ako ngayon.

And yun na nga. I did my morning routine. After that, sabay kaming lumabas ni kuya sa condo. Ihahatid niya ako sa school ngayon. Salamat naman dahil hindi ako magco-commute.

Nang makasakay na, nagmaneho si kuya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, binalik na naman niya ang kagabi pa niyang bukam bibig.

Nung hinalikan ako ni Freed sa noo.

"SPONSOR lang ba talaga ang reason? Baka naman, gusto ka na no'n?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam. Ewan ko sayo kuya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pero, napatingin na lang ako sa kanya nang marinig ko ang mga salitang ito.

"Pero, alam mo... Gusto ka talaga niya." he said.

May gusto? Sino? Si Freed?

"Kuya, anong sinasabi mo?" tanong ko dahil sa pagtataka. Ano bang naisip ni kuya at nasabi niya yon?

Then he smiled. "Duda ko lang Milan ha. Gusto ka talaga niya." diretso niyang sinabi. Natawa naman ako.

Ako? Gusto niya? Inulit na naman niya ang sinabi niya kanina. Kuya, nagbibiro ka ba? Pinapatawa mo ba ako sa sinasabi mo?

Pero, ewan. Hindi ko kasi maintindihan yung taong yon e. Well, may sinabi siyang 'I like you' sa akin. At ipang beses ko na rin iyong narinig. But it doesnt mean na talagang gusto na niya ako. Palagay ko lang naman.

Isa pa, kahit magkagusto man sa akin ang taong iyon, hindi pwede. May crush ako. Si Wilton. Pero, hindi ko nga lang alam kung crush rin ako ng crush ko. Hay ewan. Ano ba tong iniisip ko.

"Hindi mangyayari yon, kuya."

"Maaari. Kasi, pansin kong madalas ka niyang ihatid sa ospital. He even gave yoy a gift. Milan, duda ko talaga gusto ka niya." sabi niya.

"Kuya naman e."

"Milan, lalaki rin ako. Alam ko kung paano manligaw. At tingin ko, ganyan ang diskarte niya. Kasi kaming mga lalaki, iba iba kami ng style sa panliligaw. At tingin ko, straight to the point siya. Sinasabi niya agad na gusto ka niya. Isa rin yun sa mga tactics niya yung paghalik sa noo mo." paliwanag niya.

Napabuntong hininga ako.

"Pero Milan, alam mo naman na yung ginawa ko sa mga manliligaw mo noon diba?"

Napatango ako sa sinabi niya. Oo nga kuya. Dati, kung hindi mo sila pinapapasok ng bahay, tinatakot mo sila gamit ang syringe mong may napakatalim na karayom saka ng surgical scissors mo. Ewan ko sayo.

"Pero, mas okay ako kung siya magiging manliligaw mo." dagdag niya. Kuya!

Pinandilatan ko ng mata si kuya dahil sa narinig ko sa kanya. Mas okay siya? Hindi ba niya alam na medyo iritado ako sa taong yon?

Hindi ko na lang pinansin ang kuya kong kasalukuyan pang nagha-humming. Hala! May tama rin to e.

"Malapit na tayo sa school mo, bunso. Baka nandoon na rin iyong manliligaw mo. Teka nga, alam na ba niya ang address natin? Kailan siya pupunta sa unit para manligaw?" Natatawa niyang tanong.

Je t'aime, MilanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon