Special thanks to ItsRackeeraRocks . Salamat ng sobra sa paggawa ng cover ng story ko 😍😘.
HAPPY READING 😊
.
.
.
.
.Napabuga ako ng hangin ng makita kung lumabas sila Mommy, 10am na ngayon. Waiting for the result again, dahil kaninang umaga pina-bone scan ako. Kinakabahan tuloy ako sa mga pinag-gagawa nila.
Alam mo iyon? Yung ayaw mong malaman yung results. Pero sinasabi naman ng mga kilos nila.
Pinilit kung tumayo kahit pakiramdam ko, babagsak ako. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras. Pagkatayo ko ay mabilis kung inilipat ang sarili ko paupo sa wheelchair na malapit lang rin sa kama ko. Ang bilis ng hingal ko dahil sa kaba na baka bigla akong bumagsak sa sahig.
Nabuburyo na ako dito sa loob ng hospital. Si Mommy at Daddy kausap iyong doctor. Si Yukiro at Tita naman inaayos na iyong kakailanganin namin gamit for tomorrow sa bagong school namin ni Yukiro.
Mabagal kung pinaandar ang gulong ng wheelchair hanggang sa makarating ako sa pinto. Marahan ko iyong binuksan at sumilip kung nandoon lang ba sila Mommy, ngunit laking tuwa ko ng walang bakas nila roon kaya mabilis kung pinaikot yung gulong ng wheelchair.
Habang pinaandar ko ang wheelchair na sinasakyan ko ay panay silip ko sa ibang room.
'Nakakatakot dito sa hospital'
Nakarating ako sa parang garden ng hospital. Ewan ko kung garden ba ito, may mga pasyente na pagala-gala. Nurses na nagbabantay, meron din naman mga visitors lang. Patingin-tingin ako sa paligid habang patuloy pa rin ang pag-andar ng inuupuan ko.
*blog*
"Aray!" Napa angat ako ng tingin sa taong nasa harap ko. Hawak hawak nito ang tuhod na tumama yata sa gulong ng wheelchair ko. "Ano ba iyan! Hindi ka manlang tumitingin sa dinaraanan mo!" Asik nito sabay tingin sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko ng makilala ang taong nasa harap ko. And a minute past napa smirk ako bigla.
"So? Kasalanan ko pa ngayon? Hindi ka rin naman tumitingin sa dinaraanan mo ah?" Balik tanong ko sa lalaking nasa harap ko habang naka ngisi.
'It's pay back time!'
Sya lang naman ang lalaking walang pakundangang nagbukas ng pinto nung huling beses na nagpacheck-up ako.
"Tss, ikaw itong naka wheelchair. Dapat ikaw itong tumitingin" asar na sambit nito. Umusok naman ang ilong ko sa sinabi nya, napatayo ako ng wala sa oras at saka nameywang.
"Hoy! Ang kapal mo! Ikaw nga itong naglalakad pero hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Hilig mong manisi ah!" Badtrip na sambit ko. At kagaya sa unang beses naming pagkikita, tinignan nya lang naman ako mula ulo hanggang paa bago bumalik ang paningin nito sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
I'll Swallow The Poison
Teen FictionSometimes because of the pain, We're afraid to accept the truth. But how long will you avoid the truth, When everyone show you the things you don't want to see or to feel. Are you willing to Swallow the poison?