Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

CHAPTER 4: Number

224 11 0
                                        

Milan's POV




Ngayong araw ay bibigyan ako ni kuya ng free tour dito sa ospital. Gusto raw niya na may malaman akong ilang mga bagay tungkol rito, dahil hindi lang naman specifically na about medicine ang dapat kong matutunan.

He wants me to be immuned on what's here in the hospital. Dahil doon rin naman ako mapupunta. Kaya excited na excited akong naghanda para makapag simula na kami.

Nauna na si kuya roon. Kasi, aasikasuhin niya pa raw yung isa niyang pasyente.

Pasyente...

Naalala ko yung kapatid ni kuya Ford. Sabi ni kuya, nabaril daw yun e. Hindi ko naman alam kung bakit. At hindi ko nga lang rin nalaman yung pangalan niya. O kung nalaman ko iyon, di ko na matandaan. Ewan.

Hays, naalala ko tuloy yung nangyari nang gabing iyon, nung araw ng kasal nina ate Ayang. Hindi ko pa nga alam kung sino siya noon e, tapos sinabihan pa na niya ako ng 'I like you'. Hays!

Kapag naaalala ko yon, naiinis ako e. Bakit? Sinabi ko lang naman yung buong pangalan ko dahil lang narinig kong sinabi niyang 'I like you'. Naman!

Hay nako, Milan! Wag mo na ngang sirain ang araw mo dahil lang doon sa sinabi niya nung gabing iyon!

I must go! Wa na juy oras na angay sayangon. Wala na talagang dapat na sayanging oras.

Nang makarating sa ospital ay nakita ko kaagad si kuya na nakatayo sa may labasan.

"Napakatagal mo bang naghintay rito, kuya?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Hindi naman. Naasikaso ko naman na yung pasyente kaya okay na. Ano, tara?"

Nang sinabi niya iyon ay kaagad naman akong tumango, at sabay kaming pumasok sa loob ng ospital.

At ayun na nga... Kung saan saan ako dinala ni kuya. Sa lab, sa opisina niya, sa mga rooms na may specific na uses, nurse station, at pati sa mini park ng ospital nila, kung saan may mga nakita akong pasyente.

Pinaintindi niya rin sa akin ang mga gawain ng isang nurse, doktor, at lahat ng mga nagtatrabaho sa ospital. At dahil doon, mas na inspire akong mag aral.

Kaya mas ginaganahan akong mag aral ng medicine e!

At ang huli naman naming pinuntahan ay ang isang private room. Hindi ko alam kung anong meron dito pero bago kami pumasok ay nakangiti siyang humarap sa akin.

"Hindi lang naman kasi iyan ang rason kung bakit kita pinapunta rito. May iba pang reason." sabi niya.

Kung hindi lang ito, ano pa?

"Anong reason naman iyon kuya?"

"Kaya tayo nandito sa private room na ito kasi nandyan ang taong gustong mag i-sponsor sa pag aaral mo."

Mag... ii sponsor?

Hindi ako agad na nakapagsalita. Bakit... ngayon lang sinabi ito ni kuya sa akin? Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko.

Gulat, sobrang kasiyahan, at nerbyos!

"Kuya..."

"Diba, marunong kang gumamot ng small cuts?" tanong niya, at tumango naman ako. "Good. Naaksidente kasi yung magiging sponsor mo. And he wants you na gumamot ng sugat niya."

He? Wants me?

"Mabait naman yung taong iyon. I'm sure magkakasundo kayong dalawa, like we do."

Ay syempre naman... Sabi mo 'he' e. Natural, mga lalaki kayo.

Je t'aime, MilanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon