Milan's POV
"I'll see you all tomorrow. Ms. Fajardo, I'll wait for your performance. Class dismiss." sabay alis ng professor namin.
I just sighed.
Good thing kuya is very tough. Nalampasan niya ang mga ito, honors pa! Pero ako, ewan ko na lang.
Buti nga at sinama pa niya ako sa ospital nung time na yun e. Savior ko rin yung pangyayaring iyon dahil nakasagot ako sa mga itinanong ng professor namin kanina.
"Milan!" napalingon na lang ako nang marinig na may nagsalita. Si Toni lang pala.
Nilapitan niya lang ako, at nakangiti pa ang babaeng to. Inakbayan niya ako, at napailing na lang ako dahil sa inaasal niya ngayon.
"Mukhang favorite ka na ni prof. ngayon, a. Anong meron?Anyare?" tanong niya. Aba'y ewan ko sa kanya.
"Ewan."
Hindi ako nag expect na ganito ang magiging buhay ko sa kamay ng professor na si Prof. Ma, wala na akong tigil sa kaka-report, o paggawa ng mga powerpoint presentation at kahit ano pang ibibigay niya sa akin.
Magbe-bente anyos pa lang ako ngayong taon, at wala pa sa kalingkingan ko ang pagiging doktor pero maaga yata akong malolosyang nito. Hays.
"Dinner tayo, nagugutom ako e. Libre ko." sabi ko na nga ba at magyayaya na naman tong kumain.
Kaya naman, tumanggi na ako. Marami pa akong gagawin. Ibang powerpoint presentation na naman, report na naman, at marami pang iba. Sayang, libre pa naman. Hay ewan.
"Hindi na. Kumain ka na do'n. Tatapusin ko muna ang lahat ng gagwin ko para free na ako mamaya."
"Sige... Kita ulit tayo bukas." sabay ngiti niya, at umalis.
Napabuntong hininga na lang ako.
Bakit ba naman kasi sa akin pa ito binigay. Halos ako na lang yung binibigyan niya ng mga reports e. Nakakapagod. At bakit ang tagal niya kaminh idinis-miss? Hayst.
Agad na akong nagpunta sa library at ni-research ang mga i-papa report sa akin ni prof. Dito na ako magre-research. Kasi, libre ang wifi saka malakas rin ang internet connection.
Nang makahanap ng uupuan, wala na akong sinayang na oras. Umupo na ako, at binuklat ang notes ko. Pero, mahina akong natawa dahil sa topic na binigay niya sa akin.
CPR? Kinabahan ako kanina. Akala ko, kung anong topic na naman ang binigay ni prof. Ma sa akin. Eto lang pala. SUPER BASIC. Maski impromptu, kaya kong gawin to e. Pero di ako pakasisiguro. I need to make powerpoints, sabi niya.
Hays.
Kaya binuksan ko ang laptop at agad na nag research kung ano pa ang mga posible niyang itanong.
What is CPR? Steps in doing CPR? Do's and don'ts? Reminders... Kailan ito ginagawa? ano pa ba? A! Importance, situations that needs CPR, and responsibilities ng nagsagawa ng CPR, People involved during this happening, mga taong dapat gumawa nito...
Wala na akong ibang maisip.
Isin-ave ko na ang mga na research ko. May mga isinulat ako sa notes kong mga importanteng details, at iba pa. Saka ako nagsimula akong gumawa ng powerpoint.
I started to choose a theme, nang may napansin akong parang umupo sa tapat ko. Kaya, napatingin naman ako kung sino. And guess what?
It's my sponsor. Hindi ko pa nalilimutan lahat ng nangyari dati nung nakilala ko to. And I'm little irritated, sa taong to.
BINABASA MO ANG
Je t'aime, Milan
Storie d'AmoreFreed has to move on after the woman he's liking is finally spending forever with the man she loves. At her wedding, in a dance, the businessman met the bride's cousin-young lady Milan Carmel Fajardo. She caught his attention in first glance. She m...
