Milan's POV
I woke up because I felt a tickle on my face. And I just saw Jet'aime, tila ba hinahaplos niya ang mukha ko. Ang cute.
"Good morning, Jet'aime." bati ko sa napaka cute na puting pusa na ito. And she just said 'meow'.
Bumangon ako at sandaling kinarga si Jet'aime na kalaunan ay binaba ko rin. And I just remember, its Saturday.
Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko, alas diyes na pala ng umaga. Masyado ba akong napagod kagabi? Hay ewan. Ilalagay ko na sana sa kama ang phone pero narinig ko itong tumunog kaya hindi ko na lang binitawan.
Akala ko kung sinong nag pm, gc lang pala namin.
Nagtaka ako kung bakit hindi tumahimik sa kakatunog yung phone kaya binasa ko na lang yung mga messages nila roon. At tumambad sa akin ang halos isandaang messages nila.
Grabe naman tong mga to.
"Oy, ang ingay niyo." chat ko sa kanila. Hindi na ako nag back read. Nakakatamad kaya yon, lalo na at napakarami na nilang mga messages.
Maya maya pa ay nakita kong nag reply si Toni.
"Grabe ka! Triple kill sila sayo
sayo kahapon! Naka
95 pa tayo!" -Toni.
Natawa na lang ako mula sa natanggap kong reply mula kay Toni. Nakita ko naman ang pagrereply rin ni Ja.
"Makakatikim na rin ako ng
uno sa card. Grabe, alam
mo ba? Tuwang tuwa si
mama nang ibalita yun ni
Peng sa amin kagabi." -Ja.
To Ni is typing...
"Even dad. He's super happy
nang malaman niya ito last
night dahil siya ang
may hawak sa phone ko at
nabasa niya ang laman ng
gc natin." -Toni.
"Ang galing mo talaga!
Napabagsak mo yung
team ng mga matatalino!
Wilton is even the top 3
pero nakayanan mo siya.
Binabalik balik ko yung
panonood ng video." -Ja.
"Video? Anong video?"-Me.
"Syempre, video mo. May
video ka kaya. I told Peng
na kunan ka habang nag de-
debate kayo." -Toni.
"Loko!" -Me.
"😁✌. Labyu."-Toni.
"Ewan ko sayo.
Out muna ako." -Me.
Hindi ko na hinintay ang reply niya. I charged my phone, saka kinargang muli si Jet'aime para lumabas at makapag agahan na.
Pagkalabas namin ay narinig ko na lang si kuya na nagsasabi ng 'baby girl'. Baby girl? Sino naman yun?
Ang ikinagulat ko, bigla na lang tumalon si Je t'aime at tumakbo papunta kay kuya. Hmm? Close rin sila?
"Hello, baby girl. Kain ka na? Kuya prepared breakfast for you..." sabi niya nang makarga niya si Jet'aime. Meow lang din ng meow si Jet'aime. My cute cat is like enjoying kuya's cuddles.
"Kuya, bakit mo tinawag na baby girl ang pusa ko?" tanong ko sa kanya.
Nang mapakain na niya si Jet'aime ay naghugas siya ng kamay saka nagtungo sa hapag. "Ang hirap kaya i pronounce yung pangalang binigay mo. Saka, mas bagay yon sa kanya no." sabi niya sabay lagay ng kanin sa plato ko. "Ang aga mong nagising. Alas diyes na ng umaga. Hay nako."
BINABASA MO ANG
Je t'aime, Milan
RomanceFreed has to move on after the woman he's liking is finally spending forever with the man she loves. At her wedding, in a dance, the businessman met the bride's cousin-young lady Milan Carmel Fajardo. She caught his attention in first glance. She m...
