Milan's PoV
ILANG ARAW DIN ANG lumipas matapos ng pangyayaring iyon. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalimot. Ewan ko ba. Hindi ko pa rin kasi gets kung bakit niya ako hinalikan e.
After that, mas lumala pa ang pagka akward na naramdaman ko.
At naalala ko na naman ang araw na iyon. Ano ba talaga ang intensiyon niya? Hindi ko siya maintindihan e. Bakit niya kaya ginawa ang bagay na iyon sa akin?
Last time, sa noo ko. Ngayon naman, sa labi ko. Saan na ang susunod?
Hoy Milan, magtigil ka nga! Wala nang susunod. Napuno na ako matapos ng ginawa niya. Ayoko na!
May mga araw din kaya kung kailan naapektuhan ang pag aaral ko. Kasi naman, sabi ni Toni na madalas raw akong tulala. Hindi rin daw ako makapag concentrate sabi ng ilan kong mga prof.
Kaya, napabuntong hininga na lang ako.
Ewan ko ba. Ibang iba ang dating nun sa akin e. Pero, alam kong hindi na tama itong nararamdaman ko. I have to cut it.
I dont want to see him for now.
At parang pinagbigyan naman ako ni Lord. Kasi ilang araw na rin ang lumipas at hindi na rin siya nagparamdam sa akin. Medyo, hindi na rin ako na-stress tungkol sa bagay na iyon.
Minabuti ko na rin na palitan na muna ang number ko. Itinago ko lang sa kwarto iyong lumang sim card ko. Wala lang, baka magamit pa naman e.
Matapos ang class namin, niyaya ako ni Toni na kumain at hindi na naman ako sumama. Doon na lang ulit ako sa library.
But remembering that we had a conversation there, nagbago ang isip ko. At mas nakumbinsi akong sumama dahil kasama rin nila si Wilton, ang pinakauna kong crush rito sa university na ito.
HINDI KO ALAM pero napapansin ko lately na lagi nang sumasama si Wilton tuwing nag aaya ng lunch o kahit dinner sina Toni. Ako naman itong fall na fall sa kanya ay lagi ring sumasama.
Until we became friends.
Ang dali lang no? Hindi ko rin alam kung bakit. Kasi, siya naman yung nag a approach sa akin, sinasabayan ko lang. Isa pa, crush ko yung tao e. Chance na rin yun to get him know me more.
Basta, sa loob ng mga araw na iyon na walang Mr. Sponsor na umaaligid sa akin, parang muling bumalik ang buhay ko dati, yung okay lang saka wala masyadong iniisip.
And, mas okay na ito.
Freed's POV
DAYS AFTER I BROUGHT Milan on my house, hindi ko na siya napuntahan sa school nila. I got very very busy on all paperworks na naiwan ko. And I have to finish this all.
Hindi ko rin kasi kayang iharap ang sarili ko sa kanya dahil sa nagawa ko. I just kissed her without her permission.
Hndi ko pa rin nakalimutan yung ginawa kong paghalik sa kanya. At nakonsensiya ako dahil sa ginawa ko.
Its already eight in the evening. At natapos na rin naman ang mga ginawa ko. Naglaan na talaga ako ng isang buong araw para rito. So I could visit Milan if I'm all free.
Para na rin makapag sorry naman ako sa ginawa ko sa kanya.
"Ewan ko rin sayo. Totoo ba talaga yang sinabi mo?" natatawang sinabi ni Jude sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag aasikaso sa mga gawain ko.
"Totoong hinalikan mo siya? That's out of the world tactic, man. Kahit ako, hindi ko naisip na gawin yan kay Calissa." dagdag niya. Ewan ko sayo.
I told them what happened on that day. And all what he did is to laugh. Hudas ka talaga. And yeah, kanina pa niya ako pinagtatawanan. Nang madako naman ang tingin ko kay Zandro, tahimik lang siya at parang may iniisip. Hanggang sa magsalita siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219528532-288-k665363.jpg)
BINABASA MO ANG
Je t'aime, Milan
RomanceFreed has to move on after the woman he's liking is finally spending forever with the man she loves. At her wedding, in a dance, the businessman met the bride's cousin-young lady Milan Carmel Fajardo. She caught his attention in first glance. She m...