Prologue

36 2 0
                                    


"Yurikoooo" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko ang Tita ko na nagsa-sign na lumapit ako sa kanya. Nakangiti naman akong nag-umpisang maglakad papunta sa kinaroroonan nya. "Dito kana, tayo na ang sunod" sambit ni Tita ng makalapit ako. Umupo naman ako at ganoon din sya sa tabi.

"Ms. Samantha Yuriko Castillo?" Tawag ng nurse sa pangalan ko habang may mga hawak na papel. Tumayo naman na kami ni Tita at itinuro sa amin ng nurse ang way.

Pagkadating ko sa pinto ay agad kung hinawakan ang door knob at pinihit iyon. Ngunit kasabay ng pagtulak ko ay may nagbukas din patulak sa akin ng pinto.

*Blog*

"Yuriko!" Gulat na sigaw ni Tita sa pangalan ko at buti na lang nasalo nya ako bago pa ako matumba sa sahig. Nagsalubong ang kilay ko habang hawak ang noo ko na tinamaan ng pinto, Saka binalingan ang lumabas mula sa kwartong iyon!

Isang lalake ang bumungad sa amin ni Tita, siguro mga kaedad ko lang. Seryoso lang ang mukha nito at wala manlang pagtataka kung bakit ganito ang itsura ko.

"Bakit binuksan mo iyong pinto?" Inis na tanong ko.

"Eh. Lalabas ako eh! Problema mo ba?" Sagot nito ng walang bahid ng interes, bakas na ang inis sa mukha ko.

"Natamaan ako pagbukas mo" pag bibigay impormasyon ko sa kanya, saka tumayo ng maayos. Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa bago ako tinignan muli sa mata. Agad ko syang sinamaan ng tingin ng magsalubong ang mga mata namin.

"Hindi ko kasalanan kung tatanga-tanga ka, hindi naman kasi tulak ang gagawin mo sa pinto pagpapasok ka. Dapat hatak. Edi sana naalalayan mo pa iyong pagtulak ko kanina" mahabang paliwanag nito, pero di mababahiran ng interes ang bawat salitang lumabas sa bibig nya. Bakas nga sa mukha nito na umay na umay na syang kausap at kaharap ako eh.

Biglang may lumabas pa sa pinto na isang babae, mga kaedaran naman ni Tita. Puno ng pagtataka ang mukha nito, bubuka palang sana ang bibig nito upang magsalita ng tawagin ng doctor ang pangalan ko mula sa loob ng kwarto.

Agad naman umalis ang bwiset na lalakeng iyon, kaya wala na akong nagawa kundi pangunahan si Tita sa pagpasok.

Agad kaming umupo ni Tita at nag-umpisa na ang Doctor kausapin si Tita, lahat ng sinabi ng Doctor ay nauunawaan at naiintindihan ko. Dahilan upang lukubin ako ng lungkot.

Matapos nilang mag-usap at bigyan ako ng bagong reseta ng gamot ay lumabas na kami ng Hospital.

Tahimik lang ako hanggang sa marating namin ang kotse sa parking lot, agad akong umupo sa passenger seat sa tabi ng driver seat habang si Tita naman ang nakaupo sa driver seat.

"Kailangan mong mag-patest ulit Yuriko" Sambit ni Tita habang nagmamaneho sya. Nakatingin lang ako sa labas at hindi sumagot. Ayoko! Sabi nila mas better daw na matest ako ulit para madiagnose nila kung anong stage na ba itong cancer na meron ako. Pero ayoko! Ayoko! Kasi hindi ko matanggap. Na baka after nila madiagnose ang sakit ko ay taningan na nila ang buhay ko. Ayoko! Ayoko talaga! Hindi pwede! Wala silang karapatan na sabihin kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay.

I'll Swallow The PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon